Chapter 1
~~~ ★★★ ~~~
I found her diary underneath the tree
And started reading about me
The words she's written took me by surprise
You'd never read them in her eyes
~~~ ★★★ ~~~
ALEXIS
Tamad na tamad akong naglakad papunta sa isang bakanteng bench sa may school ground. Nakakatamad ang araw na 'to. Actually, lahat ng araw. Kung hindi lang dahil sa garote ni Mommy, hindi talaga ako papasok.
I mean, me going to school is just a f*****g formality para lang magka-diploma. Kaya ko na namang i-manage ang company namin kahit na walang supervision ni Daddy, even without a degree!
That's how awesome I am.
"Lex!" nilingon ko si Yuan na kumakamot sa kaniyang batok. Itinaas nito ang kaliwang kamay at itinuro sa'kin ang orasan niya. Bumuga ako ng hangin at bagsak ang mga balikat na sinilip ang relo ko.
9am pa lang. s**t, ang bagal ng oras.
"Alas-nueve pa lang!" sigaw ko pabalik. Nagsalubong ang kilay niya at napaawang kaunti ang labi. "—Kung sira na 'yang relo mo, magpabili ka sa Mama mo!" rinig ko ang tawanan ng iba pa naming mga kaibigan dahil sa sinabi ko.
"Gago ka, Lex! Balik na tayo sa room oy!" sigaw naman ni Troy.
"Lagot ka na naman sa Mommy mo kapag nalaman niyang nag-cutting ka na naman, close friend pa naman niya 'yung prof natin sa Economics!" sigaw din ni Sandro. Tss. As if I care. Inilagay ko ang aking kaliwang kamay sa aking bulsa at itinaas sa ere ang kanan at ikinaway sa kanila.
Naiiling na isa-isa silang hinila ni Benedict papunta sa building namin. Alam nila na kapag timanad ako, hindi talaga ako mapipilit. When they were gone on my vision, I exhaled and faced my favorite place. Lumawak ang ngiti ko nang makitang walang nakaupo sa bench. Good. This place, is my kingdom.
Marahan akong umupo sa bench. Pinagpag ko pa ito at dinama habang nakapikit. I inhaled fresh air and exhaled it. Grabe. Napakalaking pakinabang ko talaga sa environment. Biruin mo, 'yung carbon dioxide na ibinubuga ko, kailangan at napapakinabangan ng mundo?
Tahimik ang paligid, karamihan ng mga estudyante may klase ng ganitong period. Malamig na hangin ang dumadampi sa mala porselana kong balat, tanda na palapit na ang pasko. Maingat akong nahiga at tumihaya sa bench. Sa tangkad ko ay lumampas na ang aking paa, but I don't mind.
Ilang sandali pa ay ramdam ko na ang pagkuha sa'kin ng liwanag, nakaramdam ako ng yabag na palapit but I didn't mind. Hindi naman iyon maingay. Parang naupo lang sa tabi ko. I inhaled a scent that is familiar to me pero hindi na ako nakadilat because sleep took toll on me.
I'm really having a good dream kung saan nakikipag karera ako sa aking mga kaibigan and I am winning. Kaunti na lang ay matatapos ko na ang lap para manalo at mailibre ng pagkain.
Victory is waving at me!
Slowly...
Slowly...
Kaunti na lamang at mararating ko na ang dulo nang—
"ALEXIS BUSTAMANTE!" bumalikwas at halos mapatalon ako sa gulat sa lakas ng boses ng tumawag sa'kin. Napahawak pa ako sa aking dibdib at ulo para pakalmahin ang aking puso at ulo na biglang sumakit.
"Putang—"
"Ano? Putang ano, Alex?!" sinalubong ako ng mga matalim na mata ni Lexy.
"What the hell?!" inis na singhal ko din sa kaniya. Pero imbis na matakot, kumunot lamang ang ilong niya. "Problema mo?! Kailangan talaga sumigaw? Kita mong natutulog 'yung tao!" gigil na sabi ko dito. Napansin ko na madami na ang mga estudyante na nakapaligid sa amin.
"Lintik ka! Wala ka namang ginawa maghapon kundi matulog! Dinaig mo pa ang buntis sa katakawan mo sa tulog!" ngayon naman ay nameywang na ito.
