YLODIA Putok ang kanang kilay ni Callum. Ang kanan niyang kamay ay nakabenda. Kahit ang ulo niya ay may tahi. Gasgas din ang kaliwang braso niya. Anong nangyari? Agad siyang nilapitan ng kanyang Mommy. Agad itong yumakap kay Callum. "What happened?" tanong ng biyenan ko, mangiyak-ngiyak. May mga unipormadong pulis sa labas ng Emergency room. Callum sighed. Pagkatapos ay tumitig sa akin. His forehead knotted. Hindi ba niya ako nakilala sa unat kong buhok? Nag init ang aking mukha. Pinagalitan ko ang aking sarili. May oras pa akong kiligin sa ganitong pagkakataon? "I am fine Mom." sagot niya. Pero napangiwi nung maigalaw niya ang nakabendang kamay. Lumapit ang doktor sa amin dala-dala ang result ng x-ray. "Wala namang fracture ang bones mo. Ang muscles lang sa left han

