YLODIA Matagal nang nailagay ang kabaong ni Mama sa hukay. Natakpan na din yun ng lupa. Pero tila hindi ko maihakbang palayo ang aking mga paa. Mahigpit kong yakap ang picture frame kung saan naroon ang larawan ni Mama. Katabi ko si Cathy, inaalalayan niya ako. Si Daddy Edward at Sage ay sumakay na sa kani-kanilang mga sasakyan. Nakaalis na rin ang ibang mga bisita. Si Daniel ay naghihintay naman sa kanyang sasakyan kasama ang mga malalapit naming mga kamag-anak na galing pa ng Bataan. Kanina ay kinausap sila ni Callum.Nakita ko si Taylor kanina pero agad ding umalis. Gusto ko sanang sa Bataan ilibing si Mama pero ayaw pumayag ni Daddy Edward. Sumang ayon na lang ako dahil siya naman ang asawa. Naramdaman ko ang kamay ni Callum sa aking beywang. "It's getting dark, let's go." bulong