Dumating rin sa likod nito sina Yuan na may mga dala nang bag. Itinuro na naman ni Yuan ang kaniyang relo.
I looked at my watch and saw that it's already 4 in the afternoon. "YES! UWIAN NA!" sa wakas! Agad akong tumakbo papunta sa classroom namin na wala nang tao para kunin ang bag ko. Lumabas na ako sa gate at naabutan sa parking lot sina Benedict na paalis na.
"Mauuna na kami sa inyo, may lakad pa kami nina Dad" walang lingon likod na sumakay ito sa kotse nila.
"Hintayin mo daw si Celestine, may naiwan lang daw sandali" ika naman ni Yuan. Ano ba naman 'yan! Uuwi na lang! "Oh, ayan na pala siya" napalingon ako sa direksyon na tiningnan ni Yuan.
Patakbong lumapit sa'min si Celestine Crisostomo. She's— uhm, paano ko ba sasabihin? Anak siya ng best friend ni Mommy. Matagal ko na siyang kilala, close siya sa parents ko since talagang Ms. Congeniality talaga siya. At sa amin siya nakatira.
Madaldal. Masungit sa'kin. Pabebe. "Habang tumatagal, parang gumaganda si Tine" rinig kong bulong ni Yuan. Tiningnan ko muli si Celestine. I call her Lexy, they call her Tine. Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi nito? Gumaganda? Saan naman banda?
Kulay caramel brown lang naman ang mata nitong bilog na bilog. Maliit at cute ang ilong, hmmmm, yes she's slim pero hindi pang model ang katawan.
So what kung lip tint lang ay mapula na agad ang labi niyang manipis? Palaging nakalugay ang mahaba niyang buhok. Hindi ba siya nahihirapan o naiinitan? Ifi-flip niya pa 'yon minsan sa mukha ko para maamoy ko 'yung shampoo na ginamit niya. Kaasar. Tell me, anong maganda doon?
Going back.
Pahakbang na sana siya palapit sa amin nang may tumawag sa pangalan niya, "Celestine!" maging kami ni Yuan ay napatingin sa tumawag dito. Isang lalaking sa tingin namin ay transferred student. "Salamat pala sa tulong mo kanina, buti na lang magkasama tayo, kung hindi, baka kung ano nang nangyari sa'kin" pa-cute nito kay Lexy.
Napaismid ako. Knowing Lexy, she won't shoo him away. "Wala 'yon, Bernard.. inihabilin ka rin naman sa'kin ni Ma'am Eve"
"Ihatid na kita pauwi?" nagtagis agad ang mga bagang ko sa inis. Napatingin sa'min si Lexy saka ngumiti na parang nagtatanong kung pwede bang 'yung Undin na kausap niya ang maghatid sa kaniya. Syempre hindi pwede!
Damn it, Celestine! Ano na? Uuwi ka ba o uuwi ka?
"Celestine!" sigaw ko. Mukhang napalakas ito dahil madaming napatingin sa'min. Maging si Lexy ay napatingin din ng may nagtataka sa'kin.
Pumunta ako sa may pintuan ng kotse namin at binuksan ang back seat kung saan kami nakaupo. "Inside my car. NOW." matigas na utos ko.
Inirapan niya lamang ako na nagpatawa kay Yuan, tinapik niya ako sa balikat, saying that he's going home too. "Chill ka lang, bud" ika pa nito.
Kita ko na may sinabi pa si Lexy doon sa kausap niyang lalaki bago tumakbo palapit sa'kin. Nang tuluyan siyang makalapit ay tinaasan niya naman ako ng kilay at inismiran. Kita niyo na?
"Ano? Sasakay ka ba o sasakay ka?" iritang tanong ko. She hissed on me before settling down, tiningnan ko ng masama 'yung lalaking kausap niya and he just smirked at me. Aba't?! Umupo ako sa tabi ni Lexy.
Pero mas lumayo naman siya hanggang sa halos idikit na niya ang sarili sa bintana ng sasakyan. She's also murmuring something.
"Ano na namang salamangka 'yang ibinubulong mo diyan?" inis na tanong ko. She threw a glare on me kasama ang nanghahaba niyang nguso. "... Ano? Naiinis ka kase naudlot 'yung love life mo doon sa chopsticks na 'yon?"
