"Hmn." Nagising ako ng maramdaman kong may nakahawak sa dibdib ko. Teka? May nakahawak sa dibdib ko? Kinapa ko ito at nanlaki ang mata ko ng may nakapatong na kamay. Hala! Aalisin ko na sana ng piniga pa ang dibdib ko! Nanlaki ang mata ko lumingon sa katabi ko. Si mahal! Tulog na tulog at nakapatong ang mga hita sa beywang ko at ang mga kamay sa .. You know, dibdib ko! Tsk. Huhuhu! Minamanyak ako ng gwapong tulog! May pagnanasa pala 'to sa akin eh! Dali-dali akong bumangon at nagdiretso sa banyo para magtoothbrush at maghilamos malay natin baka pag nagising ay hindi lang hawak ang gawin. Hihi! Lande! Pagkatapos naming kumain kagabi ay hindi na nya ako kinausap. May topak! Kinukulit ko nga kaya lang ang impakto ay inirapan lang ako, konti na lang ay maniniwala na akong pareho sila ni Mi

