YLODIA Nandito ako ngayon sa library. The safest place that I know na pwede kong pagtaguan. Hindi na lang ang mga Callum fanatics ang pinagtataguan ko ngayon. Kahit ang Callum na yun ay iniiwasan ko na din. Kung makadikit ay wagas! Kahapon ay pinagtinginan kami ng mga classmates namin. Bakit naman hindi? Halos magkapalitan na kami ng mga mukha dahil ang lapit na ng mukha niya sa akin. Hindi ko magawang lumayo dahil ang isa niyang braso ay nakapulupot sa beywang ko. Strange, pero hindi ako nakaramdam ng pandidiri kapag nagkakalapit kami. Just an uneasy feeling. I sighed. Hanggang kailan ganito ang sitwasyon ko? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, walang gulo, walang nagagalit sa akin. Pero bakit ganito? Isa pa to! Ano bang pangalan niya? He offered to be my boyfriend pero hindi man

