YLODIA "Bakit naman po napaaga ang kasal, Tito?" Feeling ko ay pinagbagsakan ako ng langit sa aking nalaman. Ang buong akala ko next year pa kami ikakasal ni Callum. After he graduates. "Yun ang napag-usapan hija. Sa ngayon kahit simpleng kasal muna. What important is makasal na kayo the soonest." Tumingin ako kay Mama, nagpapasaklolo. She ignored me. "Call me dad. Tapos na ang adoption paper mo. Legally, I'm your father." nakangiting sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong kaalam-alam. But I felt happy though. Dahil itinuturing niya akong kapamilya. Wala sa loob na nayakap ko siya. "Salamat, T-.. D-Daddy." maluha-luhang sabi ko. Napapangiti lang si Mommy sa gild.She's crying too. YLODIA Sage is ignoring me. Matagal ko nang napapansin na ayaw niyang kahit sumulyap s

