Alas syete ng gabi nang sunduin ni Dean si Elish sa apartment niya sa araw ng birthday ni Diane. Sinabihan naman siya ni Dean kung hindi siya komportable ay pwedeng huwag na siya dumalo. Pero gusto niya pumunta. Gusto niyang makita kung anong pamilya mayroon si Dean. Gusto niya makilala ang pamilya.
Wala naman sigurong gagawing masama ang kapatid nitong atribida. But she need to be alert and observant.
Paglabas ni Elish ng apartment nakita kaagad niya si Dean na nakasandal sa kotse nito, naghihintay sa kaniya. He looked dashing wearing a cream long sleeves. The sleeves were folded until his elbow revealing those veiny and strong arms. The top three buttons were also open, showing a little bit of his board chest. He partnered it with khaki pants and white kicks.
"Hey.. beautiful.." umalis ito sa pagkakasandal sa sasakyan upang pagbuksan siya ng pintuan."
Nahigit ni Elish ang paghinga nang manuot sa ilong niya ang panglalaking pabango nito. Nakakapanlambot ng tuhod.
Tila out of place ang ayos at itsura ni Dean sa lugar. Nagliliwanag ang kakisigan at kagwapuhan nito. Humahalimuyak ang amoy. Natatalo ang amoy ng mga nag-iihaw na barbeque sa gilid ng tindahan, amoy ng estero sa gilid ng daan at yosi galing sa mga tambay na nakamasid sa kanila.
Lord! Ang bait mo pa rin naman sakin. Mamamatay na lang ako, binigay mo pa sa'kin ang aking man of my dreams!
"H-Hello.. " nahihiyang bati niya kay Dean. She's wearing an off shoulder floral dress that the length touches her mid thighs. It was perfectly hugging her body. She let hair down and put a light make up to complete her look.
"Shall we go?"
Nakangiting tumango si Elish bago sumakay ng sasakyan.
.
.
Isang oras rin ang biyahe nila bago huminto ang sasakyan ni Dean sa harapan ng isang two storey glass type modern house. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas. May mangilan-ngilan pang mga dumadating.
Naunang bumaba si Dean upang pagbuksan siya ng pintuan. Kumapit naman siya sa braso nito habang papasok sa loob ng malaking bahay.
Malakas ang sound system na sumalubong sa kanila. Bawat makasalubong nilang bisita ay binabati o di kaya'y tinatapik si Dean sa balikat.
Humanga si Elish sa interior ng bahay habang inililibot ang tingin sa paligid. Gawa sa salamin ang pader. Magara ang mga nakasabit na chandilier, galing sa kilalang mga pinto ang nakasabit na paintings gilid ng mataas at paikot na hagdanan. Ang mga gamitan ay halatang mamahalin. Everything inside the house has a touch of gold on it.
Talaga ngang galing sa mayaman na angkan ang ni Dean!
"Mukhang first time mo magsama ng babae sa party, ah?" Nakatingalang tanong niya sa lalaki. Pansin niya kasi kanina pa ito kinakantiyawan ng mga nakakasalubong nila.
Tipid na ngumiti ito sa kanya. "Yes. Ikaw palang"
Kumunot ang noo ni Elish. "Ako pa lang? Eh, bakit sabi ni Diane womanizer ka daw?"
Napangiwi si Dean. "That was before, Babe.. hindi na nga ako masyadong pumupunta sa mga club."
Tumaas ang isang kilay ni Elish. "Talaga lang, ha?"
He chuckled and gripped her waist. "Yes. You dont need to get paranoid. Magpapaalam naman ako sa'yo if ever may boys night out. At kung hindi ka papayag, it's fine with me."
"Ows.. maniwala ako sa'yo." Bahagyang lumayo si Elish at nagdududa itong tinitigan.
Tumatawang huminto sila ni Dean sa harapannng sliding door palabas ng backyard.
"Ayaw mo maniwala, hmmm?" Hinapit siya nito sa beywang at pinihit paharap. "What do you want me to do?" He pulled her closer to him. "Gagawin ko para hindi mo ako pinagdududahan.."
Halos di makahinga si Elish sa lapit ng katawan nila. Kanilang mga ilong ay nabubungguan na.
She bit her lower lip, without realizing that she would look attractive to Dean's eyes.
"Damn, Elish.." bumaba ang mata nito sa labi niya. Tracing his finger tip on the bottom of her lips. "Your lips.. your sweet soft lips.. for the past days, I couldn't get out you off my head."
