Namimigat ang mga matang dahan-dahan na dumilat si Elish. Hinilot niya ang kumikirot na sentido habang iniikot ang paningin sa paligid. Napasinghap siya kasabay nang pag-awang ng kaniyang labi.
This isn't her room! Nasaan siya?
Ang huling natatandaan niya kagabi ay niyaya niya si Dean sa dance floor. They danced and laughed all night. Niloko pa nga niya ang lalaki na daig pa si Chris Brown sa mga moves nito.
How the hell did she end up here?
Inilibot uli ni Elish ang paningin sa kwartong kinaroroonan niya. The room was filled with black and white furniture. Mula sa malaking kama na tila kakasya ang limang tao. Sa puting wooden study and side tables. At malaking flat screen TV sa gitna ng dingding. And Also the wall was painted with black matte finish.
Lumipat ang mga mata niya sa right side na bahagi ng kwarto kung nasaan ang isang tila maliit na silid na mukhang walk in closet. Sa left side naman niya'y ang natatakpan ng makapal na kurtina ang salamin na pader.
Nasa ganoong ayos si Elish nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Dean. Bumaba ang tingin nito sa kaniyang dibdib at mabilis na napaiwas ng tingin.
Noon lang napansin ni Elish na wala pala siyang suot na damit liban sa underwear niya. Namumula ang pisnging kinipkip niya ang kumot sa dibdib.
"A-Anong nangyari kagabi? Nasaan tayo? " tanong niya dito. Nakaupo siya sa kama habang nanatili naman ito kinatatayuan. Sumandal pa ito sa gilid ng pintuan, magkakrus ang mga bisig sa dibdib.
"Wala kang matandaan kahit konti?" tanong niting sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi.
Ohhhh gosh... ang gwapo!! Sigaw ng isip ni Elish.
Magulo ang buhok nitong mukhang kababangon at kagigising lang rin. He's wearing a white plain shirt and a dark blue... boxer! Tama boxer lang suot nitong pang-ibaba.. and his manhood was bulging on it. Ilang beses napalunok si Elish!
"Enjoying the view, huh?"
"Uy! Hindi ah!" Deffensive na sagot niya.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Pero pulang-pula ang mukha niya at hindi iyon nakaligtas kay Dean. Lalong lumawak ang ngiti nito na nauwi sa marahang pagtawa.
"Halika na kumain na muna tayo. For sure may hang over ka. Come," anito at lumabas na ng kwarto. Pero bumalik rin. "You can use my shirt, Babe. Inilagay ko sa marumi yung mga damit mo." kumindat pa ito bago tuluyang umalis.
Tulalang naiwang mag-isa si Elish.
What! Hinubaran niya ako! Malamang sino pa bang maghuhubad sa kaniya? Eh, mukhang si Dean lang ang naninirahan dito.
Shocks! Nakita na nito ang buong katawan niya!
But its all her fault! Sinagad niya ang pag-inom! Pasalamat na lang siya't di siya ginawan ni Dean ng masama.
Bumaba na sa kama si Elish at tinungo ang walk in closet. Malaki pa yata itong closet na to kumpara sa inuupahan niyang apartment or mas tamang sabihin na kwarto.
Kumuha siya ng isang puting tshirt at isinuot yon. It looks over sized on her. Umabot sa mid thighs niya ang hem ng damit. Enough to cover her underwear.
Paglabas niya ng silid, naabutan niyang nakaupo na sa dining si Dean. Humihigop ng kape habang nag-sscroll sa phone nito. Paglapit niya saktong napalingon ang lalaki sa kaniya. Kaagad itong ngumiti.
"Hey.. good morning!" Bati nito.
"Morning." Nag-aalangang bati ni Elish.
"Have a sit." Tumayo ito at pinaghila siya ng upuan saka tinungo ang kitchen counter. "What do you prefer in the morning? Coffee or mik?"
"Kape na lang.." nahihiya niyang sagot.
"Okay." Magiliw nitong sagot.
Habang abala si Dean sa ginagawa nito. Napansin ni Elish na nakahanda na ang pagkain sa lamesa. May sinangag, bacon, egg at hotdogs. May fresh payaya at pancakes. Ang dami! Pwede na niyang isang linggong pang-almusal ang mga nakahain eh. Pinaniwalaan ata talaga ni Dean nung sabihin niyang kain construction worker siya.
"Here's your coffee." Inilapag nito ang umuusok na tasa ng kape sa harapan niya saka bumalik sa pwesto nito. "How are you feeling?"
"Okay lang ako. Pasensya kana kagabi, ah? Hindi ko talaga matandaan kung anong mga nangyari. May mga konting imahe lang ang natatanda ko."
"So.. anong imahe ang naalala mo?" Kinuha nito ang kobyertos at nagsimulang kumain.
Napatitig na naman siya sa mga labi ni Dean.
Bat ganun? Pati simpleng pagnguya ng pagkain napaka-sexy pa rin niya tignan.
