Hello everyone!!! Good morning, sana lang ay hindi kayo mabagot sa kakabasa ng mga chapters ko! Maraming maraming salamat po sa lahat ng suporta lalo na po sa mga loyal readers ko diyan na sa simula pa lang ng story ko,(pinakaunang story) hanggang ngayon ay patuloy pa rin kayong sumusubaybay! I want to give you my gratitude thank you po talaga! And ofcourse hindi naman ako makakagawa ulit ng kwent becau of guidance of God, binigyan niya ako ng idea kung anong gagawin ko sa susunod kung kwento at kung anong mga mangyayari hanggang sa nabuo ko na yung buong outline ng kwento! At ngayon, tuloy tuloy nanaman ako sa pagsusulat, as usual! Kung kaya, sana ay magustuhan niyo ang kwentong hatid sa inyo ng BAOG COLLABORATION, sa mga wala pa pong idea may iba na pong available na kwento na rin ng Baog, pa check nalang po para may background kayo sa mismong kwento! Thank you very much! Enjoy reading mga ka yshang!!!
-yshanggabi!!
Pagkatapos kong kunin ang huling gamit ko mula sa locker, huling sulyap ang ibinigay ko sa lugar na minsan kong tinawag na pangalawang tahanan. Dito ako nangarap. Dito ako bumuo ng sarili kong pangalan. Pero ngayon, ito na rin ang lugar na tuluyang nagpatalsik sa akin.
Sa bawat hakbang palayo, pakiramdam ko ay may tinanggal na parte ng pagkatao ko. Isang pangarap ang nasira. Isang pagkakataon ang nawala. Pero hindi pa tapos ang laban.
Ang Unang Airline – Manila
Kinabukasan, agad akong naghanap ng trabaho. Hindi ako pwedeng magpatalo. Hindi pwedeng huminto. Dumiretso ako sa isang airline sa Manila, isa sa mga kilalang kumpanya na may malawak na operasyon sa bansa.
Pumasok ako sa recruitment office, suot pa rin ang lumang business attire na ginamit ko noong unang beses akong nag-apply bilang flight attendant. Kahit punong-puno ng kaba ang dibdib ko, sinubukan kong itago ito sa likod ng isang propesyonal na ngiti.
Nagpasa ako ng resume sa receptionist, na agad namang tinanggap ito at ibinigay sa hiring officer. Ilang minuto akong naghintay bago ako pinatawag para sa initial interview.
Sa una, maayos ang takbo ng usapan. Tinatanong nila ang tungkol sa experience ko, at maayos ko namang sinasagot. Pero nang umabot sa tanong tungkol sa dati kong airline, biglang nag-iba ang ekspresyon ng interviewer.
"Chasandria Paclita," binasa ng recruiter ang pangalan ko sa papel. "You have experience, that’s good. Pero… may nakita kaming report tungkol sa naging insidente mo sa dati mong airline."
Biglang nanlamig ang buong katawan ko.
"Can you explain?"
Pinilit kong ngumiti at ipinaliwanag ang nangyari, pero halata kong hindi kumbinsido ang recruiter.
"Pasensya na, Miss Paclita," malamig niyang sagot. "Pero hindi kami tumatanggap ng applicants na may records of misconduct. We prioritize professionalism at hindi kami makikipagsapalaran sa isang aplikante na may history ng conflict onboard."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napalunok ako at pilit na pinigil ang panginginig ng aking labi.
"S-salamat po sa oras ninyo," tanging nasabi ko bago ako tumayo at lumabas ng opisina, dala ang bigat ng unang pagtanggi.
Ang Pangalawang Airline – Cebu
Hindi ako sumuko.
Sumakay ako ng barko papuntang Cebu, umaasang baka mas maganda ang tsansa ko roon. Isang regional airline ang pinuntahan ko, mas maliit kaysa sa nauna, pero may magandang reputasyon.
Sa simula, parang okay ang interview. Interesado ang recruiter sa experience ko, at nagtanong pa tungkol sa training na pinagdaanan ko. Pero muli, bumalik ang parehong tanong.
"You were terminated from your previous airline," anang interviewer habang sinusuri ang papel sa harap niya. "Can you tell us why?"
Huminga ako nang malalim. "There was an incident onboard. A passenger was harassing me, and I stood my ground. Unfortunately, my captain didn’t see it that way."
Tahimik lang ang recruiter, tila pinag-iisipan ang sinabi ko. Ilang minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita.
"We appreciate your honesty, Miss Paclita. But we have a strict hiring policy, especially when it comes to professional conduct. We can’t risk hiring someone with a history of onboard altercations, no matter the reason."
Ramdam kong bumigat ang sikmura ko.
"I’m sorry, but we can’t offer you a position at this time."
Muli akong tumayo, pilit na iniipon ang lakas ng loob ko. "Salamat po sa pagkakataon."
Pagkalabas ko ng opisina, agad akong naglakad papunta sa isang tahimik na sulok ng airport. Doon, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko.
Dalawang airline na ang tumanggi sa akin. Ano pa bang meron ako?
Ang Pangatlong Airline – Davao
Isang linggo akong nagpalipas bago muling nagbakasakali. Pumunta ako sa Davao, sa isa pang airline na kilala sa friendly at welcoming environment nito.
Dito, sa interview room, kaharap ko ang isang babaeng recruiter na mukhang mas approachable kaysa sa mga nauna. Sa loob-loob ko, baka ito na ang pagkakataon ko.
"Miss Paclita," aniya, habang nakatitig sa resume ko. "Yo
good experience, and I can see that you are passionate about this career. But before we proceed further, I need to ask—may naging problema ka ba sa huling airline na pinasukan mo?"
Kinuyom ko ang kamay ko sa kandungan ko. Kahit anong gawin ko, hindi ko matatakasan ang tanong na ito.
"I had an issue with my captain," diretsong sagot ko. "I stood up against a passenger who was harassing me, and… it cost me my job."
Ang recruiter ay bahagyang tumango, tila pinag-iisipan ang sagot ko. Ilang segundo siyang tahimik bago siya bumuntong-hininga.
"I understand your situation, Miss Paclita," aniya, may bahagyang lambing ang boses. "But we have to consider the reputation of our airline. We can’t risk hiring someone with a history of conflict onboard, no matter how justified it may seem."
Hindi ko namalayan na napapikit ako. Kahit inaasahan ko na, masakit pa rin marinig ang mga salitang iyon.
"I’m really sorry. But at this time, we won’t be able to proceed with your application."
Wala na akong masabi. Tumayo ako, pilit na ngumiti kahit na ang buong mundo ko ay parang bumagsak na.
Pagkalabas ko ng opisina, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tatlong airline. Tatlong pagkakataon. Tatlong beses na akong tinanggihan.
Wala na akong matakbuhan.
At sa puntong ito, doon ko lang naisip—baka wala na talagang lugar para sa akin sa mundong ginusto kong pasukin.
Pagkatapos ng lahat—ang paglalakad sa ilalim ng tirik na araw, ang pagsakay sa bus na walang kasiguraduhan kung saan ako mapapadpad, ang paulit-ulit na pagtanggi sa akin—wala na akong ibang nagawa kundi umuwi sa isang mumurahing tinutuluyang kwarto na inuupahan ko gamit ang natitira kong ipon.
Pagkasara ng pinto, agad akong napasandal dito, parang naubos na ang lahat ng lakas ko. Dahan-dahan akong bumaba, naupo sa sahig, at ibinaon ang mukha sa aking mga kamay.
**Wala na… Hanggang dito na lang ba talaga ako?**
Gusto kong maniwalang may pag-asa pa. Gusto kong isipin na may ibang pintong magbubukas para sa akin. Pero paano kung wala? Paano kung ito na ang katapusan ng pangarap ko?
Kahit mabigat ang katawan, pinilit kong tumayo at gumapang papunta sa kama. Pagdikit ng likod ko sa malambot na kutson, doon ko lang tuluyang naramdaman ang tindi ng pagod—hindi lang sa katawan, kundi sa puso at isipan ko.
Mabilis akong napapikit, pero hindi ko kayang pigilan ang pag-agos ng luha ko. Isang hikbi, sumunod pa ang isa. Hanggang sa tuluyan na akong bumigay.
**Umiyak ako.**
Umiyak ako nang tahimik, pero ramdam ko ang bigat ng bawat patak ng luha. Para akong batang nawalan ng matatakbuhan, ng matatanungan ng tulong. Ako na laging matapang. Ako na laging palaban. Ako na may pangarap na akala ko'y abot-kamay na.
Ngayon, ano na lang ako?
Pinikit ko ang mga mata ko, pilit na iniisip ang mukha ng tatay ko. Siya ang dahilan kung bakit pinili kong lumipad. Siya ang nagtulak sa akin para ipaglaban ang pangarap ko. Pero paano ko siya matutulungan ngayon? Wala na akong trabaho. Wala na akong ipon. Wala akong kahit anong maibigay para sa operasyon niya.
"Pa... patawad po..." mahina kong bulong, kahit alam kong hindi niya maririnig.
A b a n g a n.