"Dean..." unti-unti lumapit ang mukha nito sa kaniya. Nang bigla bumukas ang sliding door. Nakatayo sa harapan nila ang isang maganda at sexy na babae. Nakapulang dress ito na bakat ang perpektong hubog ng katawan. Litaw ang dibdib sa mababang neckline niyon. Maikli na nga ang haba niyon ay may slit pa sa gilid.
Napaatras si Elish nang lumapit ang babae at sa gulat niya'y hinalikan nito si Dean sa labi. Halatang nabigla rin si Dean.
"Viv.." marahang inilayo nito an babaeng kumawit pa ang braso sa leeg nito.
"Kanina ka pa namin hinihintay. Si Tita hinahanap ka na," maarteng sabi nito kay Dean na hindi man lang tinatapunan ng tingin si Elish.
"I know. I called, Mom. Sinabi ko na may dadaanan pa ako." Nakangiting binalingan siya ni Dean. "Anyway.. Viv, Id like you to meet, Elish. Babe this is Viv, a friend of mine."
Noon lang siya tinapunan ng tingin nang pinakilalang Viv. Parang ngayon lang siya nag-exist sa paningin nito.
"Oh, Hi! Nice to meet you, Elish!" Inilahad ang kamay kasabay ng pekeng ngiti.
Tinanggap naman iyon ni Elish. "Salamat. Nice to meet you too."
Binawi kaagad nito ang kamay sa kaniya at muling na-focus ang atensyon kay Dean. "Let's go. Nasa backyard ang mga bisita!" Yaya ng babae sabay kawit sa kabiling braso ng lalaki.
Hindi nakaligtas kay Elish na talagang idinidikit ni Viv ang side boobs sa braso ni Dean na kapit nito. Nakikita niya sa anyo ni Dean ang discomfort. He tried to pulled his arm carefully para di mapahiya si Viv. Hindi rin inaalis ni Dean ang pagkakaakbay sa kaniya at paminsan minsan ay pinipisil ang kanyang braso.
"Nandoon sina Tita!" Duro ni Viv sa isang panig ng backyard
Mas maingay at maraming tao doon. Mga kakilala ni Dean at Viv na binabati pa ang dalawa. Parang invisible si Elish. Feeling niya out of place siya dito. But she managed to smile and ignored the feeling that she doesn't belong here. Mahalaga siya ang unang babaeng isinama at ipinakilala ni Dean sa pamilya nito.
Nilampasan nila ang malaking swimming pool, mobile bar at catering setting. Malapit sa tila nagmistulang stage kung saan tumutugtog ang isang banda. Tumayo at nagpalinga-linga si Diane. Kumaway ito sa kanila nang makita silang papalapit.
"Kuya Dean!"
Tumigil sila sa isang mahaba at malaking mesa. Halos malula si Elish sa mga kalalakihang nakaupo roon. Walang itulak kabigin sa kagwapuhan at kakisigan! Pero syempre walang tatalo kay Dean.
"Bro, Youre finally here!" Anang isang lalaking nakasuot ng dark blue polo shirt. He was tall as Dean and handsome too. Kamukha halos ni Dean except the he has a few days stubble.
"Kuya Dave." Tinapik ni Dean sa balikat ang lalaki.
"At sino na naman itong nauto mo?" Sabat ng isang lalaking may salamin sa mata. He looks a little younger to Dean and guy named Dave. Mukha ito 'yong mga college boys na habulin ng girls sa mga chicklit movie. "Huhula ako... isang buwan?" He smirked.
"Manahimik ka Dexter." Binatukan ni Dean ang kapatid. "Hindi ko hinihingi ang opinyon ng isang bente anyos na virgin!" Malapad na ngumisi si Dean.
Namula ang mukha ng tinawag na Dexter. "f**k you—
"Hey, Languange!" Awat ng ginang na nakaupo sa sentro ng mahabang lamesa. Namumuti man ang ilang hibla ng buhok. Hindi maitatanggi ang ganda nito noong kabataan. She's a little bit look-a-like of Gloria Romero.
"Ma, nauna si Kuya Dean!" Maktol ni Dexter.
"Huh? Ako pa?" Turo ni Dean sa sarili.
"Enough you two!" Binalingan nito ang dalawang binata saka inilipat ang tingin kay Elish na alanganing ang ngiti sa tabi ni Dean. "Why don't you introduce us with this young lady right here.." lumambot ang ekspresyon ng ginang.
