5 YEARS LATER... "Congratulations, Ylodia. In a span of 7 days, three of your paintings were sold." I am beaming with joy. Ibig sabihin ay magkakaroon na naman ng enough funds ang simbahan at bahay ampunan sa loob ng isa hanggang tatlong taon. Hindi naman biro ang halaga ng isa sa mga paintings ko. Nakikilala na din naman ang aking mga obra around the world using my name as Violet.Hindi ko inilalagay ang tunay kong pangalan sa mga paintings ko.Lahat ng transactions ay dumadaan sa lawyer ko. "But we do have a little problem, hija.Someone requested to meet you. Siya talaga ang number one buyer ng mga paintings mo for five years now." Napakunot-noo ako. "A certain Minerva Gates. Matagal na niya akong kinukulit na makilala ka. Now, nauubusan na ako ng alibi." sagot ng matandang abogado

