YLODIA Hindi ko mapigilan ang aking luha habang tinititigan ko ang portrait ni Mama na katatapos ko lang gawin. She has the most encouraging smile. Na-inlove daw sa kanya noon ang papa ko dahil sa kanyang ngiti. Na kahit na sinong makakakita ay mahahalina. I missed her. Ni hindi ko man lang siya nasabihan ng I love you. I sighed. Hinaplos ko ang kanyang portrait. "I'm so sorry, Ma. Nang dahil sa akin nawala ka ng ganon-ganon na lang. But don't worry, papanagutin ko ang gumawa nito sa yo." Biglang kumatok si Cathy sa pintuan ng art studio. "Come in." sagot ko. Inayos ko ang pagkakasabit ng portrait sa wall. "Nakiusap kasi si Callum na kausapin ka." Paglingon ko kay Cathy ay nakita kong katabi niya si Callum. Nakatalikod kasi ako sa pinto dahil isinasabit ko ang portait ni Mama

