KABANATA 9 “CHARITY ka na ba ngayon? Last time I checked gigil na gigil ka pa kay Beatrice! Ngayon may inaalagaan ka na kaagad na bagong babae!” Nagtawanan si Shaun at Edward habang kasabay ang kaibigang si Jackson sa paglalakad sa hallway ng ospital. “Pucha, pare! Ang akala ko nga na bubungaran talaga namin ni Shaun dito ay problemadong Jackson Guevarra,” humagalpak ng tawa si Edward at lumingon kay Shaun. “Iyon naman pala nangsusubo ka na ng babae rito pa sa ospital, kaya pala wala kaming mabalitaan galing sa ‘yo nito pang nakaraan!” Siniko niya ang mga kaibigan sa sikmura at naaasar na pumalatak sa mga ito. “Nagmamagandang-loob lang ako. Nasagaan ko ‘yon kaya nandito rin siya sa ospital.” “Nasagasaan!?” “Well, muntikan na. Mabuti na lang nakapreno kaagad ako pero bukod do’n stress

