YLODIA
Hindi na nga kami sabay pumasok ngayong araw ni Sage. Ayaw na nga niya talaga akong makasabay. Well, pabor naman sa akin dahil para akong sinasakal kapag kasama ko siya. Kailangan kasing lagi ko siyang pakikisamahan para kay Tito Edward.
Kinuha ko ang ID ko at itinapat sa scanner. High-tech talaga dito. Sa probinsiya ay may mga Security Guards pa ding nagchecheck sa ID ng mga estudyante. Bumukas ang gate pagka scan ng scanner sa ID ko.
Kasabay ng pagbukas ng gate ang pagbuhos sa akin ng malamig na tubig. Hindi ko nakita kung sino ang nagbuhos sa akin dahil agad akong napapikit. May mga yelo pa yong kasama dahil tumama pa sa ulo ko ang ilan sa mga yon. Pero hindi ko yun pansin. Nanginginig na ako sa lamig. Pinagtinginan lang ako ng mga nagdaraang estudyante. Hindi ko naman alam ang aking gagawin. Kung lalabas ba ako o maglulupasay na lang at iiyak!
Tatakbo na sana ako palabas nang may humila sa akin. Isinuot din niya sa akin ang isang hoodie.Patakbo niya akong hinila. Sa ladies cr kami pumunta.
"Take off your clothes." utos niya.
Ngayon ko lang siya natitigan. Babae pala ang humila sa akin at maganda siya.
Umiling ako. Parang gusto kong maiyak sa awa sa aking sarili.
"I have extra shirt and pants here. It will fit you. Come on magkakasakit ka kapag hindi mo pa tinanggal yang suot mo."
May inabot siya sa akin na paper bag.
"This is my P. E uniform pero hiramin mo muna."
Sino siya? Bakit niya ako tinutulungan?
"Magbihis ka na. I'll be waiting outside."
Agad akong nagtanggal ng basang damit. Nanginginig pa rin ako sa lamig.
Tinanggal ko ang eyeglasses ko.
Is this the hell that Sage is talking? Totoo ba na may fan club ang Callum na yun?
Kumasya naman ang damit na binigay ng magandang babae sa akin. Mabuti na lang at maluwang yun at hindi hapit.
Pinunasan ko muna ang eyeglasses ko bago ko isinuot.
Naghihintay sa labas ng cubicle ang babae.
"You must be the famous kiti-kiti girl." she chuckled.
Kiti-kiti girl?
"You're all over Saint Yves website. Mabuti na lang at hindi pwedeng mag leak ang videos mo outside the website kung hindi viral ka na ngayon sa lahat ng social media platforms."
She shook her head.
"Bad news is it's just only the beginning. I'm not not scaring you ha, but Callum's bunnies are crazy. You're not the first victim. The two other poor girls transferred already. And mind you, hindi lang mga babae ang naging victim nila. I remembered a fellow football player of Callum na sumuntok sa kanya hindi rin nakaligtas."
"Is he that powerful?" tanong ko.
She nodded.
"Yeah. Malas mo at nakatapat mo siya." she sighed. "But don't you worry. Someone can help you."
Nagkaroon ako ng hope sa sinabi niya.
"Pwede akong magsumbong sa mga heads ng School? Like sa University President?" tanong ko.
Tumawa lang siya.
"Of course not! This isn't just an ordinary school you know. And you'll know why sooner." makahulugan niyang sabi.
"Anyway, other than Callum ay may isa pang untouchable dito. But he's too hard to reach."
Ano daw? Paaralan ba ito o bilangguan? May mayor. May sinusunod.
"Magsusumbong na lang siguro ako sa NBI." inis kong sagot.
She looked at me as if I'm the dumbest person she ever met.
"You're naive, you know that? Look, I didn't helped you because naawa ako sa yo. Tinulungan kita because I'm sick of those bitches. If I'm powerful enough matagal na silang nawala dito. But I can only help you kapag nagawan ka na nila ng kalokohan. Wala na silang magagawa doon. But Taylor can help you. "
" Who is he? "
" You'll meet him soon. "she said smiling.
" What you have to do now ay iwasan ang mga baliw na babaeng yun. I can show you the way para hindi ka nila mapansin. They can no longer touch you kapag nasa loob ka na ng classroom, that's their rule. Anyway, my name is Bella."
Kaklase ko sa tatlong subject si Callum. That means that I have to endure those hours na makakasama ko siya. Alam kong masama ang magalit sa kapwa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Kung hindi niya ako ginalit ay hindi ko siya masasampal. Hindi ako pag-iinitan ng mga fanatics niyang baliw.
Naramdaman kong tila may nakatitig sa likod ko.
"Pink."
Narinig kong sambit ni Callum.
"Really?" sagot ng barkada niya na nakaupo sa kabilang row.
"Yeah. I can see it." sagot uli ni Callum. Nagtawanan sila sa likod.
I frowned.
Anong pink?
Saka ko naalala na pink ang kulay ng suot kong bra.
Are they talking about my bra?
Nag-init ang buo kong mukha. Lantarang pambabaatos na ang kanilang ginagawa.
Gusto na naman ba niyang masampal? Nakuyom ko ang aking kanang kamao.
Lord help me!
YLODIA
Problema ko naman ngayon kung papano ako lalabas sa classroom.
Nakalabas na silang lahat. Nagkukunwari akong may tinitingnan sa desktop computer sa table ko. Pero naglalaro lang ako ng solitaire. Hinuhulaan ko kung may naghihintay ba sa akin na kapahamakan sa labas.
Nangalumbaba ako.
Bahala na. Magpapagabi na lang ako.
Hindi nila ako pwedeng galawin dito sa loob, bahala silang mapanis sa kahihintay sa akin sa labas.
Nagugutom na ako. Kanina pang tanghali ang huling kain ko.
Naghalungkat ako sa aking bag. May isang supot ng mani pala akong naitago sa bulsa ng backpack ko.
Kinapa ko ang rosary na suot ko. Sa mga ganitong pagkakataon kailangan kong manalangin.
I am about to say my prayers when the light turns off.
Wala bang kuryente? Tumingin ako sa kabilang wing ng building. May ilaw naman doon ah. Tatayo sana ako para e-check ang switch ng ilaw when someone grabbed me.
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, I can't move. The smell is familiar.
"Callum?" I asked.
He didn't respond. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
"Let me go, ano ba? Are you this childish?"
Biglang nag flashback sa memory ko ang nangyari sa akin years ago.
Pinagpawisan ako ng malapot. Hindi pwedeng atakehin ako ng anxiety ko ngayon. I must save myself. But how?
Pumikit ako. I imagined where he's feet are. Aapakan ko ang mga paa niya. Yun lang ang kaya kong gawin sa ngayon.
"Ssshhh..."
Sabi niya sa akin.
"If you want to live just stay silent. They are everywhere. They've been waiting for you to come outside." he whispered.
They? Ang mga fanatics ba niya ang tinutukoy niya? Bakit hindi na lang niya hayaan ang mga baliw niyang fans na saktan ako?What change his mind?
Nakarinig ako ng mga papalapit na yabag.
" Maybe she went home. "sabi ng isang boses.
" She's lucky today but not tomorrow. "gigil na sagot ng isa pa.
Maya-maya pa ay narinig ko na silang papalayo.
Pero hindi pa din niya ako binibitawan mula sa pagkakayakap sa akin.
" They're gone. Baka pwede mo na akong pakawalan. "
Hindi ko naiwasang maging sarcastic.
Pero hindi pa din siya gumagalaw. He's breathing become shallow.
"Ano ba?" ulit ko. "Let me go."
Umunat ako ng tayo. Muntik na akong sumigaw dahil sa matigas na bagay na bumunggo sa may pwitan ko.
Mukhang nagulat din siya dahil bigla niya akong naitulak. Mabuti na lang at hindi ako natumba.
"You owe your life to me." sabi niya. "If not for me nabugbog ka na nila kanina. Who knows if you're still alive after that."
Kahit hindi ko siya nakikita ay pinangunutan ko siya ng noo.
"Well, they are your fanatics. Why don't you talk to them and stop their craziness? Ikaw ang dahilan kaya nila ako pinagtritripan."
He chuckled.
"As if it's that easy. Once they picked you as their prey no one can stop them."
Sumakit bigla ang ulo ko.
"Ano ba itong napasukan kong gulo, Diyos ko." bulong ko.
"I can save you from them though." sabi niya.
"How?" tanong ko.
"Be my slave."