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ko "Chopsticks? Anong pinagsasasabi mo?" asik niya.
"Yung kausap mong lalaki na halos lumuwa 'yang mga mata mo dahil sa pagpapa-cute! Actually, he doesn't even look like a chopsticks, he's more of a fishbone" pang-aasar ko pa.
"Mayab—"
"Ayan na naman kayong dalawa.." saway sa amin ng driver na si Kuya Simon. Actually, hindi lang namin siya driver, bodyguard ko din siya. "... Ayaw mo bang magka-love life si Tine? Dalaga na naman siya ah"
"Naku, Kuya Simon!" inis na sabi naman ni Lexy. "Ang sarap tirisin nitong alaga mo, sa totoo lang" napatawa naman ako. Ako? Titirisin niya? E sa liit niyang 'yan, kayang-kaya ko siyang bitbitin.
"Love life my ass.." ika ko naman. Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami sa bahay niya.
"Tine, sigurado ka bang dito ka na? Ayaw mo muna sa mansyon?" tanong ni Kuya Simon. "Wala kang kasama dito, hindi ba delikado?"
"Hayaan mo nga siya, Kuya. Kasama niya 'yung kalahi niyang surot diyan sa bahay niya"
"Okay na dito, kesa naman sa kasama kang alipunga ka!" nanlaki ang mga mata ko sa itinawag niya sa'kin. This— "Tsaka po, death anniversary nina Mama at Papa ngayon.. aabsent sana ako, kaso may importante kaming quiz. Kaya, dito muna ako.. isusumbong ko 'tong si Alex"
"H-Hoy!" kinakabahan na tawag ko sa kaniya "Inaaway ba kita? P-pinagtatanggol nga kita e!" tiningnan ko si Kuya Simon sa rearview mirror na natatawa lang sa pagtatalo namin. Alam nilang ayaw ko sa kahit anong may kinalaman sa horror.
"Babye na, Alipunga!" sigaw na naman nito. Sa inis ay muntik na akong mapalabas ng kotse para lang pitikin siya sa noo. Naniniwala akong ipinanganak si Lexy para lamang asarin ako.
'Yon lang ang silbi niya sa buhay ko. "Kuya Simon, ingat po kayo sa daan.. wag niyo na rin po akong sunduin bukas, ako na lang ang papasok"
"Tss. Magpapasundo ka sa buto ng isda na 'yon ano? Bahala ka sa buhay mo" itinaas ko na ang binatana ng kotse para di na siya makita pa.
~~~~~~
Itinungo ang aking ulo sa desk namin. Gahd! I'm sleepy!
"Lex.. huy Lex" yugyog sa'kin ni Sandro. Umungol lamang ako bilang sagot. "May naghahanap kay Tine, kung papasok ba daw"
"Papasok 'yon. Late lang" tamad na sagot ko naman. Knowing Lexy, she won't be absent. Kahit may sakit na, papasok pa din 'yon.
"I doubt.." that made me look at Benedict. "Janica said that Tine asked her to take notes for her, iniwan niya rin ang lahat ng dapat iwan today.. for sure she's not coming.. it's her parent's death anniversary, remember?"
I felt a tiny prick on my chest called guilt.
"Yeah, she probably won't be around" Yuan said. Ipinikit ko ng marin ang aking mata saka huminga ng malalim.
Ano ba 'to? Bakit pakiramdam ko, I'm a jerk dahil sa mga pinagsasasabi ko sa kaniya kagabi bago kami maghiwalay? Baka ngayon nagmumukmok lang siya sa bahay niyang puro surot. Mag-isa.
Lumabas na lamang ako para matulog na naman sa bench. Lexy won't be around, meaning longer time of sleep. I was about to lay down nang may mapansin akong isang notebook sa ilalim ng aking higaan. It's ahm— a very girly notebook. Green is very dominant among it's colors. May mga calligraphy din.
But what caught my attention is the first page. It's says DIARY at may C.C sa ilalim. That caught my attention. Dapat ay hindi ako nakikialam ng mga ganitong bagay, but for some reason, I was drawn into it. I scanned through the pages at ang ganda ng hand writing.
But what shocked me is when I saw this passage:
Franco Alexis Bustamante is one of a kind.
