YLODIA "Eat." Para akong batang inuutusan ni Callum. Siya ang nagluto ng ham and fried egg. Nagsangag din siya. I didn't expect that he knew how to cook. Siyempre mayaman siya. May uutusang kasambahay. Suot ko pa din ang jersey niya. Naiwan ko sa resort ang lahat ng gamit ko kahit ang eyeglasses ko. Pwede namang ito na lang jersey ang suutin ko pauwi tutal mahaba naman.. Nilagyan niya ng sinangag ang plato sa harap ko, two slices of ham and a piece of sunny side up egg. He poured raspberry juice to my glass. "Kumain ka na. You didn't eat last night. Mabuti naman at wala kang hangover." He said shaking his head. "Bakit mo ako dinala dito?Pwede namang ihatid mo ako sa bahay.. Or drop me sa Inn.. Huwag lang dito sa bahay mo." Hindi siya sumagot. Biglang nag ring ang cellphone niy

