"Tara na mahal!" Nagmamadali akong kumapit sa braso ng mahal ko. "Tss." Naiinis na inalis nya ang kamay ko na nakayakap sa braso nya pero dahil nga maganda ako ay ipinulupot ko ulit ito sa kanya na parang tuko. Nakakunot ang noo na hinarap nya ako. Ngiting ngiti naman ako sa kanya at nagpapa cute pa. Lalong kumunot ang noo nya ng dumako ang kanyang paningin sa suot ko. "What are you wearing?!" Napapikit ako at napalayo ng konti ng bigla syang bumulyaw. Sakit sa eardrums. Kainis. "Change!" Kunot na kunot ang noo nya habang tinutulak ako pabalik sa loob ng kwarto. "Teka nga lang, ano ba ang masama sa suot ko?" Inalis ko ang kamay nya na tumutulak sa akin papasok at nakapameywang na hinarap ko sya. Imbyerna itong gwapong ito, halikan ko kaya sya. Inis! Ano ba ang masama sa suot kong

