KABANATA 10 “MARCELINE! Hindi ko inaakalang ganiyan ang mangyayari sa ‘yo, ikaw naman kasi kagat ka nang kagat sa mga too good to be true na offer!” Hinampas ni Marceline ang kaibigan sa braso nang humagulgol na naman ito at suminga singa sa hawak na tissue. Kanina pa siya iniiyakan ni Teresa magmula noong marinig ang kwento niya tungkol sa mga nangyari sa kaniya. “Tumahan ka na nga, daig mo pa ang namatayan sa iyak mo, e. Ang mahalaga may bago na ‘kong trabaho, ‘di siguro gano’n kalaki ang sahod pero ayos na. Ang mahalaga mayro’n sa ngayon.” “Masaya ako para sa ‘yo! Tama ‘yan stay positive sa buhay, Marceline! Laban!” “Tumahan ka na! Para kang ewan!” Nalaman niyang tumutuloy si Teresa sa isang maliit na kwarto na pinagamit sa kaniya noong may-ari ng karinderya na pinagtatrabahuhan n

