Masikip ang dibdib ko. Para akong wala sa sarili habang mabilis na tumakbo patungo sa gym kung nasaan si Ethan. Siya ang kailangan ko ngayon. Kailangan kong malaman kung may katotohanan ang narinig ko. Mabibigat ang hakbang ko. Lakad takbo ang ginawa ko upang marating siya. Ang sakit sa loob na tanggapin na magkakaroon siya ng anak sa ibang babae. Kung totoo man iyon ay hindi ko na alam ang gagawin dahil alam ko sa sarili na papakawalan ko siya. "Ynna? Are you in a hurry?" Hindi ko na pinansin pa si Harvey ng lumapit siya sa akin. Nilagpasan ko lang siya at nagmamadaling pumasok sa gym. Nandoon si Ethan hawak ang bola at nakikipagtawanan sa teammates niya. Nahinto lang sila ng mapansin ang presensya ko. "Ayan pala si mahal! Kanina ka pa bukang bibig ni Captain!" Hiyaw ni Nick. Gustuhin

