Kinabahang ibinangon ni Dean ang asawa at paulit-ulit na tinawag ang pangalan. Hanggang sa dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata.
"Hey.. Mister, youre early.." paos na usal nito't
isinubsob muli ang mukha sa dibdib niya.
Nakahinga ng maluwag si Dean. "God.. Elish. Tinakot mo ako," aniya't niyakap ito ng mahigpit. Ang bilis pa rin ng pintig nang puso niya.
Umangat ang ulo ni Elish at hinaplos ang mukha niya. "Tulog pa tayo.. Pinagod mo ako kagabi.."
Bahagyang nang ngumiti si Dean at hinaplos sa buhok ang asawa. "Go back to sleep. I'll prepare our breakfast."
.
.
Ilang araw na nanatili si Dean at Elish sa Santa Barbara. Sinusulit ang kanilang honeymoon bago sila bumalik sa Manila.
Naging maayos ang unang dalawang linggo matapos ang kasal ng dalawa ngunit ng mga sumunod na araw ay dumalas ang pag-atake ng sakit ni Elish.
Nagising si Dean ng madaling araw na umiiyak na naman sa sakit ng ulo ang asawa.
"Baby, calm down.. Calm down.." Pag-aalo niya. Sa ilang gabing na pag-atake ng sakit ni Elish natuto na Kumalma si Dean para mas malinaw ang ispian nya sa mga dapat gawin.
Pinainom niya ito ng gamot ngunit parang hindi umiiepekto.
"Its still hurts.. D-Dean.. Pleasse.." anitong pasabunot ang hawak sa buhok. Tila ba gusto na nitong iumpog ang ulo sa pader.
Huminga ng malalim si Dean, niyakap niya si Elish bago tinawagan ang doctor nito. He instructed him to take Elish to the ER.
Pakiramdam ni Dean may dumagan na mabigat na bagay sa dibdib niya nang malamang kelangan ng iadmit ang asawa sa ospital. Para kung ano man daw ang mangyari ay kumpleto sa medical equipment.
Wala sa sariling tinawagan niya ang pamilya at ni Elish upang sabihin sa mga ito na dapat ng iadmit ang babae.
Unang dumating ay sina Diane at Dave.
"K-Kuya.." nangingilid ang luhang tawag sa kaniya ni Diane.
"Kailangan daw siya i-admit. Kasi may mga komplikasyon na daw." Nakaupo si Dean sa labas ng silid ng asawa, sapo-sapo ng mga kamay ang mukha.
Tinapik ni Dave ang balikat ni Dean. "She will be alright, Dean," kalmadong wika nito.
"Sana nga.. I dont know what I'm gonna do without her, Kuya." Nanginginig ang tinig na sabi ni Dean habang marahas na umiiling.
Lumapit si Diane sa kanya at niyakap siya ng kapatid na umiiyak rin
.
.
HALOS hindi na umuuwi si Dean ng ma-ospital ang asawang si Elish. Ayaw niyang umuwi, ayaw niya itong iwan kahit pa may papalit naman na magbabantay, kahit mahirap matulog sa ospital ay kinakaya niya, kahit puyat at pagod siya dahil natatakot siyang baka pagbalik niya ay— wala na ito.
Halos hindi na nila makausap si Elish dahil madalas na itong naka-oxygen. Hirap na kasing huminga ang babae. Pero kapag kinakausap niya ito ay pinipisil nito ang mga kamay niya.
Sobrang sakit na makita sa ganoong kalagayan si Elish. Ilang doctor na ang napuntahan nila simula ng magsama sila at pare parehas lang ng sinasabi. Tuwing sasabihin ng mga doctor na wala ng pag-asa. Huli na ang lahat. Pakiramdam ni Dean unti unti na rin siyang pinapatay..
Nakanguyngoy si Dean sa kama ng babae at hawak ang kamay nito ng dumating ang doctor.
"Dean.." tawag ng doctor sa kanya. "It's better na iuwi mo na lang ang asawa mo para makapagpahinga siya.." Malungkot na wika ng doctor. Kasama nitong pumasok si Diane kaya nakita niyang tumulo kaagad ang luha ng mga kapatid.
Napatayo si Dean at seryosong napatingin sa doctor. "Mananatili kami dito. Hindi ba't sinabi ninyong gagawin niyo ang lahat?"
"Yes. Pero hindi na kakayanin ng asawa mo ang chemotherapy. She's too weak.. just take her home. Ibigay na ninyo lahat ng gustuhin niya.." tila may pahiwatig na sabi ng doctor.
