Chapter 16

1919 Words
AN: Last chapter na po ang susunod. Sana naman huwag po kayong masyadong demanding sa update dahil iniedit ko muna ito bago i-update. Konting pang-unawa naman po. Uulitin ko, This story is for FREE. Hindi siya maglo-lock. Enjoy reading and stay safe! . . WEDDING DAY Simple lang ang gustong kasal ni Elish at Dean. Basta kumpleto ang malalapit na kaibigan at pamilya nila. Masaya na sila. Isang garden wedding ang napili nila. Bata pa raw kasi ang dalaga ay pangarap na nitong makasal na napapaligiran ng mga bulaklak at puno. Sa Santa Barbara Hotel and Garden ginanap ang venue ng kasal nang dalawa. It was a beautiful and perfect day for the couple. Nalalatagan ng puting carpet at pink petals ng daisies ang lalakaran ng bride. Sa dulo ng aisle ay ang arkong gawa sa pinagsama-samang white and pink roses. Humalimuyak ang flowery scent na dinadala ng hangin. "Kuya?" Sumungaw si Diane sa loob ng suite kung saan kasama ni Dean ang ibang kapatid na lalaki. They're all wearing an american. Puti ang nga lang ang sa kaniya at krema sa mga kapatid. "Si Elish nasaan?" Kabadong tanong niya, inaayos ang relo sa kaliwang bisig. Tumatawang pumasok si Diane, she's wearing a pink satin off shoulder long gown. Her hair was in a bun with small flowers around it. "Huwag kang masyadong kabahan, Kuya, halatang halata sa mukha mo!" Hindi maintindihan ni Dean ang sarili kanina pa siya ninenerbyos. Sabi nila ganito raw talaga ang pakiramdam ng ikakasal. Magkahalong kaba at tuwa? "But don't you worry. Hindi tatakbo ang bride mo. Actually I came just to give you this." Ibinigay nito ang isang maliit na note sa kaniya. "Pinapaabot ng bride." Binuksan iyon ni Dean at binasa. "I wish I could explain your eyes, And how the sound of your voice gives me butterflies, How your smile makes my heart skip a beat, and how every time im with you, I feel so complete." I love you, my love see you later! Elish. Napangiti si Dean sa pinadalang mensahe ng dalaga. "Hala, Si kuya kinikilig!" Pang-aasar ni Diane. "I help her with that!" Pagyayabang pa nito. "Kanina pa 'yan hindu mapakali. Palakad-lakad pabalik balik. Kabado" pambubuking ng bunsong kapatid na si Damien, inaayos ang kurbata. "Naku, tigilan niya ang Kuya niyo." Napalingon sila sa bagong dating. Ang kanilang inang si Dorothy Monteverde. "Mom.." bahagyang yumuko si Dean upang halikan ang ina sa pisngi. "Dean, anak.." niyakap siya nito't tinapik-tapik sa likuran. "Ikakasal ka na, anak. Matutupad na ang pangarap ko. But made me so happy.. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang saya." Tiningala ni Dorothy ang anak at pinagmasdan itong maluha-luha pa ang mga mata. "Hindi mo alam kung gaano ako ka proud sa'yo. You're maybe a womanizer.. but love changed you.. You deserved each other Dean dahil parehas kayong may busilak na puso ni Elish. I love you anak. Goodluck and congratulation sa bagong chapter ng buhay mo." Sabay inabot ang isang sobre. "Regalo ko sa inyo ni Elish" Binuksan iyon ni Dean. It was a european trip. All expenses paid. "Para sa honey moon niyo." Her mom said, smiling. Sumingit bigla ang kapatid na si Dexter. "Imposible namang hindi pa nakapag-honey moon ang dalawa na yan sa condo ni kuya, Mom. Tsk. Tsk. Si kuya pa ba..." "Dexter." Saway ni Dorothy sa isa pang anak. Sinamaan naman ni Dean ng tingin ang kapatid. Itinaas nito ang dalawang kamay sabay kibit balikat. "Ma, gustuhin naming umalis, alam mo naman ang kalagayan ni Elish. Mahirap na siyang ibyahe pero salamat pa rin, Mom. I love you." Anya't niyakap ang ina. Hinaplos nito ang mukha niya't inayos ang kwelyo ng kaniyang suit. . . Nakaparada ang sasakyan sa tagilirang bahagi ng