A V A S A N T I L L A N
Ilang beses akong napalunok dahil hindi ko alam paano sasagutin si Lovie.
Madali lang naman sana ang katanungan, kaso, inosenteng bata ang nagtatanong. Maling pagpapaliwanag, GGB o gulo-gulong buhay na talaga ako, lalo na't nakaharap ang ama sa amin na tila ba, pinapatay ka na sa tingin.
"Ate?" untag ni Lovie sa nakatulala kong diwa.
Sinulyapan ko si Marco na ngayon ay 'di umiimik na nakatitig sa akin, para bang hinahayaan niya akong magbigay ng paliwanag sa anak niyang mausisa masiyado.
"Uhm..."
"Ayusin mo ang pagpapaliwanag mo, Ava. Make sure that Lovie will understand it, without any malicious idea."
Napairap ako sa kaniya!
Siya kaya ang magpaliwanag dahil lalaki siya. Alam na alam niya iyon, ah!
I scoffed at him and eyed back to Lovie. Nginitian ko muna ang bata bago sagutin ang tanong niyang nakaloloka!
"Ganito kasi iyon..."
"Make it sure, Ava..."
"Sshh!" saway ko dahil sa kasasabat ni Otep, nawawala ang konsentrasyon ko.
Mas mahirap pa 'to sa thesis na ginawa ko rati! Dios ko!
Inilinga ko ang paligid at saktong may nakita ako na saging.
I took the banana and showed it, Lovie. Natawa pa ako dahil ang haba at ang taba ng saging.
Uf! Happy thoughts! Happy thoughts!
"Ito kasi iyon, Lovie. Kita mo 'tong banana?" ani ko sabay pakita sa paslit.
Inosenteng tumango ang bata na para bang interesadong-interesado sa sasabihin ko. Tutok na tutok talaga siya sa saging.
"Hindi ba ang saging, binabalatan?"
"Ava!"
"Abyang!" sabay pang saway nina Otep at Tiyang Esther.
"Sshh!" I hushed them. Hindi pa nga ako tapos, sumisigaw na 'tong dalawa.
Ang ingay! Hirap na hirap na nga akong magpaliwanag.
"Ava, bakit mo kinukumpara ang kuan sa saging..." mahinang sabi ng tiyang sabay kurot sa tagiliran ko.
Natatawa ko siyang nilingon. "Same picture lang, Tiyang. At iba naman kung ipapakita ko ang... totoong ano... kay Lovie?"
Iiling-iling na lang ang matanda habang walang humpay ang kurot niya sa tagiliran ko. Maga na itong gilid ko sa ginagawa niya!
Palibhasa kasi itong tiyahin ko, matandang dalaga kaya 'di pa yata nakatikim ng kakaibang saging, kahit na lang sana saba.
"Lovie, tama ako. 'di ba? We need to peel off this skin..." paliwanag ko sabay balat ng saging.
Nakanganga ang bata habang nakamasid sa aking ginagawa. Ini-internalize niya yata lahat bago siya tumango.
Namutawi ang ngiti sa kaniyang labi, mukhang satisfy sa sagot ko.
Mayamaya ay na-engganyo akong kainin ang saging kaya wala sa sarili ko itong nilantakan sa kanilang harapan.
Masarap din. Matamis.
"Ah, so... supot means... we need to peel off the banana and eat it? Ate, gusto ko po ng supot! Favorite ko iyon!"
Shuta!
Halos mabilaukan ako sinabi ni Lovie kaya maluha-luha akong napaubo. Si Tiyang naman ay panay hampas sa likod ko dahil mukhang nawawalan ako hininga sa narinig.
"This is insane!" bulalas ni Marco, habang dinig ko ang malakas na tawa nina Kuya Rhemuel at Ate Maria sa kabilang linya.
"Kung ano-ano ang tinuturo mo sa anak ko, Ava!"
Hindi ako makapagsalita dahil pati ilong ko ay nalabasan ng saging.
Grabe, 'di ko alam na literal pa lang iintindihin ni Lovie iyon.
Hinila ni Otep ang anak palayo sa akin habang si Tiyang naman ay naaasar na tinulak ako palayo.
"M-mabuti pang umuwi na lang muna kami, Marco. Mukhang jetlag pa itong pamangkin ko," sabi ni Tiyang sabay tulak sa akin palabas ng bahay.
"Mabuti pa nga!" galit na sagot ni Otep na bilog na bilog ang mga mata at namumula pa sa sobrang inis sa akin.
Mabuti pa ngang umalis na kami at baka ako naman ang balatan nitong si Otep.
Kumaway-kaway pa ang bata sa akin habang tinutulak ako ng tiyahin palabas.
"Ikaw kasi, palagi mo na lang ginagalit iyang si Marco. Kahit noon pa!" palatak ni Tiyang nang nakalabas na kami ng bahay at naglalakad para makahanap ng masasakyan.
Natatawa kong inihagis ang supot- ay este, balat ng saging sa basurahan.
"Ang sungit pa rin, hindi na nagbabago!" sagot ko pa.
"Mabait si Marco. Ikaw lang itong pasaway. Hay, sinasabi ko sa iyo, Abyang! Ayusin mo ang trabaho mo kay Marco dahil sayang din. Magandang kompanya ang napasukan mo."
Hindi ko na siya sinagot at niyakap na lang patagilid.
"Oh, ano'ng lambing na naman ito?" pairap na tanong niya sa akin pero halata namang gustong-gusto.
"Na-miss kita, Tiyang," nguso ko sabay halik sa pisngi niya.
"Sus! Pumunta ka lang naman dito dahil sa Blackpink-Blackpink mo! Ginawa mo pa akong rason."
"Hala! Hindi kaya! Isa sa dahilan ay ang Blackpink concert ko pero mas malaking dahilan ay ikaw. Miss na miss kita..."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata at saka niyakap na rin.
"Na-miss din kita kahit pasaway ka't makulit. Mas lumala ka nga ngayon," puna niya.
"Hindi, ah! Sabihin mong mas gumanda dahil nagmana sa iyo..."
...
IF Otep is my boss, eh wala na akong magagawa. Malay ko ba na Marco Joseph pala totoo niyang pangalan. Bata pa ako masiyado noon at wala akong matandaan na nagbanggit siya ng totoong pangalan niya. Otep din ang nakasanayan kong itawag sa kaniya noon. At isa pa, simula ng tumira ako sa Amerika ay halos makalimutan ko na nga sila.
"Weeh? 'Di nga?" protesta ng kabilang isip ko.
Well... sabihin na natin hindi naman talaga nakalimutan, may naaalala lang ako dahil may itinago akong souvenir dati na pinuslit ko sa gamit ni Otep. Hindi ko naman ninakaw pero parang gano'n na nga!
"Huh!" I smirked. Para akong ewan sa mga naiisip ko.
Bata pa ako no'n kaya kung ano'ng kalokohan na lang ang pumapasok sa aking utak. Hanggang ngayon naman ay mayroon pa rin, pero mas naging matured ang aking mga kalokohan.
Iniluwa ko ang bubble gum sa isang tissue at agad na itinapon sa basurahan katabi ng elevator. Wala ng lasa kaya't kailangan ng itapon. Bakit pa tinatakam kung wala naman nang sarap?
"Shaks, Ava! Hugot pa more!" sabi ko sa sarili sabay pindot sa button ng elevator pataas.
When I entered inside the lift, I saw two women inside. Based on their IDs they're under to Montefalco Builders, Inc. And I am sure they're under to Otep. Sa kaniya naman kasi iyon, siya mismo ang nagpatayo, habang M&Z Constructions naman ako- ang firm na in-adopt ni Otep sa pagkakalugi, na rati raw ay pinapamahalaan ng kaniyang pinsan. Still, I'm on his superiority, but as I heard, he was not that focus on the said company. Siyempre naman, may sarili siyang kompanya. Ang maganda nga lang, we have Engineer Marphon Montefalco, ang isa sa mga may-ari at pinsan umano ni Otep. Hindi ko kasi siya nakikita rati dahil hindi naman sila close magpi-pinsan. Iba kasi ang ibang mga mayayaman, they are very distant to each other, hindi katulad naming simpleng tao, makita lang ang mga pinsan ay halos kabayuin na sa saya. Pero iba sila, may mga kamag-anak na pumupunta sa kanila pero keber. Wa paki! At ewan ko saan ang mga paki nila, dahil wala rin akong paki!
Pinidot ko ang fourth floor button, since M&Z will use the vacant floor there. At sa tingin ko sa third floor naman ang dalawang babae dahil sa nakailaw na button ng number 3.
"Buti pa iyong M&Z employees makakaligtas sila. Tayo kaya? Masiyadong strikto si Sir Marco, hindi katulad ni Sir Marphon, ang cool," saad ng isang babae.
"At ang hot pa," dagdag ng isa na parang naiihi sa sobrang kilig.
Napataas ang kilay ko sa dinugtong niya
Ang harot ha!
Sabagay naiintidihan ko rin ang nararamdamang landi nila, macho at gwapo naman talaga si Sir Marphon. He had this mestizo look. Palabiro at palangiti, hindi katulad ni Otep na parang nabagsakan ng langit at lupa. Laging nakasimangot!
"Narinig mo ba iyong tinanggal na empleyado ni Sir Marco, kawawa naman, 'no?"
Napatingin ako sa dalawa.
"Oo nga. Nagsinungaling din kasi. Ayaw pa naman ni Sir ng sinungaling," tugon naman ng isa.
"Kaya naman pala," sabat ko.
Nagtatakang tumingin ang dalawa sa akin. Pero kunwari'y deadma ako. Nakatingin ako sa phone ko at nag-i-scroll kunwari ng kung ano-ano.
"Pero, ang babaw. Deserve niya naman ng chance," patuloy na sabi ng kasama niya.
"Oo nga naman," sabat ko uli.
Pinandilatan ako ng mga mata ng dalawa. I saw it at the reflection of the door. Nang nasa third floor na at bumukas ang pinto, ay agad na lumabas ang dalawa na parang bubuyog na bumubulong-bulong.
"Huh, ayan! Tsismis pa more! Kaysa pag-tsimisan ninyo mga boss n'yo, ayusin niyo kaya ang trabaho!" sabi ko pa.
Useless din naman ang pagdadakdak ko dahil nakaalis at nakasarado na ang pinto pero at least, naka-rant ako.
Oo, strikto si Otep, masungit pero normal lang iyon. At saka, malaki ang pasahod niya sa mga empleyado kaya dapat ay ayusin ang trabaho.
Inayos ko ang sarili at hinarap ang dingding ng elevator.
Napangiti ako nang tumambad sa akin ang guwapong pagmumukha ni Engineer Marco Joseph Montefalco.
"At ikaw Otep!" Tinuturo ko pa ang larawan na nakapaskil sa dingding ng elevator. It's his poster na may rules and regulations ng kompanya. Naka-ekis ang mga braso niya at seryoso ang mukha.
He was wearing a white collared shirt with hard hat on his head. Hindi man lang marunong ngumiti kahit sa picture lang sana.
Kung nakakatakot ang rules niya na maraming, 'do not', mas nakakatakot ang hitsura ni Marco.
Hard and rough! Roar!
"Huh, huwag mo lang akong matanggal-tangal. Dahil..." I picked my nose and arrogantly pointed his photo using my index finger.
Biglang lumambot ang awra ko na tila nagmamakaawa sa litrato niya, hinahaplos-haplos ko pa ang balikat ng kanyang larawan na tila ba minamasahe siya at sabay nguso. "Dahil ma-jo-jobless talaga ako. Wala akong pang-gala, pang-shopping. Kaya't please, be good to me. Okay?"
Kung may CCTV itong elavator, ay baka ma-escalate ako, mabuti na lang ay wala.
"Baliw ka talaga, Ava!"
Yes, I am crazy. Totally insane! At baka mabaliw si Otep sa konsumisyon sa akin.