Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Nagtakip pa ako ng unan sa mukha dahil inaantok pa ako. "Mahal! Goodmorning." Parang narinig ko ang boses ni Ethan pero imposible naman na nandito siya. "Hey! Sleepy head wake up." Nakaramdam ako ng paghalik sa pisngi ko ngunit hindi ko na pinansin iyon. Baka nananagininip lang ako. Bumaba ang halik sa leeg ko at nakikiliti kong pinalo ang kamay na gumagapang sa bewang ko. Nakarinig ako ng munting tawa. Unti-unti kong minulat ang mga mata at nabungaran si Ethan na ngiting ngiti sa harapan ko. "What are you doing here mahal?" Tinatamad ko siyang inabot at hinalikan ang pisngi niya. Yumakap siya sa akin at hinila ulit ako pahiga. "Let's cuddle. I will miss you." Nakanguso siyang yumakap sa akin ng mahigpit ayt kinulong ako sa mga br