Bilang bumilis ang t***k ng puso ko. Ako 'to diba? Wala namang ibang Alexis Bustamante dito sa school. Sobrang na-intriga ako sa Diary kaya naman itinago ko ito.
Bigla akong nawalan ng gana na matulog. Kipkip ang notebook, bumalik ako sa classroom na ikinagulat mismo ng teacher namin.
~~~~~~~~~
"Puntahan mo na si Tine.. baka nandoon lang 'yon sa kanila" pilit sa'kin ni Sandro. Tama nga ako, maghapong wala si Lexy. Gusto ko na sanang umuwi para makapag-pahinga. Pero ayaw akong tantanan ng mga 'to.
"Ayaw niya nga ng kasama ngayon.. ang kulit niyo naman!" asik ko, "Hayaan niyo na nga muna siya, bukas papasok na 'yon" napapalatak naman si Yuan. Isa-isa na silang nagsialisan dahil na rin sa pagod.
Nagpractice kami ng basketball ngayon dahil sa incoming intramurals na gaganapin. Nawalan tuloy ako ng pagkakataon na basahin 'yung diary na napulot ko kanina.
Mabuti na lamang at nasa parking lot na si Kuya Simon. Agad na akong pumasok sa kotse, mabuti na lamang at hindi na nagtanong pa si Kuya kung nasaan si Lexy. Tanungan ba ako ng nawawalang sakit sa ulo?!
Pero... bakit ganun? Why do I feel this urge of going to her house? Napasabunot ako ng di oras sa aking buhok.
"Kuya, kina Lexy tayo.."
Shoot. Anong sabi ko?!
Too late to take it back. Nakangiti na sa rearview si Kuya Simon. "M-may assignment kami... Kaya..."
"Okay.." patay malisya na sabi naman nito. Halos madilim na ng makarating kami sa madilim na bahay. "Tawagan mo na lang ako pag magpapasundo ka, Lex" bilin nito habang ako naman, nakatanaw lang sa malaki ngunit luma nang gate.
"Damn it.." I hissed. "Bakit nga ba ako nandito?" mahinang tanong ko.
"May assignment kayo, diba?" nang-uuyam na sabi ni Kuya Simon bago umalis. Walang pasabi na pumasok ako. Walang ibang tao, maliban sa'kin at kay Lexy na hahanapin ko pa.
Sinalubong ako ng dim light nilang sala. Sa harap ko ay isang staircase paakyat sa second floor, sa mga kwarto. Nakapaskil sa pader ang mukha ng Mama at Papa niya. They all look happy. Lalo na si Lexy, but that was before. Napabuga na lamang ako ng hangin saka inilapag ang mga gamit sa sofa nila.
"Lexy?" tawag ko sa malakas na boses. Walang sagot. Umakyat ako sa second floor ng bahay nila at walang katok na pumasok sa kwarto niya. Wala na naman, para ngang hindi nagalaw.
"Celestine Crisostomo!" pero wala pa ring sagot. Napatapat ako sa may masters bedroom. Inilapat ko ng marahan ang aking kamay hanggang sa marahan itong bumukas. I peeped and saw a girl's silhouette through the door.
Hanggang sa binuksan ko na ito ng tuluyan, walang kagalaw-galaw ang babaeng nakatingala lamang sa portrait ng kaniyang mga magulang.
Alam kong magagalit siya, pero hindi ko mapigilan ang hindi maawa sa kaniya sa mga ganitong panahon. She's so vulnerable. I slowly walked towards her and saw pain in her eyes.
"Lexy..." mahina kong tawag sa pangalan niya, na mukhang hindi niya naririnig. She's just looking past through me like I don't exist. I opened her bedside lamp and saw how bad her shape is.
Makalat na kama. Magulong kwarto, magulong buhok. Tulalang mga mata. Lifeless eyes that almost took mine too. Lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan ang kaniyang kamay na nasa kama lamang. Kinuha ko ang mga iyon at pinagsaklop kasama ng aking kamay. I pressed it so hard just so she will notice me. But no effect. Wala siyang ipinapakitang reaction.
May maliit na karayom ang tila tumutusok sa bawat kalamnan ko habang nakatingin sa kaniya. It seems like I can also feel her pain, "Lexy... Wake up, nandito na 'ko.." but no effect.
