MABILIS na limang buwan ang lumipas mula ng magkilala sila ni Dean at magsama sa iisang bubong. Ang laki ng mga pagbabago sa buhay ni Elish. Pakiramdam niya'y ang tagal-tagal na nilang magkasama ni Dean. Kaya ngayong nagpaalam ang na mawawala ng ilang araw para sa isang business trip ay namimiss na niya 'to kaagad.
"Maximum na ang four days, babe. Ayoko rin namang umalis kung di lang talaga kailangan," ani Dean habang nakaunan sa braso niya ang babae.
"Oo alam ko naman yun. Pero hindi ka pa nga umaalis na mimiss na kita."
Hinaplos ni Dean ang mukha niya saka hinalikan tungki ng kaniyang ilong. "Ako rin naman. Kung pwede lang kitang isama ginawa ko na." Sabay buntong hininga.
Iniyapos niya ang isang braso sa katawan nito.
"Mamimiss ko yung amoy mo ng ilang araw."
Mahinang natawa si Dean. "Katawan ko lang yata ang mamimiss mo, eh"
Bahagya tumawa si Elish at mahinang hinampas ito sa dibdib.
"Sinabihan ko si Diane na mag-stay muna dito. Habang wala ako," anito habang hinahalikan siya ng lalaki sa balikat.
"Nakakahiya baka may mga ginagawa rin siya naabala pa natin."
"Siya ang nag prinsinta. Alam mo naman yun kulang na lang dito na tumira." Patuloy ang paghalik nito sa leeg niya. Napunta na sa kanyang leeg ang mga labi nito. Subalit kaagad rin itong tumigil at bumuntong hininga.
Kasamang nawala ng paningin ni Elish ay s*x life nilang dalawa. Masyadong nag'aalala si Dean para sa kanya. Kaya madalas itong magpigil ng sarili.
"Babe.." mahinang usal niya.
"Hmmmm?"
Humarap siya kay Dean at kinapa ang mukha nito saka hinalikan. Gumanti naman ang lalaki.
"Please.. make love to me. Ayokong i-deprived ka sa bagay na kailangn mo.."
"No need to say please, my love. Alam mo kung gaano ako nagpipigil. Pero iniisip ko ang kalagayan mo at isa pa hindi naman mahalaga sa'kin yun. Kuntento ako na nahahalikan, nayayakap at katabi kitang matulog."
"But.. I want to.. "
"Are you sure?" Pabulong na tanong ni Dean.
Hindi na sumagot si Elish hinatak niya ito at hinalikan muli. This time hindi na nagpigil si Dean.
Napangiti si Elish sa pagitan ng paghahalikan nila dahil para huminto si Dean upang pagmasdan siya.
"Why are you smiling, hmmm?"
"Pabaon ko sa'yo 'to, naka kasi mangbabbae ka dun!"
Tumawa si Dean. "Salamat sa pabaon babe, susulitin ko 'to," sabay ngisi at tinawid ang pagitan ng mga labi nila.
.
.
Pakiramdam ni Elish napakatagal ng apat na araw kahit palagi namang tumatawag si Dean para kumustahin siya.
Ganito pala kapag sobrang mahal mo ang isang tao, mawala lang saglit para ka nang mabubuang.
Napaisip siya bigla.. Paano na si Dean? Kapag nawala na siya? Iwinaksi ni Elish sa isipan niya ang bagay na matagal na niyang kinakatakutan.
"Sis, are you ready?"
Nginitian ni Elish si Diane nang marinig ang boses nito. Kinulit kasi siya ni Diane na lumabas naman daw sila para hindi siya nalulungkot.
"Oo.. Tara na."
Inalalayan siya nito palabas ng silid hanggang sa parking lot kung saan lumulan si sasakyan ng babae. Habang nasa biyahe hindi mapigilan ni Elish ang magtanong kay Diane.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta.. matutuwa ka."
