"She was drunk last night and she called me. Nagwawala siya sa bar at hindi kaya ng konsensya ko na hindi siya puntahan doon." Lalo yatang kumirot ang puso ko sa sinabi ni Ethan. Bakit hindi niya kayang tiisin si Jaz? Kasi may nararamdaman pa siya para sa babaeng yon? Hinayaan ko na lang siyang magpatuloy kahit na gustong gusto kong itanong kung bakit hindi pa din niya matiis si Jaz. "Pinuntahan ko siya. Inuwi ko siya sa condo niya but believe me, yun lang ang ginawa ko at hindi ko na alam ang nangyari. Hindi ko nga alam kung bakit ako napunta sa sarili kong condo." He explained his side na nakayakap lang sa akin. "Paano yung text? You texted me and ypu told me you need me pero yun lang ang aabutan ko!" Puno ng sama ng loob na sumbat ko sa kanya. He kissed my head at iniharap ako sa kany