Umigting ang panga ni Dean, namuo ang luha sa sulok ng mata. His heart was hammering inside his chest.
Napakadaling sabihin sa mga ito na wala nang pag-asa! Na iuwi na niya si Elish. Putangina! Hindi niya kayang sukuan si Elish! Kung gagawin niya 'yon parang pinatay na rin niya ang sarili.
"Lumalaban ang asawa ko! Gawin niyo ang lahat! Kaya kong magbayad kahit magkano!" Galit na wika ni Dean, hindi na niya nacontrol ang sarili .
"K-kuya..." awat sa kanya ni Diane.
"No, Diane! Walang kwenta ang ospital na 'to! Wala! Wag niyong sasabihin sa'kin na wala nang pag asa si Elish! Dahil hindi niyo alam sa pakiramdam yun dito!" Sabay turo sa dibdib niya. Namumula sa galit ang mukha niya at nangingilid ang mga luha.
"Im sorry, Mr. Monteverde." Umiiling na tinapik siya ng doctor saka lumabas ng silid.
Napaupo si Dean sa silya na katabi ng kama ni Elish, sapo ang mukha at tahimik na umiiyak habang si Diane ay tahimik rin na umiiyak sa tabi niya
Mayamaya ay naramdaman niya ang marahang paggalaw ng kamay ni Elish. Hinaplos nito ang buhok niya.
Napalingon ang luhaang si Dean sa asawa at agad itong dinaluhan.
"Why, babe? M-May masakit ba sa'yo?" Garalgal na boses niya.
Itinuro ni Elish ang oxygen na nakakabit sa bibig nito. Inalis iyon ni Dean upang makapagsalita ang babae.
"P-Pagod na ako, Dean.. uwi na tayo.." mahinang boses na sabi nito.
Hinaplos niya ang buhok nito't tinitigan na nangingislap ang luha sa mata.
He forced a smile, nodding. "Oo, uuwi na tayo.. uuwi na tayo, mahal ko."
.
.
Ilang araw ng makauwi sila. Mahirap man ang sitwasyon kinakaya nilang dalawa. Sinasamahan na sila ng magulang ni Elish at ni Diane para kung may kailangan ang dalaga marami silang tutulong dito. O baka lahat sila ay natatakot na maaring iyon na ang huling araw na makasama si Elish?
LKaya kung anong makakapagpasaya dito ay ginagawa nila.
"Dean.. pumunta tayo sa beach kung saan tayo nag-roadtrip dati. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin, maamoy ang dagat at pumunta sa malayong lugar."
Nagkatinginan silang lahat na naroon sa silid. Lumabas si Diane, alam niyang iiyak na naman ito. Habang ang ina ni Elish ay tahimik na lumuluha. As much as possible ayaw nilang magpakita ng kahinaan sa dalaga. Ayaw nilang mag-aalala ito sa kanila. Kaya lahat ng sakit kinikimkim nila tuwing nasa harapan nito. Tumango naman ang ama ni Elish sa kanya na tila
sinasabing gawin nito ang gusto ng asawa.
"Sige, pupunta tayo.." At hinaplos ito sa pisngi.
.
.
Maaga silang umalis ng bahay. Pero may iba nang pakiramdam si Dean ng araw na iyon na pilit inaalis sa sistema niya. Bago sila umalis lahat ng pamilya niya ay nandun pati ang pamilya ni Elish na kapwa nag paalam sa babae.
"Elish.." anya ni Diane habang nakayakap sa babae. "Mag enjoy ka ah! Pasalubong ko. Mamimiss kita" nakita ni Dean na tumulo ang luha ng kapatid pag kalas kay Elish at mabilis iyon na pinahid.
"Oo mag eenjoy ako. Salamat Diane sa maikling panahon naging kapatid kita. Mamimiss din kita.." mahinang wika ng babae.
Muli itong niyakap ni Diane. Nakatitig lang si Dean habang isa-isang nagpapaalam ang lahat kay Elish.
Nang nasa byahe na sila. Napatingin siya sa asawa. Parang may sumipa sa dibdib niya ng maalala ang huling beses na nagpunta sila doon kung saan napaka saya ng babae. Na parang batang lahat ng makita ay tinuturo sa kanya. Walang oras na tumigil sa pagsasalita. Ngayon napaka tahimik nito nakatingin sa kawalan. At dinadama ang hangin.
"Dean.. Salamat pumayag ka sa hiling ko.. hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya.."
Namumutla na si Elish at palaging may suot na balabal dahil mabilis na itong lamigin. Bumagsak na rin ang katawan. Hindi malaman ni Dean kung paano siya naka-survive sa araw-araw na makita itong ganoon. Halos araw-araw siyang tinotorture sa kalagayan ng asawa dahil wala siyang magawa. Hindi niya mabawasan ang sakit na nararamdaman nito.
"Kung saan ka masaya, babe.. iyon ang makakapagpasaya sa'kin." Masuyo niyang hinawakan ang kamay nito.
"Mahal na mahal kita, Dean." She suddenly said. "Palagi mong tatandaan yan.. S-Sorry kung.. bilang asawa mo, hindi kita napagsilbihihan, hindi kita nabigyan ng anak. At hindi kita masasamahan ng matagal.."
"No.. Don't say that Elish, Masaya akong pinagsisilbihan kita. Masaya ako sa bawat araw na magkasama tayo. Hindi na nagmamatter sa'kin kung may anak man tayo o wala. At kung... kung hindi mo ako masasahan ng matagal.. Mananatili ka sa puso ko. At walang papalit sa pwesto mo dito" Hindi napigilan ni Dean ang gumaragal ang boses at mamasa ang mga mata.
"Dean... gusto kong mag-mahal ka pa rin ng iba kapag wala na ako.. You deserve to be happy. I know someone will love you.. the way I loved you. Ipakita mo kung paano ka magmahal sa kung sino man ang darating para sa'yo. Ayokong maging hadlang ako sa magiging kaligayahan mo sa hinaharap."
"No. No.. Elish. Wala na akong mahahalin na katulad ng pagmamahal ko sa'yo. I'll be fine kahit mag isa ako.. Madami akong mababalikan na masasayang ala-ala natin."
"Huwag, Dean.. hindi ako magiging masaya kung mabubuhay ka nalang sa ala-ala ko. Hindi ako magiging masaya na mag-isa ka... kaya nakikiusap ako sa'yo... Maging matatag ka, maging matapang ka na magmahal ulit. Karapatan mong lumigaya ng wala ako. Mangako ka, Dean.. pakiusap." tuloy tuloy ang agos ng luha sa mata nito.
"I'll be fine, Elish.. I'll be fine.. dont worry about me.."
Hindi na muling sumagot ang dalaga hanggang sa makarating sila sa beach.
Nang ilinga ni Dean ang patingin sa paligid– napakalungkot. Hindi tulad no'ng unang beses silang magpunta dito. Tila nawala ang tingkad ng paligid, tila ba naging itim at puti.
Inilagay ni Dean ang mga gamit nila sa cottage saka sila lumabas ni Elish. Tamang-tama.. papalubog na ang araw.
Naglatag siya ng blanket sa buhanginan at naupo sila roon. Nakasandig sa kanya si Elish. Nakayakap naman siya rito. Nakatanaw sila sa papalubog na araw.
Bumaling siya kay Elish nang maramdaman ang marahang pagpisil nito sa kamay niya.
"Naalala ko nung una tayong magpunta dito. Binola mo ako na.. mas maganda ako sa sunset. Do I still look beautiful to you, Dean?"
Magaan niya itong hinalikan sa buhok. "Yes of course, Elish. At hinding-hindi magbabago yun sa paningin ko.. kahit kailan.."
Lumipas ang ilang sandali. Tanging ang hampas ng alon sa baybayin ang maririnig. Ang bigat ng pakiramdam ni Dean, hindi siya makahinga sa hindi mapaliwanag na kalungkutan ng mga oras na iyon.
"Dean, kapag wala na ako.. palaging kang mag-iingat, ha? Aalagaan mo ang sarili mo. Sila nanay dalawin mo paminsan-minsan kasi matatanda na sila. Wala ng ibang titingin sa kanila" Anito't humilig pang lalo sa dibdib niya.
Huminga ng malalim si Dean upang hamigin ang sarili mula sa ibat ibang emosyon na lumulukob sa kaniya. Breathing became hard for him to do. Parang may pumipisil sa puso niya.
"Huwag mo sabihin yan.. Sabay tayong dadalaw kela nanay pag umuwi na sila diba?" At mas humigpit ang yakap niya sa babae.
"I'm tired, Dean.. My body's giving up.."
"Don't say that, Babe.. please.. don't say that.."
"D-Dean.. just always know that I love you so much.. you're the one only man that I will love. Alam ko hindi na ako magtatagal and that's okay.. dahil yung maikling journey ko kasama ka ay babaunin ko hanggang sa kabilang buhay.. salamat.. sa lahat ng ginawa mo para sa'kin.. Sa pagiging ilaw sa madilim kong mundo. Sa pagiging lakas ko. At sa pagiging tanging pag-asa ko. I will tell you for the last time.. thank you for being my guardian angel, my savior, my knight in shining armor and my forever first love.."
Nanatiling walang kibo si Dean. Hilam sa luha ang mga mata. Pakiramdam niya'y nagpapaalam na Elish sa kanya. Hindi niya alam kung kakayanin ba niya. Ngayon palang.. pakiramdam niya.. kasamang mamatay ni Elish ang buong pagkatao niya.
"E-Elish.." his voice broke. "I love you.. I love you.. kulang ang salitang mahal kita para masabi ko sa'yo ang nararamdaman ko. I will never ever get tried of you telling you.. you're my world." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.
"Mangako ka, Dean.. mangako kang magmamahal ka ulit ng iba kapag wala na ako.." gumaralgal na ang boses nito, nahihirapang huminga.
Marahas na umiling si Dean. "H-Hindi.."
"It's my last.. wish.."
"Tangina, Elish.. hilingin mo na ang lahat huwag lang 'yon.. hindi ko kaya. Hindi ko nakikita ang sa sariling ko hindi ikaw ang kasama ko. So, please.. s-stop."
Umaagos ang luhang tumingala ito sa kaniya.
"Please, Dean.. gusto kong sumaya ka. Magkaroon ng sariling pamilya, magkaanak na hindi ko naibigay. Yung mga bagay na pinagkait sa"yo ng sakit ko.. gusto kong gawin mo sa ibang tao.."
"No.. I can't do that.. I wont.. Ikaw lang ang gusto ko Elish ikaw lang.. Ikaw lang ang kaya kong mahalin ng higit pa sa sarili ko.. ikaw lang.."
"Please Dean, just promise me.. please.." nahihirapan ng sabi ng babae.
He knew.. she was just waiting for him to let go.
Niyakap niya ito ng mahigpit. Ayaw niyang bumitiw. Ayaw niyang pakawalan ang kaisa-isang babaeng minahal niya.
"Dean.. Nakikiusap ako.. Mangako ka.. pakiusap.."
Dahil sa nakikitang paghihirap ni Elish. Kahit masakit at ayaw lumabas sa bibig ni Dean ang salitang pangako..
Niyakap niya ito at hinalikan sa buhok saka sinabing..
"Pangako, Elish.." mamahalin kita habang buhay.
Isang mahigpit na pagpisil sa kaniyang kamay, unti-unti iyong lumuwag hanggang sa tuluyan ng bumitiw si Elish.
Umalog ang mga balikat ni Dean, humagulhol siya habang yakap ang walang buhay na si Elish.
Gusto niyang magwala, magsisigaw magalit sa diyos! Pero walang namutawi sa kaniyang bibig.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan. Patuloy ang umaagos ang luha sa magkabilang pisngi. Bumalik sa ala-ala niya ang unang beses na lapitan siya ni Elish, ang masayang ngiti nito, ang malutong na halakhak, ang masuyong titig. Simula sa umpisa hanggang sa huling sandali ng buhay nito.
The pain is unbearable. Pakiramdam niya wala ng katapusan ang sakit nararamdaman niya. Walang katumbas na sakit.
"NOOOO!" Sigaw niya habang yakap pa din ang babae. "Uuwi pa tayo Elish.. wake up please dont do this to me.. please! I dont know what im gonna do without you.. babe...babe..." Naghihinagpis na wika niya habang hinahaplos sa mukha ang babae.
.
.
Napakabagal ng paglipas ng bawat oras simula ng mawala si Elish sa buhay ni Dean. Nalulong siya sa alak, upang na makalimot at mamamhid ang sakit na nararamdaman. Pero hindi. Tuwing uuwi siya at ipipikit ang mga mata, ang nakangiting mukha ng asawa niya ang nakikita ni Dean.
He felt lost, alone, empty and incomplete. Wala na bang katapusan ang sakit?
"Dean, anak ano bang nangyayari sa'yo?" Ang umiiyak na ina ang namulatan ni Dean ng umagang iyon.
Naabutan siya nitong nasa salas at may katabing mga bote ng alak. Madumi at makalat ang condo niya. Halos hindi na rin siya nakakapag-ahit ng balbas. Nawalan na siya ng pakialam sa sarili.
Hindi siya umimik blangkong nakatingin lang sa ina.
"Tingin mo ba matutuwa si Elish sa ginagawa mo kung nandito siya? Parang pinapatay mo na ang sarili mo Dea!" patuloy sa pag-iyak ang kanyang ina.
Pumatak ang masaganang luha sa mata niya nang hindi namamalayan ni Dean.
"Gusto ko ng mamatay, Ma. Gusto nang matapos na tong sakit na nararamdaman ko dito." Sabay turo sa dibdib.
"Anak, wag mong sabihin yan.. Marami pang dahilan para mabuhay.." hinaplos ng ina ang mukha niya na namamasa na din ng luha.
"Tuwing pipikit ako nakikita ko ang mukha niya.. Miss na miss ko na si Elish, Ma. Sobra.. This pain is too much.." Umalog ang mga balikat niya't sinapo ng mga kamay ang mukha.
"Anak.. things will get better.. I know. Hindi man sa ngayon darating ang panahon... Makakayanan mo rin na wala siya. Elish will be happy kung.. babangon ka at magpapakatatag," wika ng ina at niyakap siya ng mahigpit.
Gumanti siya ng yakap sa ina at iniyak lahat ng sakit.
.
.
AFTER 2 YEARS.
Hindi pa din nawawala ang sakit na dinadala ni Dean pero kahit paano ay nabawasan na. Napanaginipan niya si Elish. Sinabi nitong bumangon siya magpakatatag dahil nasasaktan itong makita siyang ganoon. Sa panaginip niya parang isang fairy na ang asawa. At nangako itong magkikita sila at magsasama muling sa kung saan wala ng sakit na hahadlang sa pagmamahalan nila.
Nagising siya noong basang-basa ng luha ang mga mata. Doon siya nagsimulang bumangon muli. Nangako siya kay Elish na babangon siya't hihintayin ang muli nilang pagkikita.
Elish will forever his first loved.
Miracles do happen sometimes pero hindi sa istorya nila ni Elish. Siguro nga talagang oras na rij ni Elish, na kahit anong milagro ay hindi na ito nailigtas. Pero sabi nga ng asawa niya, mawawala ito pero hindi ang masasayang ala-ala nila. Those memories will stay with him forever.
Itinuloy ni Dean ang europian trip na bigay ng ina na sana ay pang honeymoon nila ni Elish. Masakit na hindi niya kasama ang dalaga. Pero gusto niyang subukan muling mamuhay ng normal.
Pumasok siya sa isang lumang simbahan na tinatawag na Basilica de Santa Maria sa Rome, Italy— unang destinasyon niya nang dumating sa Italy.
Tumungo sa harapan ng altar si Dean. Pikit ang matang pinagdasal niya na sana lagi siyang gabayan ng asawa pati ang mga mahal nito sa buhay, when someone with soft voice spoke to him.
"Did you lost someone you love?" Anang boses babae.
Assuming it was him she was asking, tumango si Dean, nanatiling nakapikit.
"I lost someone I love too.."
Napalingon siya sa babae. Nakaside-view ito sa kanya. Kahit hindi masyadong makita ang mukha nito—napansin niya ang mga mata nitong puno ng kalungkutan.
Bigla itong lumingon sa kanya. Nagtagpo ang paningin nila. Ilang sandaling nakatitig sila sa isa't isa. Her hair straight brownish hair, foxy eyes.. fair complexion... she looks exactly like..
"Elise, let's go!" Anang boses babae.
Nagbawi ito ng tingin sa kaniya saka walang paalam na tumalikod at naglakad palayo.
Wala na sa harapan niya ang babae. Tulala pa rin si Dean, nang habulin niya ito ng tingin ang dulo na lamang ng buhok nito ang nakita niya bago ito tuluyang makalabas ng simbahan.
Naiiling na bumuntong hininga si Dean at ipinagpatuloy ang naudlot na pagdadasal.
THE END.
Death leaves a heartache no one can heal, Love leaves a memory no one can steal.
.
.
Author's Note:
Writing this story broke my heart into pieces. I've never lost someone close to me, and I can't even imagine losing someone so dearly to me. That is why this story taught me alot. Dean and Elish, taught me that we should not take for granted the small things in life. Never take for granted the people around you. Life is too short, in a snap.. we might lose them. So, while you can.. tell them how much they mean to you..
Maikli man ang istorya ito sana ay may napulot kayong munting aral.
Thank you for reading!
Watch out for my upcoming stories!
-Feisty Friday
-Seducing The Exotic Island Girl.