Tumayo na ako and cupped her small face inside my hands. Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya, pilit hinuhuli ang kaniyang paningin. Hanggang sa marahan ko nang inuntog ang aking noo sa kaniyang noo.
"Lexy, please come back to your senses" pakiusap ko. This is her most downside that no one knew. "Lexy, c'mon.."
I heard her gasp kaya naman agad ko siyang tiningnan sa mga mata. It's full of questions and tears. Sandaling umawang ang kaniyang labi na parang may gustong sabihin ngunit hindi alam kung paano mag-uumpisa, hanggang sa sunod-sunod na tumulo ang luha niya sa mata.
"A-Alex..." hirap niyang tawag sa'kin. I did what's the most rational thing to do. Hug her. I pulled her head close to my chest, crushing it, "A-L-Lex.." she was sobbing uncontrollably while saying my name. Hanggang sa humigpit ang kaniyang yakap sa aking bewang.
"M-Mama.. P-papa" iyak na naman niya, "Alex, iniwan nila ako... ako na lang m-mag-isa... sobrang lungkot.." iyak niya pa. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kaniya. So she won't feel alone. "I-iniwan—"
"Sssshhhh... nandito kami diba? Kami na ang pamilya mo? Hindi ka namin iiwan, promise" inilayo ko siya sandali at tiningnan sa mga mata. It shows thousands of emotions.
Tinanggal ko ang mga buhok na dumikit sa kaniyang mukha dahil sa kakaiyak. Inilagay ko rin ang kaniyang kamay sa aking batok at kinarga siya papasok sa banyo.
Iniupo ko siya sa bath tub at nilagyan ito ng maligamgam na tubig. Napapiksi pa si Lexy dahil sa tubig na dumampi sa kaniyang balat. Naglagay din ako ng shower gel na gamit niya. Kinuha ko ang shower hos at pinaliguan ang kaniyang buhok.
Sa mga ganitong pagkakataon, dapat ay sinisigawan ko na siya sa inis. Dapat ay pinapagalitan ko na siya. But I can't. Seeing her weeping like a child, ni hindi ko alam ang sasabihin na salita. Lexy kept on sobbing, walang tigil ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
Matapos ko siyang paliguan ay muli ko siyang binuhat at dinala sa masters bedroom. Kumuha ako ng isang tuwalya sa kanilang closet at iniabot iyon sa kaniya. Tinuyo ko ang kaniyang buhok but she's still soaking wet. Basa na ang kama na kinauupuan niya.
"Lexy, lalabas ako para ipagluto ka. Magbihis ka na, okay? Babalik agad ako" iniwan ko sa kaniyang hita ang tuwalya at akmang aalis ng hawakan niya ang laylayan ng T-shirt ko.
"Iiwan mo rin ba ako?" lumamlam ang mga mata ko sa sinabi niya. I can't, hindi ko siya maiiwan. Hindi ko siya kayang iwanan.
"Fine. Tatalikod ako para makapag-bihis ka na.." lumayo ako ng ilang hakbang. Rinig ko ang pagkilos ni Lexy— at ang paghagis niya ng pantaas na damit sa may bandang paa ko, muntik pa nga akong mapatalon sa ginawa niya, "Lexy! Ano bang—" sumunod ay ang pajama niya na may.. panty!
Jusko, Lexy! You'd be the death of me!
Nang matitigan ko pa ang kaniyang pantaas na damit ay may napansin akong maumbok doon, "Is that your bra?!" inis na sabi ko, pero wala lang siyang sagot. Naramdaman ko ang palapit niyang hakbang kaya agad akong napatalon palayo.
Nakita ko sa aking tagiliran si Lexy, nakabalot sa tuwalya ang kaniyang katawan, may hinahanap sa closet. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang maputing hita. Her wet hair cascading down her shoulders and back makes her look hot.
Napalunok ako.
No. Alexis you cannot go there! Alalahanin mo 'yung diary.
Oh, the diary. Tama. Dapat alalahanin ko na hanapin ang nagsulat sa Diary na iyon. Nanatili akong lumilingon sa kung saan-saan. Hanggang sa manuot sa aking ilong ang amoy ng shampoo na ginamit ko kay Lexy. Nasa harap ko na sa siya ngayon, nakayuko.
