CHAPTER 6

3097 Words
LUMAPIT si Grace kay Camille dala ang basket na may laman na iba’t-ibang prutas. Pinadala raw ito ni Izaiah. “Ma’am, mukhang may karibal na ako kay Crush,” pagbibiro nito. “Ano ba'ng pinagsasabi mo d’yan, Grace?” aniya. Alam naman niyang si Izaiah ang tinutukoy nito. Mula kasi noong magkasama silang bumili ng mga prutas ay madalas na siyang padalhan nito. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ito gaanong nagagawi sa coffee shop malamang ay abala ito sa trabaho. Minsan ay pinadadalhan niya ito ng snacks sa office nito bilang pasasalamat sa mga prutas na natatanggap niya. “Ano ‘yon exchange gift, Ma’am? Hindi porke't binigyan ka, eh, bibigyan mo rin. ‘Di ba parang mas nakakainsulto ‘yon? Para kasing binabayaran mo ‘yong binibigay niya.” “Hindi naman sa gano'n, pasasalamat ko lang sa kanya ‘yon.” Napatingin ito sa empleyada na pabirong nag-ikot ng mata. “Hay, naku, Ma’am, kung hindi ko kayo kilala iisipin kong siya ang ama ng dinadala niyo.” Napahalakhak siya at hinampas sa braso si Grace, “Bibig mo. Saan mo ba nakukuha ang mga ideyang ‘yan, ha , Gracia?” “Eh, kung mag-alala sa'yo ‘yong tao daig pa niya ang excited sa batang dinadala mo, in short parang first time daddy. Kinikilig tuloy ako.” First time daddy? Bigla na namang sumagi sa isip niya si Ivan parang kinurot ang kanyang puso. “Kumusta na kaya si Ivan? Masaya na rin kaya siya sa piling ni Cassandra? I’m sorry.. baby..hindi mo na siguro makikilala ang daddy mo..” bulong niya sa kanyang isipan. “Ma’am? Ayos lang po kayo?” napansin nito ang biglang pananahimik niya. “Sige na, Grace, iwan mo na lang muna ako,” aniya. “Sige po, Ma’am, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka,” anang si Grace. “Ah, teka, Grace, naalala ko may schedule nga pala ako ngayon sa OB-GYN. Samahan mo ako, ha?” Pang-apat na buwan na kasi niya ngayon pero hindi pa rin naman halata ang kanyang tiyan. Sa katunayan ay nakakapagsuot pa siya ng pantalon. At dahil may pagka-fashionista siya ay nagagawan niya ng paraan na itago ang nakaumbok niyang tiyan. “Ay, sige po, Ma’am, sasamahan ko kayo. Kabilin-bilinan kasi ng mommy mo na palagi raw kitang babantayan at sasamhan kapag lumalabas ka. Kunin mo na lang kaya ako na personal assistant mo. In short ampunin mo na ako, Ma’am.” Napapitik ng kamay si Camille, “Yah! Why not? Bakit nga ba hindi ko naisip ‘yan noong una?” Hindi naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na mas mahirap pa sa daga ang buhay nitong si Grace dito sa Maynila. Bedspacer lang ito dahil nagtitipid nga para may maipadala sa pamilya sa probinsiya. Ito lang kasi ang inaasahan ng pamilya dahil kapos din sa buhay ang mga ito. “Talaga po, Ma’am?!” “Oo. Sa bahay ka na tumira.” “Naku, seryoso po?!” tuwang-tuwa na napabulalas si Grace. “Oo nga, sooner or later kailangan ko rin talaga ng assistant, pero okay lang ba sayo ‘yon? Mas madadagdagan ka ng trabaho,” aniya. “Okay na okay lang po, Ma’am. Ako pa ba ang aayaw, eh, titira na ako sa magandang bahay hindi na ako magtitiis doon sa malamok at maraming surot kong higaan. Thank you po talaga, Ma’am.” Walang pagsidlan nang tuwa si Grace. Ngayon ay mas panatag na siyang may kasa-kasama siya sa pag-uwi sa bahay at pagpasok sa shop. May kasama na rin siya 'pag pupunta para sa kanyang monthly check-up. KATATAPOS lang ng meeting ni Izaiah sa site at ngayon ay nasa opisina na siya. Lately ay masyado siya naging busy dahil nagkaroon ng problema ang kanilang project. Hindi pa rin makabalik ang daddy niya sa kompanya dahil nagkaroon ito ng mild stroke at kasalukuyang sumasailalim sa theraphy. “Yes, Mom, napatawag ka po.” Saglit na tumigil siya sa pagbabasa ng mga papeles. “Hijo, nakausap ko kahapon si Arabella, and guest what? Nandito na siya sa St. Claire Medical City na-assigned.” Napailing siya. Parang alam na niya ang ibig sabihin ng kanyang mommy. “Mom, diretsahin niyo na ako. Gusto niyong makipag-date ako, noh?” “Mismo, hijo.” “Mom, the last time I saw her when I was in high school baka nagbago na ‘yon or baka hindi na niya ako makilala. ‘Tska hindi na ako bata.. I can choose on my own,” pagdadahilan niya. “Sinabi ko na sa kanya na susunduin mo siya mamaya sa St. Claire.” “Mom?!” tumaas ang kanyang boses. Akmang magpo-protesta pa sana siya ngunit nasabi na ng ina na pumayag na raw si Arabella. Napailing na lamang siya. Hindi siya makapaniwala na ang isang doktor na kagaya ni Arabella ay kay daling mapapayag sa isang set-up date na kagaya nito. “Mommy, talaga,” usal niya. “Sige na, hijo, meet her. Hihintayin ka raw niya. Take note ‘wag mo akong ipapahiya.” Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. Sa totoo lang hindi na niya talaga maalala ang mukha ng Arabella na iyon. Nang maibaba niya ang telepono ay ‘tska namang may kumatok sa pintuan. “Come in!” tugon niya. “Sir, may nagpapabigay po sa inyo,” anang sekretarya niya. “Kanino galing?” Pero mukhang alam na niya dahil nakita agad niya ang logo ng paper bag na pinaglalagyan nito, Camille’s Coffee Shop. “Sa coffee shop po.” “Sige, ilapag mo na lang d’yan sa table. Thank you, Dane.” Napangiti siya, matagal-tagal na rin kasing hindi siya nakapupunta sa coffee shop. Sinadya niya iyon dahil ayaw niyang isipin ni Camille na nagte-take advantage siya sa kalagayan nito. Hindi kasi niya maunawaan ang sarili kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya tuwing kasama niya ang babae. Masaya siya na alagaan ito, kaya nga palagi niya itong pinadadalhan ng mga prutas. Napabuntong-hininga siya. “There must be something wrong…hindi mo dapat nakikita si Amber sa katauhan niya, magkaiba sila at hindi mo anak ang dinadala niya. ‘Yan ang itatak mo sa isipan, Izaiah.” Nang makalabas ang kanyang sekretarya ay tumayo siya, tinungo ang maliit na sofa at doon umupo habang kumakain ng snacks. Napatingin siya sa text messages na dumating sa kanya. “This is Arabella’s number..” text message ng mommy niya kasunod niyon ang numero ng doktora. Napailing na lamang siya’t ibinaba ang iniinom na kape. Idinayal niya ang numero at agad namang may sumagot. Malambing at maganda ang boses nito. Tumikhim siya, “Is this Arabella?” “Yeah, who’s this?” “Hi, it’s me, Izaiah!” napakagat labi siya. Hindi niya alam kung excitement iyon o napipilitan lamang na kausapin siya dahil baka kagaya niya ay napilitan lang din ito. “I got your number from my mom. Hmm…Anyway, are you free tonight? Can I invite you for a dinner?” “Sure!” “Thank you. I’ll call you when I get there, okay?” Nang maibaba ang tawag ay agad na nawala ang kanyang mga ngiti at napalitan iyon ng pagbuntong-hininga. Kung hindi lang mapapahiya ang kanyang mommy ay wala siyang balak na makipagkita sa Arabella na iyon. NAGMAMADALI na pumasok sina Camille sa St. Claire Medical City baka naghihintay na ang doktor sa kanya, natagalan kasi sila dahil sa traffic sa daan. “Ang bilis mo naman yata, Ma’am, daig niyo pa po ako. Kung maglakad kayo parang hindi buntis,” reklamo ng nakasunod na si