YLODIA Nagpatuloy ang cold treatment sa akin ni Callum. Naiinis na ako sa hindi niya pagpansin sa akin. Gabi na kung umuwi siya.Napaka aga naman kung umalis sa umaga. Lalong nadadagdagan ang inis ko kapag naiisip kong nasa kandungan siya ng ibang babae... Oo na nagseselos na ako. Naiinis na rin ako sa aking katangahan. Dahil hindi pala ako immune sa charm niya. Biglang nag ring ang cellphone ko. Si Mama. "Ma, napatawag kayo?" Pagkatapos niya akong sermunan noon ay agad din naman siyang nagsorry sa akin, saying that she judged that easy. And that she believes in me... Ngayon lang ulit siya tumawag. Alam kong busy siya sa bago niyang negosyo, ang pag dedesign ng mga wedding gowns. "Pwede ko bang mahiram ang sasakyan mo, nak? Ginamit ng secretary ko ang service car ko. Yung i