Kahit anong pilit nito itago ang excitement sa boses ay nahalata pa din iyon ni Elish. Nagtataka siya dahil ito pa ang pumili ng damit niya at inayusan siya.
"We're here." Bulong nito sa kanya makalipas ang ilang sandali.
Inalalayan siya muli ni Diane. Hindi niya matukoy kung nasaan sila, but the place.. feels familiar.
Pinaupo na siya ni Diane. "Dyan ka muna ha, Elish. Oorder lang ako."
"Oh, okay.." habang naghihintay, biglang napalingon si Elish sa isang bahagi. The smell of the perfume, filling her nostril. Dè javu. Bumilis ang pintig ng puso niya. Hindi siya maaring magkamali kung kanino ang pabangong iyon.
When she was about to ask Diane, biglang may nagsalita sa tabi niya.
"Hello, Miss, Pwede ba kitang maging girlfriend?" Anang baritonong boses.
Nangilid ang luha niya. "Dean.."
Hindi nagsasalitang kinuha nito ang kamay niya't inakay siya. They stopped after a few steps. Kinuha nito ang kamay niya't inilagay sa batok nito. Then he wrapped his arms around her waist.
A song she wasn't familiar with started filling the room. It was slow and huntingly beautiful.
Because I'm waiting for you
Waiting for this dream to come true
Just to be with you
And if I die
Remember these lines
I'm always here, guarding your life
Guarding your life
"Do you know where we are?" Pabulong na tanong ni Dean. Pinaglapat nito ang noo niya habang marahan siyang isinasayaw.
"Oo.." Marahan siyang tumango. "Nandito sa coffee shop kung saan tayo unang nagkita, Kung saan napalingon ako sa'yo kasi sobrang bango mo. At desperadang nilapitan ka.." nangilid ang luha ni Elish nang maalala ang unang pagtatagpo nila.
"Yes. That day I didn't know my life would change. That simple conversation to a stranger will change everything.." Hinaplos ni Dean ang mukha niya.
"The first time I saw you.. you've already got my attention, Elish. You were so cute, asking me to be your boyfriend. I admitted, I thought it was a kind of prank. But once I got to know more about you, I started to realize.. I was the luckiest man on earth to have an amazing girl.. like you. You taught me a lot these past few months, Babe. You taught me how to be brave. You taught me how to love unconditionally that I didn't know I'm capable of. You really are a hard gem to find, Elish... And I don't know what I did in my past life to be this lucky to have found you."
Huminga ng malalim si Dean, tumikhim upang alisin ang bikig sa lalamunan bago dahan-dahang lumuhod sa harapan ni Elish.
"To the woman who taught me how to love.. who taught that life is beautiful.. Elish, will you marry me?"
Napatakip si Elish sa bibig niya. Masaganang pumapatak ang luha sa mata. It felt like her heart would burst anytime. Magkakahalong emosyon ang bumabalot sa kaniya. She couldn't utter any words but his name.
"D-Dean.."
Dean stood up, cupping her face. "Elish.. Please dont think too much. Dont think of anything. Just think what will make you happy."
"Dean.. I'm scared.." she was sobbing now. "What will happen to you.. if.. if.. I'm gone?"
Umiling-iling si Dean, tears pooling on the corner of his eyes. "I'll be fine, Elish.. I'll be fine. Just say say, baby.. and I'l be the happiest man." Alam ni Dean na nagsisinungaling siya sa unang sinabi. Isipin palang nitong mawawala ang dalaga anytime sa kanya, tila paulit-ulit na may patalim na bumabaon sa dibdib nito. But, he will endure everything.. just to see her happy.
"D-Dean.. Y-Yes. I want to marry you.." ani Elish at tinawid ang pagitan sa mukha nila.
He kissed her softly and passionately. They kissed as there's no tomorrow. Para bang sila lang ang tao sa paligid. Tila huminto ang sandali. Until they heard a massive clapping.
