YLODIA "I will give you time to decide. If you agree on my terms, you'll be the luckiest student here in Saint Yves." Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang mga salitang binitawan ng Callum na yon. Parang gusto ko nang magsabi kay Mama sa mga nangyayari sa akin pero nagdadalawang isip ako. What if it will only complicate things? Wala tuloy akong ganang pumasok ngayon. Bahala na. Lalaban ako. Sumabay ako sa maraming estudyanteng papasok sa gate. Bakasakaling hindi ako makita ng mga Fanatics ni Callum. Nakapasok naman ako ng matiwasay. Walang nangyaring anuman sa akin. Dumeretso ako sa locker ko. Malayo pa lang ay nakikita ko ng bukas yon. Ne-lock ko yun kahapon ah. Dali-dali ko yung binuksan. Tumambad sa akin ang punit-punit kong mga libro. Nagkalat ang mga pahina ng mga i

