UMUPO na silang lahat. Parihaba ang lamesa. Dalawang upuan sa magkabilang side at sa magkabilang upuan naman ay isang upuan. Kaya naman ang kanilang pwesto ay nasa kabilang dulo si Light at sa kabilang dulo naman ay si Nay Lita. Sa dalawang upuan kabilang side naman ay sina Nera at Clio (na katabi si Nay Lita) At ang katapat naman nila ay sina Aeson at Zir. "Halina't magsi-kain na tayo," saad ni Nay Lita. Nagsi-sandok naman silang lahat ng ulam at ang iba naman ay sumandok nang kanin. Nang sila ay makakuha na lahat ng pagkain ay napalingon si Clio nang biglang may magreak sa mga ito. "WOW!!! ANG SARAP!!!" sabi ni Light habang ninanamnam ang pagkain. "Sino nagluto?" "Si Clio," sagot naman ni Nera ng may pagpuri. "Ang sarap, Clio. Luto ka ulit nito ah," pagre-request ni Light sa kanya.