Grace. “Baka late na ako nakakahiya kay Doc.” “Ma’am, makapaghihintay naman siguro ‘yon ‘tska mamaya, eh, madapa ka pa mas malaking prob— ayy! Ayan na nga ba sinasabi ko!” Napatakip ito ng bibig nang muntik nang bumagsak ang babaeng nakasalubong nila, nabangga ito ni Camille. “Are you blind or just a stupid?!” galit na tumingin ang babae kay Camille. “Cassandra?!” Nagulat si Camille nang makilala nito kung sino ang babaeng nabangga niya, si Cassandra at may kasama itong isang babae rin na siyang umalalay dito. “Camille?! Ano'ng ginagawa mo rito?!” Namutla ito na tila nakakita ng multo pagkakita sa mukha niya. Hindi niya magawang makapagsalita para siyang binuhusan ng yelo, magkahalong kaba at galit ang nararamdaman niya. Naalala kasi niya ang panloloko at pang-iinis na ginawa nito sa kanya. Halos bumalik lahat ng iyon sa kanyang alaala. At wala siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang sabunutan ang babaeng kaharap niya. Ang babaeng umagaw sa lalaking pinakamamahal niya. “Instead na mag-sorry ka sa kasama ko ganyan ka pa makatingin?!” anang babaeng kasama nito. “Wala kang pakialam sa paraang gusto ko siyang tingnan!” sagot niya. Naalarma si Grace at hinawakan siya sa braso. “P-pasensya na po…hindi niya po sinasadya..” paumanhin ni Grace. “Hindi ka dapat humingi ng sorry sa kanila Grace, ang babaeng ‘yan ang malaki ang atraso sa’kin.” Mas lalong hindi naunawaan ni Grace at lalo itong nag-alala. “Ano'ng sinabi mo? Ako pa ang may atraso sa'yo? Pakisabi sa kasama mo baka hindi pa niya alam na nilandi mo dati ang asawa ko.” panunuya ni Cassandra. Hindi na nakapagpigil si Camille at akmang sasampalin nito si Cassandra nang biglang sinalo ng kasama nito ang kanyang kamay at siya ang sinampal. Susugurin na sana niya ang dalawa nang dumating ang isang lalaki. “Hey! What happened?!” Napatingin siya sa lalaking lumapit sa kanila at bumungad sa kanya si Ivan. “Ivan…” mahinang sabi niya. Halos hindi siya makapagsalita. “Camille?! A-anong ginagawa mo dito? B-bakit?..” tila wala itong ideya sa nangyari at nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa ni Cassandra. Nakita nito ang akmang pagsugod niya sa babae. “Ivan, inaway niya ako, tinulak niya ako …” naiiyak na umarte si Cassandra. “What?!” napatingin ang lalaki sa kanya at tila biglang tumigas ang anyo nito. “Is it true, Camille?” Napailing siya. “Hindi totoo ‘yan,” tanggi niya. “Look! Alam kong galit ka sa’kin pero sa’kin ka na lang magalit. Gawin mo kung ano'ng gusto mo basta ‘wag na ‘wag mo lang sasaktan si Cassandra…buntis siya, okay? Please lang…nakikiusap ako sa'yo..” bakas ang pag-aalala at galit sa mukha ng lalaki. Bakit siya pa ngayon ang lumalabas na may kasalanan. “Hindi ko siya sinaktan, sinungaling ‘yang asawa mo!” dipensa niya. “I saw it, Camille! Gusto mo siyang saktan!” mahina ngunit pigil ang galit sa tinig ni Ivan. “Ahh!” Napahawak si Cassandra sa tiyan nito. Naalarma siya. Kung totoo ngang buntis si Cassandra baka makunan ito at siya pa ang sisihin. Bigla siyang nakaramdam ng takot. “Ivan, bumalik tayo sa doktor, baka makunan ako! Humanda kang babae ka kapag may nangyaring masama sa baby ko!” Nagmamadaling inalalayan ito ni Ivan. Bago ito umalis sa kanilang harapan ay matalim ang tingin na tila may pagbabanta ang ipinukol sa kanya nito. Hindi siya makapaniwala na tuluyan nang nagbago si Ivan. Para siyang ibang tao. Nawala na ba talaga ang alaala ng mga pinagsamahan nila? “Ivan, may kailangan kang malaman!” pahabol na sabi