KABANATA 11 FEELING PROUD. Nakangiting nanalamin si Marceline pagkalabas niya sa isa sa mga cubicle ng pinasukang comfort room. Pinagmasdan niya ang sarili at nakaramdam ng pagkasabik na mag-umpisa ngayong araw sa bagong trabaho. Isinuot niya ang ibinigay sa kaniya ng hotel manager na kulay pulang blazer, puting blouse sa ilalim at kulay itim na pencil-cut skirt. Itinali niya ang kaniyang buhok sa mataas na ponytail habang nanghiram naman ng heels at light makeup kay Teresa bago siya umalis ng karinderya. Nagulat na nga lang siya nang may magsundong magarang kotse sa kaniya sa harap ng karinderya pasado alas syete y media ng umaga. Disenteng trabaho, maayos na uniform, enggrandeng hotel. Sinong mag-aakala na rito pa pala siya mapapapadpad pagkatapos ng lahat ng nakakatakot na bungad sa