"Ah, Mom.. guys.." binalingan siya nito sabay inakbayan. "This is Elish, my.. girlfriend."
"WHAT?!" Gulat na reaksyon ng mga ito pagkatapos ay sabay-sabay na nagtawanan.
Namumula ang taingang napapakamot sa batok si Dean. Napangiti naman si Elish. Ang cute ng pamilya nila. Ramdam at alam niyang malapit ang mga ito sa isa't isa. Kinda reminds her of her own family.
"I told you kakainin mo rin ang sinasabi mong no commitment," komento ng lalaking may umiinom ng whiskey. Sa lahat ng naroon, ito yung mukhang mysterious at quiet type.
"I know.. Bro, I know.." sagot ni Dean. Nilingon siya nito't hinaplos sa pisngi. "I'm ready to commit now."
Umaapaw sa saya ang puso ni Elish pero di nakaligtas sa paningin niya ang pagbubulungan ni Viv at Diane. Binalewala na lang niya ang dalawa lalo nang lumapit ang ina ng binata.
"I'm happy for you, Anak." Anito't hinawakan sa magkabilang pisngi si Dean. "Salamat naman at mababawasan ng isang babaero ang mga anak ko."
"Mom!" Maktol ni Dean. "Baka maniwala si Elish niyan! Bukas hiwalayan na ako!"
Sabay na tumawa si Elish at ang ina ni Dean.
"Welcome to the family, iha."
Nakipagbeso si Elish sa ginang. "Salamat po, Ma'am. It was nice meeting you.."
"Tita Dorothy na lang ang itawag mo sa'kin." Her smile was warm and welcoming.
"S-Sige po.. Tita Dorothy." Nahihiyang wika ni Elish.
Napuno nang kwentuhan at kantiyawan sa mesa ng mga Monteverde. Binuking ng kapatid nito si Dean sa kaniya. Marami na raw pinaiyak na babae si Dean. Maraming nasirang relasyon dahil naghahabol ang mga babae dito. But she's happy to know na siya lang ang babaeng pinakilala ni Dean na girlfriend nito.
"The worst part is over!" Wika ni Dean nang mapagsolo na sila.
"Where is the worst part there?" Humilig siya sa balikat ni Dean at tiningala ito.
"Introducing you to my family. Minsan kasi pakialamero mga 'yon," nakasimangot at pailing-iling na sagot nito.
"Concern lang sila sa kung sinong makarelasyon mo. Sabi nga nila womanizer ka daw."
"Sandali... kanina ko pa napapansin yang womanizer na 'yan, hmm?" Nakangiti itong humarap sa kanya at pinagsalikop ang mga kamay nila. "Nagseselos ka ba sa dati kong lifestyle?" Dugtong nito at hinaplos ang pisngi niya.
"You act what you believe at that time, Dean." Hinaplos niya rin ang pisngi nito. "Let's forget about it. Past na 'yon. Hindi na mababalik. And I know you've learned something from it."
Bumuntong hininga ito sabay hinila siya sa kamay. "You know what, lets dance."
Nang makarating sa dance floor, bumagal ang kantang tumutugtog. Dean wrapped his arms around her waist. She encircled her arms around his neck. They danced slowly. Walang nagsasalita sa kanilang dalawang. Nagkatitig lang sa isa't isa. Sa paraan ng pagtitig ni Dean, parang siya lang ang nakikita nito.
If you're lost you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I'll be waiting
Time after time
If you're lost, you can look and you will find me
Time after time
If you fall, I will catch you, I will be waiting
Time after time
"Elish.." bulong nito. His warm breath tickling her ears. "I like you.. I really do like you," inilapit pa siyang lalo sa katawan nito. "I admit, I don't want commitment, I don't believe in romantic relatioship. But you came.. sa iilang pagkakataon na magkasama tayo, hindi ko mapigilang magustuhan. You're so innocent and pure." He caresses her cheek with his knuckles. "And I couldn't imagine be with someone else.. but you.."
Para bang sasabog ang puso ni Elish sa magkakasamang emosyong, nag-uunahan sa sistema niya sa pagtatapat na 'yon ni Dean. Gusto niyang pangunahan ng saya. Subalit bigla ay umuusbong ang takot at pagkaduwag sa puso niya. She was so selfish.. thinking she will just left him one day.
Nanatiling awang ang mga labing nakatitig lang si Elish kay Dean.