Nagulat si Elish na marami palang tao sa paligid.
"May iba pang tao dito?" Nag-aalalang tanong niya sa nobyo.
Inilagay nito ang kamay sa kaniyang leeg at hinalikan siya sa noo. "Yes.. I have a surprise for you, Love.." pagkatapos nun ay giniya ni Dean sa kung saan.. huminto sila, at isang mainit na yakap ang sumalubong sa kaniya.
Tumulo ang panibagong luha sa mga mata nito Elish nang makilala niya ang mainit na yakap na 'yon.
"Nay..." humihikbing usal niya.
"E-Elish, anak.." masanagana ring umaagos ang luha sa mata ng ina ni Elish. "Bakit hindi mo sinabi sa'min? Bakit kung kailan ganito na ang lagay mo anak?" Tuluyan na itong humagulhol.
"S-Sorry po, Nay.. Sorry.. Sorry.." She hugged her tight, sobbing. The warmth and comfort of her arms, felt Elish like she was again kid, na tanging ang ina lang ang makakapawi sa nararamdaman niyang sakit. Tulad noong bata siya kapag uuwing luhaan dahil inaway ng mga kalaro. Uuwing nasugatan dahil nadapa sa pakikipaghabulan.
"K-Kung hindi pa kami pinuntahan ng nobyo mo ay hindi pa namin malalaman ang nangyayari sa'yo, Anak.."
"K-Kilala niyo si Dean?" Natigilan si Elish at nanatiling nakayakap sa ina.
"Hiningi niya ang kamay mo sa'min, anak. Nanatili pa siya sa'tin para patunayang mabuti ang hangarin niya sa'yo. Mahal na mahal ka ng nobyo mo."
Hindi pala totoo ang business trip ni Dean? Umuwi ito sa probinsya nila para sunduin ang mga magulang niya at hingin ang kamay niya sa mga ito?
"Umuwi na tayo, anak.. kami nalang ang mag-aalaga sa'yo." Sumisinghot anang ina ni Elish, hinahaplos siya sa buhok.
"Pero matatanda na po kayo, Nay. Kaya ko naman pong alagaan si Elish." Narinig niyang sabi ni Dean.
Binalingan ni Elish ang nobyo. "Dean, it's okay.. gusto ko sila makasama kahit sandali.."
Masuyong hinalikan ni Dean sa buhok ang babae. "Sige, baby.. Uuwi tayo sa inyo."
Naging masaya ang gabing iyon para kay Elish at Dean. Pakiramdam ni Elish panandaliang nawala ang mga inalala niya at in-enjoy ang gabing iyon na kumpleto ang mahal niya sa buhay. Ang pamilya niya at si Dean.
.
.
At tulad ng plano, umuwi sila sa probinsya matapos ang engagement. Isang linggong ang itinagal nila roon. Nakatulong kay Elish ang sariwang hangin at presensya ng pamilya nito upang kahit papaano'y gumaan ang nararamdaman nito mula sa dinadalang karamdaman. Mas nakilala rin ni Dean si Elish.
Simple ang pamumuhay subalit makikita mong kontento at masaya. He kinda envied her simple life she grew up with. Hindi nakakapagtakang madaling pasayahin si Elish sa maliliit na bagay. And he loves that about her.
"Kuyaaaaa!" Masiglang salubong ni Diane sa kanila pagbukas pa lang ni Dean sa pintuan ng unit.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya't inalalayan si Elish na pumasok.
"I have a big news!"
"Ano yun?" Singit ni Elish.
They're heading to the living room.
"Nandito na yung tatahi ng gown ni, Elish!!! Susukatan na namin siya!" Excited na anunsyo ni Diane.
At naroon nga salas ang dalawang modista. Nilingon ni Dean si Elish sa kaniyang tabi. Picturing Elish, wearing a white satin gown, her hair flowing in the air.
Yes.. Elish will be his wife in a few days.