SAGE "What do you mean that she's back?" I almost lost it. Mabuti na lang at naalala ko na nasa dressing room pa ako ng network at may mga kasama ako sa loob. Pilit akong ngumiti. Ayaw kong ipakita sa mga kasamahan ko sa trabaho ang bad side ko. Everyone thought that I am the soft hearted anchor and host. Mahirap magpanggap pero kailangan. "May nakakita sa hotel na magkasama sina Ylodia at Callum. Holding hands. They went together sa penthouse ni Callum. And what would you think they'll do there? Mag-uusap?" Harry chuckled on the other line. I want to shout dahil sa galit. Bakit bumalik ang babaeng yun? I heavily sighed. Yun na lang ang magagawa ko instead of shouting. " Five years, Sage.And you failed. I've done worst things. Ikaw, anong nagawa mo? Paubos na ang pera ni Da

