"Sige, Chas. Show me what you got," malamig niyang sabi.
Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko, sinubukan kong isantabi ang hiya, ang kaba, ang takot. Ang iniisip ko lang ngayon ay—kailangan kong sumayaw na parang buhay ko ang nakasalalay dito.
Nagpatugtog si Lyka ng mabagal, sensual na beat mula sa phone niya. Isang musika na may mabigat na bass, may halong elektronic beats na parang nagdadala sa’yo sa ibang mundo.
Ito na.
Sa unang galaw pa lang, alam kong nakuha ko agad ang atensyon ng manager. Dahan-dahan kong iginiling ang balakang ko, ang isang kamay ay dumaan sa aking buhok pababa sa aking leeg, at saka ako tumingin kay Boss Trey nang diretso—mapang-akit, walang halong kaba, gaya ng sinabi ni Lyka.
‘Kagatin ang labi mo,’ sabi niya.
Ginawa ko ito, marahan, habang ang katawan ko ay sumasabay sa ritmo ng musika. Ang bawat galaw ko ay pulido, puno ng finesse, pero may halong lambot at tikas—eksaktong istilo na natutunan ko sa mga taon ng pagsasayaw.
Gumapang ang isang kamay ko pababa sa aking bewang habang umiikot ako ng dahan-dahan, saka ko iniangat ang aking hita, pinaikot ito sa ere bago muling bumagsak sa sahig na parang alon ng tubig. Malinis. Makinis. Masarap tingnan.
Naglaro ako sa espasyo—minsan mabagal, minsan mabilis, pero laging may kontrol. Hinayaan kong dumaloy ang musika sa katawan ko, siniguradong bawat pag-iling ng balakang, bawat hagod ng kamay, bawat pagbagsak ng paa sa sahig ay parang sining.
Wala nang hiya. Wala nang kaba.
Ako ito. Ako ito sa mundong ito.
Dumilat ako at sinalubong ang tingin ni Boss Trey.
Hindi siya nagsasalita. Pero ang titig niya sa akin—alam kong nakuha ko na siya.
Huminto ako sa pagsayaw, dahan-dahang itinaas ang ulo ko at tumingin kay Boss Trey. Ang dibdib ko ay mabilis na bumababa't taas sa bigat ng paghinga ko, pero hindi ko hinayaang mahalata nilang kinakabahan pa rin ako sa loob-loob ko.
Tahimik ang buong silid. Si Lyka ay nakangiti sa gilid, mukhang hindi makapaniwala sa ipinakita ko. Pero mas nag-aantay ako sa reaksyon ng taong nasa harapan ko—ang lalaking may kapangyarihang baguhin ang takbo ng buhay ko ngayon.
Si Boss Trey ay nakasandal pa rin sa kanyang swivel chair, hawak ang kanyang baso ng alak, pero halatang hindi na siya kasing-relax gaya kanina. Ang mga mata niya ay nakatitig sa akin, at sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong may bahagyang gulat sa kanyang ekspresyon.
Nagtagal ang katahimikan. Pakiramdam ko'y bumagal ang oras.
Hanggang sa biglang…
"You're in."
Napasinghap ako.
"s**t," dugtong niya, saka napailing nang bahagya. "Nakakaakit ka nga. Maski ako, nadali mo."
Para akong nanlamig sa sinabi niya. Ang paraan ng kanyang pagsasalita—parang hindi siya makapaniwala pero natutuwa rin siya sa nakita niya.
Napatingin ako kay Lyka, na nangingiti nang husto. Alam niyang panalo na ‘to.
"Sabi ko sayo, Sir," natatawang sabi ni Lyka. "Si Chas ang next star performer mo."
Si Boss Trey ay muling tumingin sa akin, pero this time, iba na ang tingin niya. Hindi na lang basta pagsusuri, kundi parang nakahanap siya ng isang bagay na valuable, isang bagay na gusto niyang i-claim.
Uminom siya ng isang lagok mula sa kanyang baso, saka inilapag iyon sa lamesa.
"Simula bukas ng gabi, ikaw na ang bagong dancer sa Sphere Exclusive Bar," aniya, walang pag-aalinlangan sa tinig niya.
Halos hindi ako nakapagsalita. Totoo ba ‘to?
"May ilang terms and conditions, pero sigurado akong wala kang magiging problema," dagdag niya. "Lyka, bigyan mo siya ng kontrata mamaya."
Tumango si Lyka, pero nanatili ang tingin ko kay Boss Trey.
Ito na ‘yun.
Sa isang iglap, nagbago ang buhay ko. Wala na akong ibang babalikan. Ito na ang bagong simula ko
"Sumunod ka sa akin," sabi ni Lyka, saka mabilis na tumalikod at naglakad papunta sa isang mas pribadong bahagi ng bar.
Mabilis akong sumunod sa kanya, kahit nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na natanggap ako. Na ilang minuto lang ang nakalipas, halos wala akong pag-asang makahanap ng trabaho, pero ngayon, heto ako—isang pagpirma na lang at isa na akong opisyal na dancer sa Sphere Exclusive Bar.
Dumaan kami sa isang makitid na hallway, palayo sa ingay ng VIP lounge. Hanggang sa makarating kami sa isang maliit ngunit maayos na opisina.
Binuksan ni Lyka ang pinto at tumingin sa akin. "Pasok."
Sumunod naman ako at sinara niya ang pinto sa likod ko. Napansin kong may maliit na lamesa sa loob, may ilang papeles na nakapatong dito, isang leather couch sa gilid, at isang bookshelf na puno ng kung ano-anong folder at binder.
"May office ka?" tanong ko, hindi mapigilang mamangha.
"Hindi naman porke't ikinakama lang ako, wala na akong office," sagot niya nang walang pag-aalinlangan, habang inaabot ang isang folder mula sa lamesa.
Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘yon, kaya minabuti ko na lang na huwag nang magsalita.
Inilapag ni Lyka ang folder sa harap ko at binuksan ito.
"Eto na ‘yung kontrata," sabi niya, itinuturo ang papel na may logo ng Sphere Exclusive Bar sa itaas. "Pirmahan mo na."
Tinitigan ko ang dokumento. Mabilis kong sinuyod ng mata ko ang laman nito—mga patakaran, mga obligasyon ko bilang dancer, ang buwanang sahod na ₱120,000, at ang posibilidad ng advance payment kung kinakailangan.
Napalunok ako.
Ito na talaga ‘yon.
Kung pipirmahan ko ito, wala nang atrasan. Ang dating Chasandria Paclita na isang flight attendant ay tuluyan nang mawawala. Papasok ako sa mundong hindi ko kailanman inakalang magiging parte ako.
Pero naalala ko ang ama ko…
Ang kalagayan niya sa ospital. Ang ₱375,000 na kailangan para sa operasyon niya.
Huminga ako nang malalim, saka kinuha ang ballpen sa tabi ng kontrata. Nanginginig ang kamay ko habang inilalagay ang pangalan ko sa blangkong linya.
At sa isang iglap, pormal na akong naging bahagi ng Sphere Exclusive Bar.
Tinitigan ko ang papel na kakapirma ko lang, pilit iniintindi ang bigat ng desisyon na ginawa ko. Pero bago pa ako tuluyang lumubog sa pag-iisip, napatingin ako kay Lyka at biglang natanong—
"Anong pinagkaiba ng ikinakama sa dancer?"
Bahagyang natawa si Lyka, parang hindi makapaniwala sa tanong ko. Pero halatang sanay na siya sa ganitong usapan, kaya mabilis siyang sumagot.
"Marami," sabi niya habang umupo sa gilid ng kanyang lamesa, nakapamewang. "Ang isang dancer, sumasayaw lang. Pwedeng sexy, pwedeng sensual, pero hanggang doon lang. Wala kang kailangang gawin kundi pasayahin ang audience at painitin ang gabi nila."
Tumango-tango ako, pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.
"Eh ‘yung ikinakama?" tanong ko ulit, halos pabulong.
Mas lumalim ang ngiti ni Lyka, pero sa tingin ko, may halong pang-unawa roon. Alam niyang hindi ko pa alam ang mundong pinasok ko.
"Kung dancer ka, may limitasyon. Pero kung ikaw ‘yung ikinakama, ibig sabihin, binabayaran ka hindi lang para sumayaw—kundi para samahan sila sa kama pagkatapos ng sayaw mo."
Napalunok ako.
"So… parang—"
"Parang bayarang babae?" putol niya sa tanong ko. "In a way, oo. Pero iba ang mundo namin. Hindi lang basta bayaran ‘to, Chas. May mga babae sa high society na ginagawa rin ‘to. Escorts. VIP companions. Hindi mo ‘to mararamdaman kung hindi ka parte ng mundo namin."
Tahimik lang akong nakikinig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"At dahil mas malaki ang risk, mas malaki rin ang bayad," dagdag ni Lyka. "Ang isang dancer, ₱120,000 ang kita kada buwan. Pero kung ikinakama ka?" Tumigil siya saglit bago bumuntong-hininga.
"₱500,000.* At ‘di pa kasama doon ‘yung mga extra tips na pwedeng umabot ng daan-daang libo. Lalo na kung high-profile client ang humihingi sa’yo."*
Halos mabingi ako sa sinabi niya.
"₱500,000?!" bulong ko, hindi makapaniwala. "Ganun kalaki?"
"Oo," sagot niya, diretso ang tingin sa akin. "At hindi lang ‘yon, may mga pagkakataon pang pwede kang makakupit mula sa mga VIP clients—mga mayayaman, politiko, negosyante. Basta marunong kang dumiskarte."
Nanlamig ako sa narinig ko. Alam kong mahirap ang mundong pinasok ko, pero hindi ko inakalang may ganitong sistema.
"Pero wag kang mag-alala," biglang sabi ni Lyka, na parang nabasa ang iniisip ko. "Dancer ka lang. Hindi ka kailangang pumasok sa ganitong setup kung ayaw mo."
Nakahinga ako nang maluwag. Pero kahit pa sabihin niyang may choice ako, hindi ko maiwasang maisip…
Paano kung dumating ang araw na mapilitan akong piliin ang mas malaking halaga?
A b a n g a n...