hotel. Nakalulan si Elish ang mga magulang niya doon. Her heart was beating so fast! Parang lalabas na 'yon sa kaniyang dibdib. Ganito ba talaga ang ikakasal? Magkahalong excitement at nerbiyos ang nararamdaman? "Anak, napakaganda mo" anang ina ni Elish. Ginagap nito ang kamay niya. "Maswerte ka dahil mabait ang mapapangasawa mo. Kitang-kita kong na mahal na mahal ka niya." "Opo nay.. sobrang swerte ko. Mabait pa rin ang diyos sa'kin dahil sa huling mga araw ko, may babaunin akong masasayang ala-ala. Naranasan kong magmahal at tugunin ang pagmamahal na 'yon." Narinig niya ang paghikbi ng ina, nanatili namang tahimik ang ama subalit ramdam niya ang presensya nito. "Nay, huwag na kayong umiyak masisira ang make-up niyo niyan sige kayo." Nagyakap silang mag ina. "Mahal na mahal ka namin anak, Elish. Palagi mong tatandaan 'yan" wika ng kaniyang ama. Huminga nang malalim si Elish upang pigilan ang namumuong luha sa mata. "Mahal na mahal ko rin po kayo.." Niyakap siya ng kaniyang ama at ina bago bumaba ang mga ito ng sasakyan, sumunod si Elish na inalalayan ng kaniyang ama. Habang naglalakad sila'y lalong bumilis ang pagtibok puso dahil sa antisipansyon. . . I found a love for me Oh darling, just dive right in and follow my lead Well, I found a girl, beautiful and sweet Oh, I never knew you were the someone waiting for me 'Cause we were just kids when we fell in love Not knowing what it was I will not give you up this time But darling, just kiss me slow, your heart is all I own And in your eyes, you're holding mine Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms The moment Dean saw Elish walking down the aisle. He can't supress the tear started pooling at the corner of his eyes. She's really beautiful. Tinatangay ng mahinang hangin ang simpleng satin gown na suot nito. Ang buhok ay napapalilibutan ng maliliit na bulaklak. Lalo nakadagdag sa emosyon niya ang kantang tumutugtog habang naglalakad si Elish. Huminga ng malalim si Dean dahil kung di niya gagawin yun. Maiiyak talaga siya. "She's beautiful.." tapik sa kaniya ng kapatid na si Dave. Wala sa sariling tumango si Dean, ang mata ay nanatili kay Elish. Nang huminto sa harapan niya ang babae. Kinuha niya ang kamay nito at binulungan. "You're the most beautiful bride that I laid my eyes on," masuyong bulong nito. "Hindi man kita nakikita, Dean. Alam ko ikaw ang pinakagwapong groom." at hinaplos nito ang pisngi niya. Dinala ni Dean si Elish sa altar. At nagsimula na ang serimonyas ng kasal. Sa pagbibigay ng vow, pumihit sila sa isa't isa. Hinawakan ni Dean ang mga kamay ni Elish. Pinuno ng hangin ang dibdib saka diretso tiningnan sa mga mata si Elish, kahit pa hindi siya nito nakikita. "Elish, I want you know that you've made the happiest man today. I couldn't thank god enough for bringing you to my life. Your existence made me think what did I do in my past to be this lucky.. Elish, you're my sweetest downfall, Elish. You're my strenght and also my weakness.. and lastly, you're my forever. T-Thank you for loving me.." his voice broke. "Even if I don't deserve that love so pure. I love you Elish, I promise that I will take care of you. I will stay until the end. I promise that I will spend the rest of my life with you.." aniya't magaan siyang hinalikan sa mga labi. Nag-unahang pumatak ang luha sa mata ni Elish. "Dean, Alam mo bang nagpapasalamat ako na nagkasakit ako, dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na gusto ko. Nagkaroon ako ng lakas ng loob na lumapit sa isang estranghero para tanungin kung pwede ko ba siyang maging boyfriend," ani Elish na bahagyang tumawa saka matamis na ngumiti at tiningala si Dean na tila nakikita nito. "And