"Napaka-tigas kase ng ulo mo! Sinabi ko nang sa bahay ka na umuwi! Tiningnan mo tuloy 'yang itsura mo, para kang basahan"
'Yan dapat ang sasabihin ko sa kaniya. But instead, I said "Nagugutom ka na, ano? Lika, ipagluluto kita" hinawakan ko siya sa kamay at inakay pababa sa kanilang kusina, but her knees buckled and failed her.
Mabuti na lamang at nahawakan ko kaagad siya. "Lexy!" nanlambot siya. Malamang na wala itong kinain magdamag.
Agad ko siyang pinangko at dinala sa sofa nila sa sala. Tumingala na naman siya sa portrait ng kaniyang mga magulang. Iniwan ko siya sandali dahil nakita kong umiilaw ang aking phone. Mama is calling. Agad ko itong sinagot.
"Hello, Mom—"
"Alexis! Nasaan ka na naman?! Bakit hindi mo isinama si Simon?"
"Mom, nandito ako sa bahay ni Lexy..." napatigil ito sa pagsasalita.
"Bakit hindi ka agad nagsabi? Kumusta naman si Tine? May pagkain ba kayo diyan?" alalang tanong niya, "Bakit naman hindi pa siya umuwi dito sa atin.. naman talaga 'tong batang 'to pinag-aalala pa ako... umiyak na naman ba siya? Tumulala na naman?"
"Same, Mom.. Ipagluluto ko nga siya ng pagkain ngayon, meron naman sigurong stock dito... magpapasundo kami bukas kay Kuya Simon, paki-padala na rin po dito si Manang Ivy para ipaghanda kami ng baon bukas"
"Okay, I understand.. wag mo munang iwan si Tine, Anak.."
As if I can. "O-opo, Mom.." I looked back ay at Lexy who's now crying again. What I hate about her cry is.. it's silent.
Walang tunog ang iyak niya, panay lamang ang tulo ng kaniyang mga luha kaya hindi ko alam kung saan ko ba siya dapat hawakan, gamutin. Hindi ko siya makausap ng matino para itanong kung anong pwede kong gawin para lang mawala 'yung sakit na nararamdaman niya.
Pero, siguro, sadyang ganito talaga. Mas mahirap gamutin ang sakit ng damdamin kaysa sa sakit na nakikita ng mga mata natin. I know what happened to her will forever leave a scar to her heart, to her whole being. Mas matagal maghilom ang sugat sa loob kaysa sa labas.
Nagluto lamang ako ng simpleng adobo. Para hindi agad mapanis, yep, I know how to cook, bruh! Inihain ko ito sa lamesa para sa aming dalawa.
Mabuti na lamang at linggo linggo ay nagpapadala kami ng tiga linis dito, may kuryente at tubig din. Binalikan ko si Lexy na umiiyak pa rin. Ilang balde kaya ng tubig ang ininom nito at parang di na maubos ang luha?
Inalalayan ko siyang pumunta sa lamesa nila. I know she has sad memories, but that doesn't mean she has to leave on it forever. Kailangan niya rin namang mag-move on.
"Kumain ka ha, ipapalunok ko sa'yo lahat 'to ng walang nguyaan kapag umayaw ka.." bawat subo ko sa kaniya, siya rin namang subo ko sa'kin.
"Tumahan ka na ngang luka-luka ka, ayokong nag-aalala sa'yo.. pati sina Yuan nag-aalala din sa hindi mo pagpasok kanina" halos naikwento ko na ang buong nangyari sa buong maghapon ko pero wala pa rin siyang imik.
Natapos kaming kumain at inihatid ko na siya sa isa pang bakanteng kwarto sa bahay nila. I settled her on the bed and made sure that everything is closed. Mahirap na at baka malooban pa kami. I activated the security that I installed without her knowledge.
I was about to go nang maramdaman ko ang paghawak ni Lexy sa aking kamay. Hindi pa rin nawawala ang lungkot sa kaniyang mga mata, "Iiwan mo na rin ba 'ko, Alex?"
I smiled and sat down beside her. I don't have the heart.
"I won't, I won't go..."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
A S T R A E A