Uy! Elish umagang umaga tantanan mo yan!
Kahit mainit, humigop siya ng kape para mahimasmasan. "Actually.. pinakahuling naalala ko ay noong pumunta ako sa restroom. After that.. tagpi-tagping memorya na lang.."
"Oh.." patango-tangong anito.
Lumibot naman sandali ang tingin ni Elish. "Bahay mo ba 'to?
"Yes. I live here for almost 7 years."
"Alam mo naman kung saan apartment ko hindi ba? Sana hinatid mo nalang ako doon kagabi. Naabala pa tuloy kita." Laglag na balikat na sabi niya at bumuntong hininga.
"Tingin mo maiiwanan kita sa kalagayan mo kagabi? You almost passed out. Suka ka ng suka sa sasakyan. Pa'no kita maiiwan ng ganun? Tska wala akong tiwala sa environment ng apartment mo. Mamaya pasukin ka doon ng kung sino." Seryosong sabi nito sa kanya.
Lalo tuloy siyang nahiya. Kaya pala wala siyang damit. Nasukahan pala niya! Kainis!
"Yup. Pati nga buhok mo meron kagabi," kaswal na sabi nito na tila nabasa ang nasa isipan niya.
Parang gusto na niyang lumubog sa kinauupuan niya. "Pasensya ka na ang laking abala ko sa'yo"
"It's okay, Elish. I dont mind." He shrugged and smiled at her. "Pero.. wala ka bang ibang naalalang ginawa mo kagabi?"
Kumunot ang noo ni Elish. "Wala.. bakit may iba pa ba akong ginawa? Bukod sa.. sumuka?"
Ilang sandaling tinitigan pa siya nito bago umiling.
"Never mind. Sige tapusin mo na 'yang pagkain mo. Tuyo na siguro yung damit mo. Tanghali na din naman. Anong oras ko pa nilagay sa laundry yun."
Tumango si Elish at kumain. Pero napansin niyang hindi naman kumakain si Dean. Tahimik lang itong pinagmamasdan siya. Nailang tuloy siya at tiningala ito.
"Hindi ka ba kakain?"
Umiling ito. "I don't usually eat breakfast. Kape lang okay na ako."
"Bakit ang daming pagkain?"
"Naalala ko kasi sabi mo kulang sayo ang isang rice kaya madami akong niluto para mabusog ka," anito sabay ngiti.
Tila may humaplos sa puso ni Elish. Ganito kaya siya sa lahat ng naging GF niya?
"Oh, bat mo ako tinititigan ng ganyan?" He chuckled. "May masama ba sinabi ko?"
"Naisip ko lang kung ganyan ka rin kaya sa ibang naging girlfriens mo—" Natutop niya ang bibig subalit huli na para mabawi niya ang katanungan.
He leaned a little closer. Hindi nito inaalis ang titig sa kaniya. "Honestly, Elish.. I don't have a lot of patience when it comes to women except for my mom and only sister. Sa'yo ko lang ginawa ang mga ito. Went to a themed park, danced at a bar, brought a women here in my flat. Alam mo bang pinaliguan kita kagabi? Dahil nasukahan mo ang buhok mo. And damn.. hindi mo alam kung paano akong nagtimpi. Ayaw kitang pakialaman lalo na't lasing ka. And your sleeping like an angel. All I could do was stared at you.." Anito habang unti unting inilalapit ang mukha sa kanya.
Halos hindi makahinga si Elish. Ang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi siya makaapuhap ng mga salita.
"You're torturing me last night, Love," pabulong nitong sinabi. Hibla na lang ang layo ng mga labi nila.
Kaya naman nalalanghap na niya ang mabangong hininga nito. Ramdam ang init niyon. Their eyes lock. They stared at each as if the time stops. Until she felt his lips touched hers.
Ang lambot ng labi niya. Ang init. Ang sarap. Elish was about to open her mouth and welcome his seeking tongue when they both startled with the door bell.
Mabilis silang naglayo. Nagsasalubong naman ang kilay na tumayo si Dean.
"Istorbo. Ang aga-aga," Inis nitong bulong. "Wait here, babe," anito bago umalis.
Wala sa loob na tumango si Elish. Nang pumasok sa living area si Dean, napahawak siya kaniyang labi. Tila ba nararamdaman pa rin niya ang labi doon ni Dean!
Gusto niyang magtitili sa kilig! She got her first kissed! And his confession how he felt last night about her was overwhelming!
Grabe! Hindi niya iniexpect na magcoconfess siya ng ganun! Oh, my... inlove na rin ata siya sa kaniya?
Napalingon si Elish sa magandang babae pumasok sa dining area. Nasa likuran nito si Dean na tila pinipigilan ang babae.
Tumagilid ang ulo ni Elish. Sinamaan siya ng tingin nang babaeng bagong dating.
"Sino siya?!" Sabay na tanong nila kay Dean.