niya. Ngunit tila hindi na siya nito narinig dahil sa tarantang pag-alalay nito sa asawa. Gusto niyang sabihing buntis din siya. Gusto rin niyang maramdaman kong papaano ito mag-alala sa kanya. Hindi niya namalayan ang paglandas ng kanyang mga luha. Ang sakit-sakit. Bakit kailangan niyang maramdaman ang ganito? Napayuko siya’t yumugyog ang mga balikat sa pigil na pag-iyak. “So iyon pala ang asawa ni Ivan?! Naku! Kung hindi lang talaga masamang pumatol sa buntis, sinugod ko na ang babaeng iyon! At ang kapal din ng mukha ng Ivan na iyon. Ang maarte pa niyang asawa ang kinampihan. Hindi lang niya kasi alam na buntis ka rin. Ano'ng gusto mo po, Ma’am, ako na ang magsasabi ngayon na, hahabulin ko.” Napatingin ito sa umiiyak na si Camille at agad na hinawakan nito sa balikat ang amo. “Hussh! Ma’am, ‘wag ka na pong umiyak. Hindi dapat iniiyakan ang lalaking kagaya niya.” “Hindi ako umiiyak para sa sarili ko, umiiyak ako dahil naaawa ako sa anak ko. Nakita mo ba kung gaano siya ka iresponsableng tao? Sa palagay mo ba karapat-dapat siyang makilala ng anak ko? Sabihin mo nga, Grace..” pinahid niya ang kanyang luha. Awang-awa si Grace sa amo. Wala na itong magawa kundi ang pagaanin ang loob nito. “Ma’am, ayos ka lang po? Maupo muna tayo para kasing namumutla ka.” “Grace, parang sumasakit ang puson ko!” “Ay! Diyos ko po, baka makunan ka, Ma’am!” anang si Grace na tarantang inalalayan siya para paupuin sa malapit na upuan. “Grace! Camille?!” Napatingin si Grace sa lalaking papalapit sa kinaroroonan nila. “Izaiah, mabuti ‘andito ka, si Ma’am baka mapano siya!” “Camille?! Oh, my God! Ano'ng nangyari?!” tarantang nakatingin kay Camille ang lalaki. “Sumama ang pakiramdam niya, malayo pa ang clinic kailangan siyang matingnan na agad ng doktor, baka mapano ang baby niya. Inaway kasi siya ng walang hiyang babae ni Ivan.” “What? Si Ivan? Siya ‘yong—“ “’Yong walanghiyang lalaking nang-iwan kay Ma’am. At kasama pa talaga niya asawa niya at inaway ‘to si, Ma’am.” Sa sobrang kadaldalan ni Grace ay halos nasabi na nito lahat kay Izaiah. Samantala si Camille ay nakayuko lang at nagpupunas ng luha. “Oh, come on...don’t cry, makasasama sa baby mo ‘yan. Tara na, samahan ko na kayo sa clinic. Kaya mo bang maglakad?” tanong ng lalaki. Tumango lang si Camille. “You sure?” alalang-alang si Izaiah habang nakatingin kay Camille. “Ah, sige dito ka na lang ‘wag ka na maglakad, tatawag ako ng nurse para i-assist ka. Wait here.” Agad na tumalikod si Izaiah at pumunta sa information upang magtawag ng nurse para masundo si Camille ng wheelchair. ”Hay, Fafa Izaiah, hulog talaga siya ng langit. Ang bait niya, ano? Parang gusto kong mangarap na magiging asawa ko siya. Pero, Ma’am, pwede rin sa'yo, don’t worry kapag sa'yo siya napunta hindi sasama ang loob ko, promise.” Hindi na lang siya umimik alam niyang kinikilig lang itong si Grace kay Izaiah kaya kung ano-anong pinagsasabi nito. Mayamaya pa ay paparating na ulit si Izaiah kasama nito ang isang nurse na may dalang wheelchair. Inalalayan pa siya nitong isakay sa wheelchair. “Kaninong clinic ba kayo magpapacheck-up, Ma’am?” tanong ng nurse habang naglalakad sila. “Sa clinic ni Doktora Arabella Montimayor,” tugon niya. “Arabella Montimayor?” gulat na tanong ni Izaiah habang naglalakad sila. “Oo, doon nga ako pupunta. Bakit kilala mo ba siya?” napalinga siya sa lalaki. Ngumiti ito, “Yeah, actually siya ang sadya ko rito.” NAKITA ni Izaiah kung paanong nagulat si Arabella nang makita siyang may kasamang buntis. Ang buong akala talaga nito ay girlfriend niya si Camille. Hinintay niya na matapos ang check-up ni Camille. Palabas na rin sana noon si Arabella sa clinic dahil ang akala nito ay hindi na darating si Camille. Isang baguhang obstetrician-gynecologist si Arabella at hindi nito akalain na muling magkru-krus ang landas nila ni Izaiah. Madalas na nito makita dati si Izaiah dahil magkaibigang matalik ang kanilang ama. Noon pa man ay hindi nito maitago ang paghanga sa nakatatandang kapatid ng mga De La Torre. Subalit naiinis ito dahil palaging umi-eksena sa pagitan nila ang nakababatang kapatid nitong si Julius, good thing sa ngayon ay nasa ibang bansa na pala ito at wala nang mang-iistorbo sa kanila. Maganda at napaka-eleganteng babae si Arabella. Hindi na niya ito nakilala dahil malaki ang pinagbago ng itsura nito kumpara noong high school sila. Sa tingin niya ay mas lalo itong gumanda, dahil na rin siguro sa mga makabagong technology, idagdag mo pa ang propesyon nitong doktor. Sa pagkakaalam niya ay crush na crush ito ng kapatid niyang si Julius dati, kahit na mas matanda pa ito sa kanya ayaw lang aminin ng kanyang kapatid. Subalit nang makarating ng States si Julius ay tila nag-iba na ang taste nito sa mga babae. Mas gusto na nito ang mga babaeng liberated at mahilig sa adventure. Walang-wala nga naman sa image ni Arabella na isang matinong doktora ang ganoon at tila boring pa itong kasama. Minsan naisip niyang suhestiyon na sana si Julius na lang ang nireto dito, mas bagay pa siguro ang dalawa. “Pasensya kana talaga, kung medyo pinaghintay kita kanina,” paumanhin ni Izaiah. Pinaghintay kasi niya ang doktora kanina habang inaalalayan niya si Camille papuntang parking lot. Kung hindi lang siya nahiya kay Arabella gusto sana niyang ihatid si Camille sa bahay nito. Nag-alala siya baka mahirapan itong mag-drive pauwi. “It’s okay, ang totoo I admired the way you took care of her.” “What??” gulat na tanong niya, sabay napangiti. Ganoon ba talaga ang dating niya? Minsan na ring napagkamalan siyang asawa ni Camille, pero imbes na mainis ay parang natutuwa pa siya. “Akala ko girlfriend mo siya at kaya ka pumunta roon para sabihing hindi na matutuloy ang date natin,” tumawa si Arabella. Napakamot siya sa ulo, “I’m just so worried about her. Nakita ko sila kanina sa lobby at nagkataon din na sumama ang pakiramdam niya kaya sinamahan ko na. Hindi ko naman akalain na ikaw pala ang doktor niya. So… Is she okay? How about ‘yong baby niya?” “Okay naman siya. Ganoon talaga minsan ang pakiramdam ng isang buntis. Why are you so worried, Mr. De La Torre?” nakangiting tanong ng babae, “Na’san nga pala ang husband niya?” “Umm..that thing…hindi ko masasagot, siya na lang kaya tanungin mo.” Tila naunawaan ng babae kaya medyo ito pa ang nahiya sa pag-uusisa. Iniba na nito ang usapan nang dumating ang in-order nilang pagkain. Dinala niya si Arabella sa isang Italian restaurant na ‘di kalayuan sa St. Claire Medical Center. Masaya namang kasama si Arabella at parang napakabait din nito. Pero mula kanina pa ay pilit na sumisiksik sa kanyang isipan ang nangyari kay Camille. Hindi siya mapakali lalo na nang makitang umiiyak ito. Tumigas ang kanyang mga panga nang maisip na naroon din pala ang lalaking ama ng batang dinadala nito. He coudn’t imagine how Camille’s felt that moment, dahil napakasakit siguro sa isang babae na makita ang ama ng batang dinadala niya ay may kasamang ibang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD