Patuloy lang sa pagtatawanan at pag iinuman ang buong team, Halatang lasing na lasing na si Nick kaya kung ano ano na ang sinasabi tungkol sa girlfriend nya kaya naman panay ang asar sa kanya ng mga kasama. Si mahal naman ay sitting pretty lang sa tabi ko. Hindi nga maalis ang mga braso sa bewang ko. Pasalamat sya at gusto ko din ang ginagawa nya kung hindi ay kanina ko pa sya nabayagan. Echos! Nagulat na lang kami ng biglaan syang tumayo at mabilis lumabas ng pinto. "Captain! Where are you going? Nagku kwento pa ako." Kahit napipikit na ay sige pa din sa pag bulyaw si Nick. "M-may nakita lang ako. K-kayo na muna ang bahala kay Y-yna." And with that ay nagtatakbo na sya palabas. Anong problema nun? Natatae kaya sya? Nagmamadali e. Pinanood ko na lamang sila sa pag kantiyaw sa kawawa

