"Bakit ang tahimik mo? Gusto mo ng cookies?" Inalok sa akin ni ate Yam ang Jar ng cookies na siya mismo ang nagbake. Ngumiti lang ako ng tipid at tinanggap iyon. Madami akong iniisip sa mga nakaraang araw na ito. Nagsisimula na naman kasi akong magkaroon ng doubt kung worth it pa ba ang pagbibigay ko ng chance kay Ethan, oo masaya ako pero hindi ko maiwasang masaktan. "Gusto mong mag-share sa akin? I'm willing to listen." Tumabi siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko. Gusto ko tuloy maiyak dahil na-touch ako kay Ate Yam. "Si Ethan kasi ate." Para akong batang nagsusumbong, "mahal ko siya pero may doubt pa din ako. Hindi ko alam kung worth it ba lahat ng sakit." Bumuntong hininga siya at nginitian ako, mukha talaga siyang anghel kapag tinitingnan, napaka inosente ng mukha n