It was you. Siguro tadhana na makilala kita, tadhana na mahalin kita bago ako mawala, tadhana na baguhin natin ang pananaw ng isat isa in a good way. Noon lagi akong nag-rarant sa buhay ko na walang pagbabago... Pero no'ng makilala kita naisip ko ang dami ko pa lang na-missed out sa buhay ko nung mga panahong nag-iisa ako. Salamat, Dean, ha? At the lowest point of my life nakilala kita. You saved me from my insanity. You saved me from my loneliness and emptiness. You're my guardian angel... my knight in shining armor. Kung mawala man ako at mabuhay ulit... wala akong papalitan o babaguhin, because this journey wouldn't be the same without you. This journey with you is the best thing that happened in my life... yung sandaling panahon na nakasama kita sapat na para mabuo ako. I love you Dean, my angel..." "By the power vested in me I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Kinulong ni Dean ang mukha ni Elish sa mga kamay nito saka masuyong hinalikan ang babae sa labi. Naghiyawan sa tuwa ang mga tao at isa isang nilapitan sila para magpapicture at icongratulate. Doon na rin ginanap ang reception ng bagong kasal. Walang pagsidlan ang saya ng dalawa. They are a picture of a happy couple. Walang pinoproblema. Walang pinagdadaanan ang mababakas lang sa mga mukha ay ang umaapaw na pagmahahal sa isat isa. Doon na din tumuloy ang mag-asawa at ilang bisita sa hotel. Dahil malayo ang byahe pa maynila anong oras na natapos ang kasal at gagabihin sa daan ang mga bisita. Lihim na napangiti si Elish pagpasok sa kanilang hotel room. Ito ang unang gabi na mag-asawa na sila ni Deah. Although nagsasama naman na sila, but this night is special. Naalala niya bigla ang regalo ni Diane sa kanya. Nang tanungin niya kung ano iyon, isang Itim na see through na lingerie daw. Gusto niyang matawa. Mamatay nalang siya nakukuha niya pang humarot. Pero hindi ba dapat na sulitin na niya kasama ang asawa. "Hey.. Misis, what are you thinking, hmmm?" Bigla siyang niyakap ni Dean mula sa likuran, hinalikan siya sa balikat. Kinilig siya sa tawag nito sa kanya. "Wala, Mister. Iniisip ko kung anong posisyon pa ba ang hindi natin nagagawa." Huli na para mabawi ni Elish ang nasabi niya. Narinig niyang tumatawa ang asawa at unti unting ibinababa ang zipper ng wedding gown niya habang hinahalikan siya sa leeg pababa sa balikat. "Biro lang yun, oy! Baka maniwala ka.." nag-iinit ang pisnging usal ni Elish. Tinatablan na sa ginagawa ni Dean. "Hmm.. let's take a bath together.." sabi nito sabay binuhat siya papunta sa restroom. "Adventurous, ah? Sa banyo pa gusto.." Hindi napigilang wika ni Elish at ikinawit sa batok ng asawa ang mga kamay. Buhat buhat siya ng binata na parang isang prinsesa, ingat na ingat. "Oo sa bath tub. Para may tubig, para mas masarap." Alam niyang nakangisi ng nakakaloko ang asawa kinapa niya kasi ng mukha nito. "Ang pilyo mo, Mister," she giggled. "Sa'yo lang, Misis," he said huskily, putting her down in the bathtub, undressing her. . . The next Elish knew.. she was in a blissful pleasure with him. . . Ang maamong mukha ni Elish ang namulatan ng mga mata ni Dean. Ilang sandali niya itong pinagmasdan, nangingiti pa siya bago niyakap ang asawa. Kapwa pa sila walang saplot. They made love all night. "Good morning, Love. What breakfast do you want, hmmm?" Nanatiling hindi sumasagot ang asawa. Hinawi ni Dean ang buhok na bahagyan tumabing sa mukha nito. "Elish..." bahagya na niyang niyugyog ang balikat ng asawa. Still no response. Bumalot na ang kaba sa puso ni Dean. Bumalikwas siya ng bangon at ikinulong sa bisig ang asawang walang malay. "Babe.. Wake up.. Babe!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD