Kwatro

1473 Words
Hinila ko ang unan at niyakap ito nang mahigpit, para bang kaya nitong punan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi. Dahil ang sakit na ito, hindi madaling mawala. Hindi madaling kalimutan. Dahil ito ang sakit ng isang taong natalo ng mundo. Tahimik ang buong kwarto maliban sa marahan kong paghinga at paminsan-minsang hikbi. Nanginginig pa rin ang katawan ko sa pagod at lungkot, pero wala na akong lakas para umiyak pa. Biglang— **TRIIIINGGGG!** Nalaglag ang cellphone ko mula sa kama nang mag-vibrate ito. Napakurap ako at agad na kinuha ang phone, tinignan kung sino ang tumatawag. Si Lyka. Isa sa mga kaibigan ko noon sa dance club noong college. Matagal na kaming hindi nagkakausap, kaya nagtataka ako kung bakit bigla siyang tatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong boses. "Hello?" "Chas! Nabalitaan kong nawalan ka ng trabaho. Totoo ba?" Napapikit ako sandali. Kahit gusto kong ikaila, wala nang saysay ang pagsisinungaling. "Oo, Lyka... Wala na. Lahat ng airline na inaplayan ko, tinanggihan ako." May ilang segundong katahimikan sa kabilang linya, bago siya muling nagsalita. "Alam kong sobrang bigat niyan, Chas. Pero may gusto akong i-suggest sa'yo." Napatitig ako sa kisame. Hindi ko alam kung may pag-asa pa akong matanggap sa kahit anong matinong trabaho, kaya kahit anong oportunidad, kailangan kong pakinggan. "Ano 'yon?" tanong ko, kahit may kaba na akong nararamdaman. "Alam mo naman na magaling kang sumayaw, 'di ba?" Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung saan papunta ang usapan. "Dancer?" ulit ko. "Oo. Pero hindi sa basta-bastang lugar." Bigla akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba sa sinabi niya. "Saan?" "Sa Sphere Exclusive Bar." Parang kinuryente ang buong katawan ko. Agad akong napaupo sa kama, ang puso ko'y mabilis na bumilis ang t***k. "Bar?!" Halos mapasigaw ako sa gulat. "Chas, makinig ka muna—" "Hindi ko kaya, Lyka! Ayaw kong maging pagkain ng mga tao!" Alam ko ang ganitong klase ng lugar. Mga lalaking may pera, umiinom, nanonood ng babaeng sumasayaw sa harapan nila—minsan ay may mas malala pang nangyayari sa likod ng kurtina. "Chas, hindi ganun! Hindi ito yung iniisip mong cheap na club. Sosyal dito. At saka hindi mo kailangang magpakita ng mukha. May suot kang mask, walang makakakilala sa'yo." Napatigil ako. "Mask?" "Oo, babe. May signature ang Sphere Exclusive Bar—lahat ng dancers nila naka-mask. Walang makakakita sa mukha mo, kaya safe ka. Sasayaw ka lang, tapos bayad ka na." Bahagya kong kinagat ang labi ko. Kahit paano, nabawasan ang takot ko, pero hindi pa rin ako sigurado. "Pero, Lyka... Hindi ko alam..." "120,000 ang sahod kada buwan, Chas." Nanlaki ang mga mata ko. "Magkano?!" "120,000. At may option pang mag-advance payment kung kailangan mo ng pera agad. Depende sa manager." Para akong natuyuan ng laway. Ang 120,000 ay hindi biro. Halos triple ito ng sahod ko noon bilang flight attendant. At higit sa lahat— "Puwede akong mag-advance?" mahina kong tanong. "Oo. Basta kausapin mo lang si Boss Trey. Pero sigurado akong hindi siya kuripot. Lahat ng dancers dito, maalwan ang kita. At hindi naman madumi ang trabaho. Sasayaw ka lang, tapos uuwi ka na." Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang mga daliri ko. 120,000. Advance payment. **Isang trabaho kung saan wala akong makikitang panghuhusga sa mga mata ng tao.** Pero… sa likod ng lahat ng ito, alam kong may malaking desisyong kailangan kong gawin. Bumuntong-hininga ako. *"Lyka... Bibigyan mo ba ako ng oras na pag-isipan ito?"* *"Siyempre, babe. Pero please, huwag mong isara agad ang pinto sa oportunidad na 'to. Ang hirap maghanap ng trabaho ngayon. Baka ito ang sagot sa problema mo."* Hindi ako sumagot. *"Text mo lang ako kapag gusto mong pumunta sa club. Ipapakilala kita kay Boss Trey."* At bago pa ako makapagsalita, pinutol na niya ang tawag. Tahimik akong nakaupo sa kama, mahigpit na hawak ang cellphone, habang ang isipan ko ay puno ng tanong. **Ito na ba ang sagot?** **O isa na namang pagkakamali?** Malamig ang hangin sa loob ng Sphere Exclusive Bar. Sa labas, mukhang isang normal na high-end na club—may eleganteng chandelier, malalambot na leather seats, at kulay gintong mga ilaw na nagbibigay ng mainit at marangyang ambiance. Pero alam kong higit pa rito ang tunay na nangyayari sa lugar na ito. Halos hindi ko na marinig ang sarili kong paghinga habang nakatayo sa tabi ni Lyka. Nasa harapan namin ngayon ang isang lalaking nakaupo sa isang mamahaling swivel chair—si Boss Trey. Nakatagilid siya habang may hawak na baso ng mamahaling alak. Hindi ko kita ang mukha niya nang buo dahil sa anino ng ilaw, pero ramdam ko ang malakas na presensya niya. Ang tipong hindi mo gugustuhing bastusin. "Ito po ang sinasabi kong kaibigan kong magaling sumayaw, Sir," sabi ni Lyka na may kasamang matamis na ngiti. Hindi ako nagsalita. Ramdam kong pinapakiramdaman muna ako ni Boss Trey. Hindi ko alam kung dahil ba sa itsura ko, sa tindig ko, o sa paraan ng pagtitig ko sa kanya. "So… dancer ka?" tanong niya, malamig ang boses. Napalunok ako. "Oo," sagot ko, pero halos pabulong lang. Ngumiti si Lyka at lumapit sa manager, halatang gustong kumbinsihin ito. "Sir, I swear, hindi kayo magsisisi kung kukunin niyo si Chas. Noon pa lang sa university, isa na siya sa pinakamagagaling sumayaw. At saka hindi lang siya basta dancer—may klase siya, may finesse. Alam kong yan ang hinahanap niyo rito, hindi ba?" Napansin kong tinaas ni Boss Trey ang isang kilay. "Talaga? Kung magaling siya, bakit siya andito ngayon, naghahanap ng trabaho?" Napalunok ulit ako. Ramdam kong sinusukat niya ako ng tingin. Si Lyka na ang sumagot. "Dati siyang flight attendant, Sir. Pero nagkaproblema sa last airline niya kaya natanggal. Pero, Sir, isipin niyo, isang dating flight attendant ang magiging dancer niyo rito. Ang classy ng dating, hindi ba? Isa na namang panibagong atraksyon para sa mga VIP natin." Napakagat ako sa labi ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o mas mapapaisip kung ibinebenta niya ako sa isang bagay na hindi ko sigurado kung kaya ko talagang pasukin. Tumikhim si Boss Trey. "Flight attendant ka dati?" Tumango ako. "Interesting." Dahan-dahan siyang umupo ng tuwid, saka inilapag ang baso ng alak sa harap niya. Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang mga daliri sa harap niya, parang iniisip kung sulit ba akong tanggapin. "Bakit mo gustong sumayaw dito?" diretso niyang tanong. Hindi ko agad nasagot. Alam kong hindi uubra ang basta "Kailangan ko ng trabaho" na sagot. Ang lalaking ito, halatang gusto ng matinong dahilan bago ako payagang maging parte ng lugar niya. Huminga ako ng malalim. "Dahil kailangan kong kumita… nang malaki. At mabilis." Nakita kong bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya, parang natutuwa siya sa sagot ko. "Desperado ka na?" Napatingin ako kay Lyka, na tahimik na lang sa gilid, bago muling binalik ang tingin kay Boss Trey. "Desperado akong matulungan ang ama ko," direkta kong sagot. Muling natahimik ang paligid. Tinitigan ako ni Boss Trey, pero sa halip na duda, may bahagyang interes sa mga mata niya ngayon. "So, may pinanghahawakan kang dahilan. That’s good," sabi niya. "Pero isa lang ang problema, Chasandria… Hindi ako madaling makumbinsi." Napakapit ako sa laylayan ng damit ko. "Gusto kong makita kung may sinasabi nga si Lyka," dugtong niya. "Sumayaw ka. Dito. Ngayon." Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "Ngayon?" "Ngayon." Tumingin ako kay Lyka, na nakangiti sa akin na parang sinasabing, ‘Kaya mo ‘yan, girl!’ Huminga ako nang malalim. Ito na. Kung gusto kong makuha ang trabahong ito, wala na akong ibang pagpipilian. Parang umikot ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Boss Trey. Sumayaw ka. Dito. Ngayon. Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako handa. Wala akong practice. Wala akong choreography. Pero kung gusto kong makuha ang trabahong ito—kung gusto kong makuha ang ₱120,000 na sweldo at ang advance payment na makakatulong sa operasyon ng ama ko, wala na akong oras para magduda. Dahan-dahan akong lumingon kay Lyka, na bahagyang nakangiti at bumulong sa akin. "Pina-bar ‘yan, girl." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Pina-bar na sayaw, Chas," ulit niya. "Wag mong kalimutang kagatin ang labi mo na parang nang-aakit." Napalunok ako. Hindi ko alam kung kaya ko ‘to. Hindi ko pa nasubukang sumayaw ng ganitong klase sa harap ng isang estranghero, lalo na sa isang lalaking tulad ni Boss Trey—seryoso, malamig ang tingin, at parang laging may alam na hindi mo alam. Pero wala akong choice. Kailangan kong makuha ang trabahong ito. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang lumapit sa gitna ng VIP lounge. Naramdaman kong bumigat ang paligid, lalo na nang maramdaman kong si Boss Trey ay hindi inaalis ang tingin niya sa akin. "Sige, Chas. Show me what you got," malamig niyang sabi. A b a n g a n
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD