NATAPOS maligo si Nera at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto ng banyo at binalot ang hubad nitong katawan. Lumabas siya ng banyo at nakita niya nang gising si Clio. "Ang aga mo naman nagising?" sabi ni Clio sa kanya habang nagkukusot ng mata. "Napa-aga lang ho... Tumayo ka na diyan at mag-ayos ka na ng sarili mo," saad niya kay Clio habang pinapatuyo ang buhok niya. "Sige," sabi ni Clio at pumasok na ng banyo. Nang matapos na magpatuyo si Nera ng kanyang buhok ay sinabihan niya muna si Clio na mauna na siyang lalabas. Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya si Zir. "Si Clio?" tanong ni Zir sa kanya. "Nasa kwarto pa. Susunod nalang siya," sabi niya naman kay Zir. "Ganoon ba? Sige, ako na ang tatawag sa kanya," sabi ni Zir sabay lakad sa ibang direksyon. Dumiretso na si Ner