"Babe, say something" pinagdikit nito ang mga noo nila.
"Dean.."
"Elish.. tell me.. you like me too, right?"
Narito na siya. She wanted all this to happen. She wants him. She likes him. Bakit ba niya iniisip ang bukas? Ang susunod na araw? May sakit man siya o wala. Life is too short, to live with fear and doubts.
Huminga ng malalim si Elish. Sinalubong ang nagsusumamong tingin ni Dean. "I like you too, Dean." She confessed, tears pooling in the corner of her eyes. Ayaw niyang maluha. But damn! This emotion, this feelings for him is too strong! "Alam mo kaya ikaw ang nilapitan ko no'ng araw na 'yon? Ang bango-bango mo kasi!" They both laughed. But when the laugh died down. Masuyong ngumiti si Elish. "But your smile.. your eyes, that everytime I stared at it I get lost.. Ikaw lang ang lalaking hinayaan ko na maging malapit sa'kin ng ganito. You're may first kiss, my first date, my first drinking buddy.. I want to spend every first with you, Dean.."
Pumikit si Elish nang dahan-dahang lumapat ang labi ni Dean sa kaniya. It was warm, soft and sweet. He bit her lower lip. She automatically welcome his tongue inside her mouth and let him explore inside. Hinila pa siya nitong lalo palapit sa katawan nito kahit tila wala nang hangin ang makakaalpas sa pagitan nila.
They kissed and danced at the same time, para bang naging blurry ang paligid at sila lang ni Dean ang naroroon. Para bang solo nila ang mundo.
Kasabay nang pagpapalit ng kanta ay naghiwalay ang mga labi nila. Magkalapat ang noo na nagtititigan sila. Sana huminto na lang oras. Para mas matagal niyang makasama si Dean. Sana noon pa niya ito nakilala, no'ng mga panahong wala pa siyang sakit.
Kundi lang nagpalakpakan ang mga tao ay di nila mapapansin na sila nalang pala ang nasa dance floor at pinapanood ng mga ito.
Naitakip tuloy ni Elish ang dalawang kamay sa mukha niya habang si Dean ay naririnig niyang tumatawa habang yakap-yakap siya.
Ito yata ang isa sa pinaka masayang nangyari sa buhay ni Elish, dahil sa pag amin nila ng nararamdaman nila ni Dean sa isat isa. Mas naging sweet ito sa kaniya, palaging nakayakap at holdings hand. Parang aliw na aliw pa ito kapag kinakantyawan ng mga kaibigan at kakilala.
Pero hindi yata matatapos ang party na ito na hindi siya umieksena si Diane. Lumapit ito sa kanila.
"Happy Birthday, Diane." Bati ni Elish sa babae.
"Thank you! Anyway.." binalingan ni Diane si Dean. "Pwede ko bang mahiram muna sandali ang girlfriend mo, Kuya?" Sabay matamis na ngumiti.
Nagdududang tinaasan ito ni Dean ng kilay. "At bakit naman? Hindi naman kayo close."
Diane rolled her eyes. "Duh.. ipapakilala ko sa ibang kamag anak natin 'no? Tska para nga maging close kami!"
Tinignan siya ni Dean na parang tinatanong siya kung okay lang ba sa kaniya. Gusto mapangiti ni Elish kasi parang nagkaroon na sila ng mutual understanding pagkatapos mag-aminan. Ngayon tipong tingin lang nagkakaintindihan na sila.
Tumango siya at tipid na ngumiti.
"I'll wait here okay?" Sabi ni Dean sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Ang OA, ah? Hindi naman 'yan mapapano." Mahinang bulong ni Diane kaya hindi ito narinig ni Dean. "We gotta go! Byeeee!"
Hinila na siya ni Diane. Kumakaway pa ito kay Dean hanggang mawala sa paningin nila ang lalaki.
"Bilisan mo nga ang paglalakad." Nagbago na ang tono nito, naging matalim.
Nilakihan nga ni Elish ang bawat hakbang halos madapa siya para makaagapay kay Diane. Huminto lang ito sa isang grupo ng kababaihan. Bumaling ang tingin ng mga ito sa kaniya.
"Hey, girls! I want you to meet, Elish!" Pakilala ni Diane sa kaniya.
Nagtaasan ang kilay ng mga babae. Nanunulis pa ang ngusong pinasadahan siya ng nanunuring tingin mula ulo hanggang.
"Elish who?" Maarteng tanong ng isa sa mga kaibigan ni Diane na kumikitang ang suot na diamond earrings at necklace.
