Chapter 7

1484 Words
"Sino siya?" Sabay tanong nila ng babaeng kasama ni Dean. Hindi malaman ni Elish kung bakit parang galit makatingin sa kaniya ang babaeng bagong dating! Kung nakamamatay lang ang tingin, malamang dumanak na ang dugo niya. Pero teka.. parang may kamukha ang babaeng ito.. Kunot ang noong pinagmamasdan ni Elish ang babae nang naiinis itong sitahin ni Dean sa masamang pagtitig sa kaniya. "Hey! Stop staring at her like that!" Hindi inaalis ang masamang tingin, humalukipkip ito at ipinadyak ang mga paa. "Why?! Saan mo na naman ba napulot ang babaeng ito? My gosh, Kuya! Hindi ka pa rin nagsasawa sa pakikipagfling, kapag nalaman to ni Mama—" "Shut up! Kuya mo ako kaya wag mo kong pagsasabihan ng ganyan! At ang dumi niyang utak mo. We're not doing anything wrong!" Nagulat si Elish at napagtantong magkahawig nga ang dalawa. "Whoa! Don't tell me walang nangyari sa inyong milagro?!" hindi nagpapatinag na malisyosang bumaba ang tingin ng babae kay Elish. Ibinaba naman ni Elish ang suot ang hem ng tshirt na suot niya. Sumilay ang nang-uuyam na ngiti ng babae sa ginawa niya. "Duh.. she looks like you two had a rough night!" Halatang nagtitimpi lang si Dean. Pero parang gusto na nitong sakalin ang intrimidang kapatid. "Its not of your business! Brat!" "Ako brat? Ikaw naman womanizer! Isusumbong kita kay Mommy!" "Shes my girlfriend okay?" Inis pa rin na sabi ni Dean. Subalit nang sumulyap ito sa kaniya'y bakas ang paglambot ng expression. "So, stop saying bad words about her, Diane!" Bumalik ang tigas sa anyo nito pagkatapos balingan uli ang kapatid. "GIRLFRIEND??? Ikaw kuya Dean?!" Tumawa ng malakas ang tinawag na Diane. "Ang funny mo talaga, Kuya! Haven't you told us.. you dont want commitment–" hindi nito naituloy ang nais sabihin dahil hinatak na ito ni Dean palabas ng kitchen. "I'll be back, babe. Just continue eating." Sungaw nito bago tuluyang lumabaa. Malakas na bumuntong hininga si Elish. Kahit nawalan na nang gana ay ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain. . . Tapos na siyang kumain at magligpit ng pinagkainan. Naririnig niyang pa ring nag-uusap ang magkapatid. Mukhang mahirap pakisamahan ang kapatid ni Dean. Hindi pa naman siya sanay nang sinusungitan at pinagsasalitaan ng hindi maganda. Kasi hindi man sila mayaman, pinalaki siya ng magulang na makitungo ng maayos sa kapwa. Pero ano pa bang iniisip niya? Anim na buwan.. anim na buwan na lang ang itatagal niya sa mundo. Nothing doesn't matter now. What matter is yung maranasan niya ang maging masaya, maranasan niya yung mga bagay na hindi pa niya nararanasan, maranasan niyang magmahal kahit alam naman niyang hindi siya seseryosohin ni Dean. Itsura pa lang kasi ng lalaki mukhang habulin talaga ito ng babae. Narinig rin naman niya kanina na womanizer ito.. But it doesnt matter. Ienjoy-in na lang niya ang kaunting panahon na panahon na kasama ito. Naisipan nang lumabas ni Elish sa living area. Anong oras na't kailangan niyang umuwi at magpadala ng pera sa pamilya sa probinsya. Wala pa rin sa plano niyang sabihin sa mga ito ang kaniyang lagay. Ayaw niya mag-aalala, lalo na mga magulat niya na matanda na. Baka atakihin pa ang nanay niya, na ayaw mangyari ni Elish. Isa pa, Gusto pa niyang makasama si Dean at gawin ang mga bagay na di pa niya nararanasan. Ang mga nasa bucketlist niya. Hindi naman siguro siya selfish kung isipin niya ngayon ang sarili, right? Nadatnan niyang nakaupo sa sofa ang magkapatid. Nagtatalo pa rin. Hindi sana siya mapapansin ng mga ito kung hindi siya biglang napadighay. "Excuse me" nakangiwing sabi niya. Okay na rin kaysa naman utot ang lumabas mas nakakahiya yun. Nilapitan siya ni Dean sabay hinaplos ang pisngi niya. "Tapos ka na kumain? Nabusog ka ba?" "Oo." Patango-tangong ngumiti si Elish. "Salamat, ah? Pero kailangan ko nang umuwi. Yung mga damit ko hindi ko alam kung nasaan." "Oh.. right! Sorry wait here kukunin ko," sabi nito sabay pinisil ang ilong niya bago tinungo ang laundry area. Naiwan sila ng kapatid nito sa salas. Sinusuri na naman siya nito, pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi pa nasayahan at lumapit pa sa kanya. "So? Ano ka ng kuya ko." Nameywang ito sa harapan niya. "To be honest, hindi ang katulad mo ang type ng kuya ko." Aray ko! Tagos-tagusan naman kung magsalita itong kapatid ni Dean. Alam naman nya yon, no need to shoved it to her face. "Ano? Pipi ka ba, huh?" Mataray na dugtong nito. Ang aktong pagsagot ni Elish ay natigilan sa biglang pagdating ni Dean. At nagulat siya nang hawakan ni Diane ang kamay niya sabay sabing "I'm Diane! And you're?" Ang tamis ng ngiti nito akala mo talagang friendly. Samantalang kanina titig pa lang nito nakakamatay na. Hindi tuloy niya alam kung anong ire-react sa kaplastikan nito. "Anong pinagsasabi mo kay Elish, ha?" Nagdududang tanong ni Dean sa kapatid. Inakbayan pa siya nito na tila pinoprotektahan. "Nothing nakikipagkaibigan nga ako, eh!" "Really.." nagdududang baling nito sa kapatid. "Parang wala sa personality mo, my dear sister." Umiirap na bumalik sa sofa si Diane. Pabagsak na umupo doo. "Whateve!" "Let's go.." naiiling na iginiya siya ni Dean papunta sa kwarto. Pagasara sa pintuan, iniabot nito sa kanya ang mga damit niyang maayos na nakatupi." "Pasensya ka na sa kapatid ko. Hindi ko alam na pupunta 'yan dito." Bumuntong hininga ito. Tila stress na stress na. Kunot pa ang noo. "It's okay.. ano ka ba." Marahan siyang tumawa at hinaplos ang braso nito. "Naiinitindihan ko.. o siya, magbibihis na muna ako. I really need to go home." "Ihahatid na kita.." "Paano yung kapatid mo?" "Aalis na din yan mamaya—" hindi nito naituloy ang sasabihin dahil kumakatok na sa pinto ang kapatid nito at tumatawag ng kuya. "Kahit kailan istorbo talaga" bubulong bulong na sabi ni Dean. "Sige na love mag ready ka na. Basta ihahatid kita, wait lang kakausapin ko lang yung istorbo." Bago ito lumabas ng kwarto ay nagnakaw pa ng halik sa kanya at kumindat. Tulalang napahawak nalang si Elish sa labi niya. . . Walang nagawa si Dean nang kulitin ng kapatid na si Diane na magpasamang bumili ng mga kakailanganin para sa birthday party nito. Hinatid na muna niya sa apartment si Elish. Para masamahan ang kontrabidang kapatid. Kahit naman spoiled brat ay mahal pa rin nila ito. Paghimpil ang sasakyan sa harapan ng apartment ng nasa tabi niyang si elish. Sumulyap siya sa rear view mirror upang bigyan ito ng warning look si Diane na nakaupo sa back seat. Knowing her sister, sigurado kasi siyang hindi niyo mapipigilan ang bibig na pintasan ang lugar. "Salamat sa paghatid, ah? Naabala ko pa tuloy kayo sa lakad niyo.." ani Elish. "Yeah, right!" Maarteng bulong ni Diane. "Anong sabi mo?" Kunot noong baling sa kapatid. "Wala.. sabi ko.. okay lang, sister in law ko naman na siya. Right, Elish?" Naiiling na tinulungan na lang ni Dean si Elish na inaalis ang seatbelt nito. "Hindi abala to, Babe. This is my responsibility as your boyfriend." . "Ewww, Kuya! kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" Hindi na naman napigilang sabat ni Diane sa likuran. Tinapunan lang ni Dean ng masamang tingin ang kapatid. At bumaba na para ihatid si Elish sa gate. Baka di niya mapigilan ang sarili't masakal na talaya niya ito. "Mag-ingat kayo. Salamat ulit.." "Ikaw mag-ingat dito. Lagi mong isarado ang pintuan at bintana. Mag-isa ka pa naman dito.." Tila may humaplos sa puso ni Elish. Ngumiti siya't tumango. "Don't worry about me. Sanay na ako dito sa lugar ko saka kilala na ako dito. No one will do me wrong here." "You sure?" "Yes. I'm safe here. Kung may mangyari man, which I doubt.. tatawag ako kaagad sa'yo" He softly caressed her face. Nagtitigan ang dalawa nang sumungaw si Diane sa bintana. . "Kuya! Lets go! Hindi kayo matutunaw sa pagtititigan niyo dyan," nagmamaktol na sigaw nito. "Diane! Isa! Namumuro ka na sa'kin!" babalang ganti ng lalaki. Gustong matawa ni Elish magkapatid. Parang aso't pusa. "Sige na umalis na kayo. Naiinip na yata siya." "I'll call you later, okay? Kapag wala na ang asungot na 'to." Hinalikan ulit ni Dean sa labi si Elish na tila ba normal na nilang ginagawa 'yon. "Aalis na kami." Namumula ang psinging tumango si Elish. Subalit Hindi pa nakakaalis ang sasakyan nang sumungaw ulit si Diane sa bintana. "You should to come my party, Elish!" "Hey! Anong sinasabi mo dyan?" Sita dito ni Dean. Tila wala namang narinig si Diane. "Aasahan kita sa birthday ko—" naputol na ang anu pa mang sinasabi ni Diane nang pindutin ni Dean ang button sa tabi nito't sumara ang bintana ng kapatid. Siyang baling naman niya kay Elish. "We gotta go, Love. I'll call you—" "See you on my birthday, Elish!!" Pahabol na sabi ni Diane bago tuluyang umalis ang sasakyan. Naiwang nakatanaw si Elish sa papalayong sasakyan. Ano kayang binabalak ng Diane na yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD