"Ikaw?" gulat na tanong niya.
May riin at nanlalaki ang mata akong tiningnan ng
boss ko, hindi makapaniwala na nandito ako sa pamamahay niya.
Bubuka na sana ang bibig ko nang nagsalita si
Tiyang. "Ah, Marco, sya si Ava. Iyong sinasabi–"
"Po? Siya si Ava? Gavaina Marie
Santillan?"
Diosmio! Kinumpleto pa pangalan ko. I really hate
when people completed my name, binabagsak pa!
Nagtatakang tumango si Tiyang habang hindi pa rin
mawala ang gulat sa mukha ng lalaki sa harapan ko.
Gulat din kaya ako. Hindi lang eksaherado katulad ng
reaksiyon ni Otep na para bang isang kamalasan ang sumusunod sa kanya.
"Nagkita na ba kayo?" tanong ng tiyahin ko
na palipat-lipat ng tingin sa amin.
Ako naman ngayon ang medyo kinabahan. Ang dami ko pa
namang sinabi kanina at baka pumalatak pa itong tiyahin ko.
"Tiyang... kuan... siya-"
"I'm her boss!" matigas na sabad ni Marco.
"Boss mo? Iyong boss mo na may malaking butas
ng ilong? Na parang toro kung bumuga? At may nanlilisik na mata na parang
halimaw? Ha? Ava?"
Tss! Si Tiyang naman!
"What?" Si Marco na 'di na magkamayaw ang
lukot ng noo.
"Kuan kasi... Ito kasi iyon–"
"Daddy, Gusto ko po ng hair katulad ni Ate
Ava..."
At mas lalo kaming nagulat sa sinabi ni Lovie. Sabay
kaming tatlo na tiningnan ang bata na ngayon ay hila-hila ang laylayan sa suot
na suit ng ama.
Halos magdugtong na rin ang mga kilay ni Otep sa
narinig galing sa anak.
"Please, Daddy..."
"No!" sigaw ni Otep kaya pareho kaming
nagulat ni Tiyang.
"Marco!" saway ng tiyahin ko.
Masyado yatang badtrip itong lalaking 'to at pati
anak niya ay nasigawan pa.
When he realized what he did, he kneeled to Lovie
and hugged her.
My heart said, 'aw'. Ang cute ni Otep tingnan
habang nilalambing ng anak. Na-touch ako ro'n! Para siyang si Papa ko.
Hmmm... Sweet daddy!
"Sorry, baby. Sorry!" sabi niya sa anak.
"But, it's not nice for you."
Wow? Kailan pa naging not nice ang ganitong buhok?
Napahawak tuloy ako sa buhok ko at napanguso. Grabe si Otep. Grabe!
Tumango naman ang bata at agad na ngumiti.
Napakabait naman ni Lovie, hindi nakikipag-away sa
daddy niya. Ako kasi rati, naglulupasay na ako sa iyak tuwing hindi nabibigay ang
gusto ko. Spoiled kasi ako, lalong-lalo na sa papa ko, palibhasa nag-iisang
anak kaya'y bigay lahat ng gusto. Hindi kami mayaman, at saka hindi naman
mahirap. Pang-middle class lang naman ang dine-demand ko. Not so demanding.
Ibinalik uli ni Otep ang tingin sa akin.
Kung gaano siya kalambot sa anak niya, matigas pa sa
bato ang pukol niya sa akin. His gaze was very intimidating. It was the same
eyes that I saw in the office. Madilim. Mapangahas. Mapanganib. Matang-lawin!
"Nice meeting you again, Ava." sarkastikong
sabi niya sabay abot sa kanyang kamay.
Nahihiya akong inabot ang akin– kamay, I mean.
"Hope we can work peacefully together,"
dagdag niya na may bagsak talaga salitang peacefully.
Grabe naman, hindi naman kami mag-gi-giyera sa loob
ng opisina siguro, ‘no?
Napasimangot akong tumingin sa kanya. While, he was
smirking at me as if I did something wrong or will do something bad.
Natigil lang ang titig ni Otep na halos
nangunguryente at nanununog ng kaluluwa nang tumunog ang cellphone niya.
He opened his phone and faced it. May ka-video call
yata.
"Rhem!" tawag niya sa kabilang linya.
Si Kuya Reming!
Tumakbo ako sa likuran ni Otep at sinilip ang
kausap. Gusto kong makita si Kuya. Ano na kaya hitsura niya. Medyo may katabaan
pa siya no'ng mga bata pa kami. Baka may bonggang transformation iyon! Ang
bait-bait pa naman niyon.
Nagtataka nilingon ako ni Otep at sinamaan ng
tingin. For sure, iniisip niya na masyado akong atribida. Bahala siya! Gusto
kong makita ang kapatid niya.
He walked at the table and sat on the chair. Tumabi
rin sa kanya si Lovie na ngayon ay panay kaway sa katawag.
Nasa likuran kaming dalawa ni Tiyang. In all fairness
in the world, ang gwapo na ni Kuya, lumaki na ang katawan at pumuti na nang
bonggang-bongga! Ibang-iba na. At ang ganda pa ng katabi niyang na babae.
Girlfriend o asawa niya siguro ito.
"Kumusta, bro?" tanong ni Kuya Reming.
"Doing great," matipid na sagot ni Otep.
Kahit sa kapatid, napaka-seryoso at pormal niya. Parang makikipag-business
meeting itong lalaking 'to.
"Hello, baby! How are you? I miss you,"
bati naman ng katabing babae ni Kuya.
"I'm good Tita-Mommy. I miss you too,"
sagot ng bata.
"Asawa ni Rhem," bulong ni Tiyang sa akin.
"Ahhh..." tanging sagot ko at
tatango-tango. Kung hindi nagkakamali ang mga mata ko ay medyo may resemblance
sila ng asawa ni Kuya at ni Lovie. Medyo
lang naman.
"Hello, Nay Esther," bati ni Kuya sa
katabi ko. Kinawayan lang ni Tiyang ang nasa kabilang linya habang ako ay
napanguso dahil hndi ako binati.
Dumungaw ako at nakangising kumaway-kaway. Alam kong
hindi na ako nakikilala ni Kuya. Nakita rin yata ako ng nasa kabilang linya at
agad na sumilip-silip.
"Sino iyan?" tanong nito.
Lumingon si Otep sa akin. Nakasimangot. Bahagyang
nawala ang ngiti ko pero dinedma ko na lang siya.
"Don't you remember me?" tanong ko.
Umiling si Kuya.
"Of course! Gumanda na kasi ako."
Isang malakas na tikhim ang nagpawala sa kumpiyansa
ko. Napaka-kontrabida naman nitong si Otep! Minsan na nga lang akong pumuri sa
sarili.
"Sige bigyan kita ng clue. Ako ang pinaka-cute
na kababata mo," saad ko.
"It's not a clue or even a fact!" sabat ni
Otep kaya mas lalo akong naaasar sa kanya.
FYI! Ang dami kayang naku-cute-tan sa akin noon.
Kahit mommy at daddy nila.
Inirapan ko na lang siya at muling hinarap ang
kausap.
Epal!
Natatawang umiling si Kuya Reming.
"Sige... Ito, ikaw lang naman ang
batang..."
I covered the side of my mouth using my hands and
mouthed, 'supot!'
"Ha?" 'Di pa rin niya gets.
"Supot," I mouthed again.
But he's so clueless.
Otep looked at me. "Ano ba iyan? Ang dami mong
arte!" saway niya.
Pati si Tiyang ay nakikiusyoso na rin.
"Ano iyan?" Si Tiyang.
Iiling-iling kong tinakpan ang dalawang tainga ni
Lovie. Siya ang dahilan kaya ayaw kong ibulalas ang sasabihin.
"Supot! Nye! Nye! Nye! Nye! May balot si
Kuya!" bulalas ko sabay labas ng dila. Ito kasi ang ginagawa ko tuwing
inaasar siya noon at pinapaiyak ako.
"Hindi ba, ten years old ka na nang natuli
dahil takot ka?"
It's his secret at kami lang ang nakaaalam.
I eyed to Otep. Nanlalaki ang mga matang tumingin sa
akin. Gusto mo isali kita?
Magkasama na kaming lumaki kaya alam ko lahat simula
ng kanilang pagbibinata.
Nagulat silang lahat at pinandilatan ako ni Otep.
Kinurot naman ni Tiyang ang tagiliran ko kaya kinakamot ko ito dahil sa sakit
at kati.
"Ikaw talagang bata ka!" saway ng tiyahin.
"Is it true, babe?" 'di makapaniwalang tanong
ng asawa ni Kuya.
Kakamot-kamot ng ulo si Kuya sabay tawa.
"I know this brat, Abyang!"
Sa wakas!
"Korek!" bulalas ko.
"Basta sa mga ganyan alam kong ikaw na!
Kumusta?" tanong niya na nakangisi, ni hindi man lang siya napikon, pero
kung ang nakakatandang kapatid pa ang inasar ko nang ganito, ewan ko na lang.
Mapapa-'Good luck, Ava' talaga ako.
"Okay na okay!" sagot ko.
"Kababata namin siya, babe. Pamangkin ni Nanay
Esther. Ava, ito ang asawa ko, si Maria," pagpapakilala niya.
"Hello po! Ang ganda niyo po!" bati ko sa
babae.
"Salamat, Ava. Ang ganda mo rin,"
nakangiting tugon niya.
Naks! Alam ko iyon. Huwag na lang ibulalas!
When I took a glimpse to Otep, I saw the sorrow in
his eyes. Bakit kaya biglang nalungkot ang matapang na hitsura niya? Pero
binalewala ko na lang. Baka ganyan lang talaga ang mga mata niya. Lonely kasi
walang lablayp.
"Pasensya na, Ate Maria. Nabuking ko tuloy.
Pero sigurado naman akong nabalatan na iyan. Sabi nga nila, the older you peel,
the longer you feel!" sabay tawa.
Tawang-tawa naman sina Ate Maria at Kuya Rhem,
habang panay hampas naman itong si Tiyang sa aking braso.
"Tiyang, masakit, ha!" alma ko dahil
nanghahapdi na ang balat ko sa mabibigat niyang sampal.
At si Otep? Kung nakakamatay ang tingin niya baka
nalamayan na ako.
"I like you! Magkakasundo tayo, girl!"
sabi ni Ate.
Iiling-iling na lang si Otep sabay hilot sa sintido.
Sumasakit yata ang ulo niya.
"Ate Ava," tawag ni Lovie sa akin.
Napayuko ako sa kanya at nginitian siya.
"What, baby girl?"
Napakurap pa siya bago nagsalita. "What is
supot?"
Afatay!
Hindi ko alam kung paano nagalaw ang lamesa sa gulat
ni Otep. At pati ako rin ay gulat na gulat sa tanong ni Lovie. Narinig niya
pala kahit nakatakip na ang tainga?
Woah! This kid really surprises me!
Napalunok ako habang nag-iisip ng isasagot sa bata.
At kung pwede pa lang sanang tumakbo, ay tumakbo na
ako. Otep's look drags my soul to hell!
Lagot na lagot talaga ako sa kaniya!
*END OF KABANATA 5*