"Garcia." Tugon ni Diane.
"Wala akong kilalang from the elites"
"Yeah me too." Nanunuyang sang-ayon ng isa pang babae kasing pula ng labi ang suot na stilettos. "Oppsy.. but I knew one pala.."
"Sino?" Baling ng mga babae dito.
"Yung driver at maid namin! It could be her parents!"
Nagtawanan ang mga brat. Na kaagad natigilan nang pumagitna si Diane.
"Of course, duh.. hindi niyo siya kilala. Galing kasi si Elish sa poor low class squatters area," sabat ni Diane na inakbayan pa siya't tinapik-tapik sa balikat na tila sinasabing 'kawawa ka naman girl'. "Pero hindi naman tayo judgemental right, girls? Isipin na lang natin na kabilang si Elish sa mga charities na tinutulungan natin and let's be good to her dahil girlfriend yan ni Kuya.."
"Really.. Sinong kuya? Si Dean?" Tanong ng isa pang chismosang kaibigan nito.
"Yes." Umiirap na sagot ni Diane.
"Gosh! Ganyang babae lang pala ang type ng kuya mong pinapantasya na namin noon pa, Diane! I cannot!"
"But, As if naman seseryosohin yan ni kuya! Look at her girls! Siya kasi yung tipong madaling mapasunod! And I'm sure pera lang ang habol nito kay kuya!"
Naningkit ang mga mata ni Elish. Kanina pa niya tinitiis ang mga pinagsasabi ng mga bruhang ito dahil ayaw niyang gumawa ng eksena. Ayaw niyang mapahiya si Dean at gusto niyang maging malapit kay Diane dahil kapatid ito ng lalaking gusto niya. Pero kapag ganitong tinatapakan na ang pagkatao niya na wala naman siyang ginagawang masama, hindi niya kayang manahimik na lang.
Lalong nagpuyos ang sa inis si Elish nang matanawan sa malayo si Viv na kausap si Dean. Parang luminaw ata ng sampung beses ang paningin niya't kitang-kita niya nang himas-himasin ni Viv sa braso si Dean!
Aba! Ang hitad na 'yon!
Nagsasalita pa si Diane nang tumayo si Elish.
"Where are you going, huh?" Awat nito sa braso niya. "I'm still talking to you, poor gold digger!"
Pumihit siya paharap at tinumbasan ang naniningkit nitong mata. "Ilang taon ka na nga ulit Diane? 22 right? Magkaedad lang tayo pero kung umasta ka daig mo pa ang isang teenager. You're insulting me, why? You don't even know me. Is that what growing up privileged does?" Humakbang siya't sinuri ito ng tingin mula ulo hanggang paa kung paano siya tinitigan ng mga ito kanina. "Oo nga't hindi ako katulad niyong mayaman sa material na bagay at galing sa kilalang pamilya. But you know what? Mas masahol pa sa squatters ang ugali mo at ng mga kaibigan mo. Naturingang may mga pinag-aralan kayo at lumaki sa maayos na pamilya. I pity all of you. Hindi niyo na alam ang makipagkapwa tao. And lastly, let Dean choose who he wants to be with! Problemahin mo yang sarili mo dahil sa attitude mo baka ikaw pa ang hindi makahanap ng jowa. Umakto ka sa tamang edad mo. Napaka mo immature. Konting breeding naman. Excuse me" Yun lang sabay alis at pinuntahan ang kinaroroonan ni Dean at Viv. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon na tignan ang reaction na mga bruha basta nasabi na niya ang gusto niya.
Habang naglalakad b***h face mode on na si Elish. Hindi na niya magawang ngitian ang mga nakakasalubong niya. Ang nagdidilim niyang paningin ay nakatuon kay Viv.
Isa pa 'tong makakatikim din sa kaniya.
Ilang hakbang ang layo niya nang makita siya ni Dean, ang ngiti nito ay nauwi sa ngiwi. Patuloy naman si Viv sa pagsasalita kahit alam naman nitong nandun na siya.
"Babe.." tumayo si Dean at inakbayan siya. Aktong yayayain na siya nitong umalis nang pigilan niya ang lalaki.
"Wait lang." Bumaling siya kay Viv. "May sasabihin lang ako sa babaeng 'to. Miss, para sabihin ko sa'yo boyfriend ko yang kanina mo pa nilalapirot at pinipisil-pisil sa braso. Konting respeto naman sa kapwa mo babae at konti delikadesa. Huwag mong ipagsisisikan ang sarili mo sa taong pagmamay-ari na ng iba, huwag kang desperada."
Pumihit na siya paharap kay Dean at kitang-kita niya ang gulat at pagkamangha sa anyo nito.
"What? If you want to stay here, I can go home alone—" hindi na niya naituloy ang sinasabi nang akbayan siya ni Dean.
"Tara na. Takot ko lang sa'yo." Natatawang bulong nito sa tainga niya sabay hinila na siya palayo.
Pagsakay nila sa kotse. Bumunghalit ng tawa si Elish.
"What's funny?" Tumatawa na ring tanong ni Dean.
Mangiyak-ngiyak si Elish katatawa na binalingan si Dean. "Alam mo ba unang beses ko magsalita ng ganoon." Tumigilid siya ng harap dito. "Unang beses kong lumaban sa mga bully! Unang beses kong maging fierce! And it feels so... great to stand up for myself."
"Natakot nga ako sa itsura mo nung papalapit ka na sa'min. Kung nakakamatay lang ang tingin. Patay na si Viv kanina" natatawang wika ng lalaki pagkatapos ay bumuntong hininga't ginagap ang kamay niya. "Im really sorry... kung hindi naging maganda ang pagtrato sa'yo ni Viv at Diane. Hayaan mo kakausapin ko sila at pagsasabihan"
"You dont have too. Hindi na tayo papakialaman nung dalawang yun. Lalo ng kapatid mo." ngiting ngiti siya ng sabihin yun.
Kunot noong tinitigan siya nito. Nagtataka ang mga tanong sa mga mata.
"Pinagsabihan ko na siya kanina.. 'Wag mo ng itanong kung ano," aniya't humalik sa pisngi ng lalaki.
Naguguluhan man ay ngumiti na rin si Dean at tumango. "Okay. Let me take you home."
Hinatid siya ni Dean hanggang sa tapat ng pintuan ng apartment niya. Pasado alas onse na kaya't kakaunti na lang ang tao sa kalsada.
"Thank you for this night, Dean. I've had so much fun."
"Thank you rin kasi walang dull moment kapag kasama kita." Ngumiti ito at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at unti-unti siyang hinalikan.
Ipinikit ni Elish ang mga mata. This time, his kissed was sweet and tender. Until he bit her lower and deepened their kiss.
Kaagad nagreact ang katawan ni Elish. Pinagsalikop niya ang mga bisig sa batok nito't tumugon at ginaya ang paraan ng paghalik.
Dean moaned before ending the kiss. "Babe..." he was panting. "Easy.. we shouldn't be kissing here. Baka may makakita sa'tin at bastusin ka pa. I wont allow it. "Anito't hinalikan ang tungki ng ilong niya.
Marahang bumuntong hininga si Elish. Gusto niyang hinahalikan siya ni Dean. But he's right.. nasa labas sila at mga tsismosa pa ang kapitbahay niya. Pero paano ba niya kasi pipigilan ang sariling maging agresibo tuwing hahalikan nito? Lahat ng naramdaman niya ngayon ay bago sa kanya.
Parang nabasa naman nito ang nasa isip niya.
"Yeah I know.. I know, Babe... believe or not.. everything was new to me too.."
"New? But you've been to a lot of dates before.. impossibleng walang kang hinalikan sa mga 'yon.."
"It's not about the kissing, Babe." Masuyong itong ngumiti. "What is new to me is the foreign emotion that I felt everytime we're kissing.. everytime you're near, everytime we're talking.. hindi ko kayang ipaliwanag sa ngayon. Pero isa lang ang sigurado ko.. sa'yo ko lang ito naramdaman."
"Oh, Dean..." humilig siya sa balikat ng lalaki. Ipinaloob naman siya nito sa bisig nito.
Nanatili silang magkayakap habang hinahalik-halikan ni Dean ang buhok niya. In his arms, she felt safe and secure.
Tumingala si Elish kay Dean. "Gusto kong mag-roadtrip. May alam akong beach. Okay lang ba sa'yo, hmm?"
Bumaba ang tingin nito sa kaniya at inilapat ang noo sa noo niya. "Kahit saan pa yan at gaano man kalayo yan. Sasamahan kita."
Magroroadtrip sila ni Dean! Another first time with him! But she was thinking to him another first.. bagay na kahit kelan ay di niya naibigay sa kahit na sino..