Chapter 14

1642 Words
"Sino 'yan?" Dahan-dahang kinapa ni Elish ang cellphone na nakapatong sa side table. Number lang ni Dean ang naroon at alam na niyang i-operate dahil tinuruan siya ng lalaki. Ilang minutong katahimikan. Ramdam ni Elish na tila may nakamasid sa kaniya. "It's me, Diane," mayamaya ay mahinang usal ng babae. Anong ginagawa niya rito? Nagtatakang tanong ng isipan ni Elish. She doesn't know how to react. Sasabihin ba niya ang tunay na kalagayan or she would just pretend? Naramdaman niya ang pag-lundo ng sofa kaya alam niyang naupo ito sa kaniyang tabi. "A-are you okay? Anong nangyari, Elish?" Her was shaking Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. " "I'm terminally ill. I have a cancer and now I lost my eyesight.." Napasinghap si Diane. "Nasaan si Kuya Dean? Bakit iniwan ka niyang mag isa?" Mababakas ang pag-aalala sa tono nito. "Umalis siya sandali. Kaya ko naman na dito mag- isa" Saad niya at pilit pa ding ngumiti. Bahagtang nagulat si Elish nang hawakan nito ang kamay niya. She squeezed it tightly. "May kilala kaming magagaling na doctor Elish we can take you----" hindi na naituloy ang sasabihin ng may marinig siyang mga yabag. "Diane! Bakit ang tagal mo baka maabutan na tayo ni Dean—" anang boses babae. She sounded familiar. "So, anong ibig sabihin nito?" Mataray na sabi pa ng babae. "Wait, Viv!" Naramdaman niyang tumayo si Diane mukhang dinaluhan ang bagong dating na babae. Nakatingin lang si Elish sa kawalan. "Teka! Dito na siya nakatira? Don't tell me nagli-live in na sila ng kuya mo?!" Parang lalong nainis ang tono ng boses ni Viv. "Viv, di mo naiintindihan!" "Pinahiya tayong babaeng 'yan nung birthday mo! Akala niya siguro papalampasin natin yun!" Nanginginig na dinial ni Elish ang numero ni Dean habang naririnig niyang abala sa pag-uusap ang dalawa. Hindi siya siguradong maipagtatanggol niya ang sarili ngayon. Kung noon ito nangyari maari pa siguro. "No! lets go umalis na lang tayo bago pa dumating si Kuya at maabutan tayo rito!" Yaya ni Diane babae. Subalit hindi nagpaawat si Vivian. Nanlaki na lang ang mata ni Diane nang sugurin nito ang walang kamalay-malay na si Elish. Sinampal nito ng ubod-lakas si Elish. Hindi nakaiwas si Elish. Sa lakas ng sampal ni Vivian bumaling ang mukha niya. Pagkatapos ay sinampahan siya at sinabunutan. She heard Diane, stopping Vivian. Pero mukhang wala n Pinipilit itong awatin ni Diane. Pero mukhang hindi ito naririnig ni Vivian. "Alam mo bang lahat ginawa ko para lang magkabalikan kami ni Dean! Pero dumating kang babae ka! You ruined my plans, Malandi! Mang-aagaw ka!" Pagkatapos ay pinagkakalmot si Elish. Inilagay ni Elish ang mga braso sa unahan proteksyon sa mga kalmot at sabunot ni Vivian na hindi niya makita kung saan manggagaling. "Viv, Tama na! Ano ba! Stop it!" Biglang bumukas ang pintuan ng unit at pumasok si Dean. Nanlaki ang mata nito't mabibilis ang hakbang na tinungo ang tatlo. "What's happening here?!" Dumagundong sa buong unit ang boses ni Dean. Natauhan naman si Vivian at dali-daling umalis sa ibabaw ni Elish. "Are you okay, baby?? May mga sugat ka." Nag-alalang sabi ni Dean kay Elish. Tinulungan siya nitong bumangon pagkatapos ay hinaplos-haplos ang kaniyang braso. "What the f**k is this? And what the hell are you two doing here in my house!" Hindi sumisigaw si Dean, subalit ang tono ang boses nito'y malalim at tila nagbabanta. "K-kuya magpapaliwanag ako.." ani Diane sa nagsusumamong boses. "Magpapaliwanag? Sa nakita ko alam ko nang anong ginagawa niyo kay Elish!" "Kuya.." halos maiyak na si Diane sa nakikitang galit sa mata ng kapatid. "Get out now! bago ko pa makalimutan na kapatid kita. And you, Viv, we will file a case against you." "I dont care! Go on file a case!!" Galit na hiyaw ng babaeng habang naglalakad palayo. Binuksan nito ang pintuan at masama ang tinging nilingon pa si Dean bago iyon binalibag pasara. "Kuya please.. I'm sorry.." Hinawakan ni Elish ang kamay ni Dean para pakalmahin ang lalaki. "Mag-usap kayo ni Diane." Nakangiting sabi niya sa lalaki. Napabuntong hininga si Dean at sinabihan si Diane na maghintay roon saka siya nito binuhat papunta sa kwarto upang lapatan ng first aid ang mga kalmot at sugat na tinamo sa pananakit ni Vivian. "I'll be right back." Hinalikan pa siya ng lalaki bago tuluyang lumabas ng kwarto. . . Naabutan ni Dean na nakaupo ang kapatid sa sofa at bakas ang guilt at lungkot sa mukha nito. "Anong kalokohan to, Diane?" Malamig na sabi niya't naupo sa tabi nito. "Im sorry, Kuya.. hindi ko alam na nandito si Elish at ganyan ang kalagayan niya." "At anong kailangan niyo dito sa unit ko? Sinabihan na kitang huwag kang basta-basta nakikialam sa buhay ko. Privacy, Diane. Si Mama ba ang nagbigay sa'yo ng susi dito?" Mabilis na umiling si Diane. "Hindi, Kuya! Walang alam si Mama.." yumuko ito at nilaro ang mga daliri. "Tinakas ko lang yung susi nitong condo mo." Napahilot si Dean sa sentido. "Diane, hindi ka na bata, stop acting like you're still a kid." Binalingan niya ito uli. "Bakit mo tinakas ang susi? At kasama mo pa si Vivian?" Nanatiling nakayuko si Diane kagat ang ibabang labi. "Gusto ko lang kayong magkabalikan.." "Magbalikan?!" Tumaas ang boses ni Dean. "Diane, we never had a relationship! Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan!" "Sa kaniya, Kuya! She told me.. and she wants you back.." Napailing si Dean. "Kung hindi lang kita kapatid, Diane. Isasama kita sa idedemanda ko sa pananakit niyo kay Elish." "I just want to protect you, Kuya.. akala ko gold digger si Elish at si Viv matagal na siyang kilala ng pamilya natin. Kaya pumayag ako sa gusto niya. Hindi ko naman akalain na magiging bayolente pala siya." Huminga ng malalim si Dean. Nangyari na, ano pa ba magagawa niya kahit gusto niya itong sakalin. Saan ba sila nagkulang para maging sutil ito? "Grow up, Diane. Hindi habang buhay pagbibigyan namin 'yang mga ginagawa mo. And I don't protection from you or to anyone. Umalis kana, Diane. Ayaw na muna kitang makausap." Malamig na boses na sabi niya't tumayo. "Kuya.. please.. patawarin mo na ako please... babawi ako.." pagmamakaawa pa din nito. "Pakisara ang pintuan paglabas mo" Yun lamang at pumasok na si Dean sa Kwarto. Naabutan niyang nakaupo si Elish sa kama. Nilapitan niya ito. Lately kasi tila mas lumalakas na ang pakiramdam ni Elish. "Umalis na si Diane?" Tanong ng dalaga sa kanya. Umupo siya sa tabi nito. At hinigit palapit sa kanya ang dalaga. "Oo.. kakaalis alis lang." Anya't napabuntong hininga. "Okay na kayo?" "Hindi. Hindi tama ang ginawa nila sa'yo, Love. Pwede mo silang sampahan ng kaso. May mga sugat ka pa sa kalmot ni Viv. Siguradong bukas may mga pasa ka pa." nakakaramdam na naman siya ng galit. Hinawakan ng dalaga sa kamay niya. "I'm fine, Dean. Ayoko ng gulo. Nung huling magkita kami ni Diane may misunderstanding talaga na nangyari. Kaya please hayaan na natin. Kapatid mo pa din yun." Malumanay na wika ni Elish. "Haay.. Elish ano bang gagawin ko sa'yo? Ikaw na nga itong ginawan ng masama, nagawa mo pa rin umintindi." Bumuntong hininga si Dean, hinahaplos ang pisngi nito. Niyakap naman siya ng dalaga at ngumiti. "Konti na lang nga ang oras ko.. aaksayahin ko pa ba sa ganung bagay? I just want us to be happy, Dean.. Yun lang." Hindi umimik ang lalaki at hinalikan nalang sa noo ang dalaga. . . HALOS araw-araw kung magpunta si Diane sa condo ni Dean. Kung ano-anong dala nito para sa kanila ni Elish. Noong una ay pinagduduhan niya ang kapatid, malamang nakokonsensya kaya bumabawi subalit nakikita niya ang pag-eeffort nitong mapalapit sa nobyo. May mga pagkakataon pang, sumasaglit siya sa opisina at sa pagbalik niya sa condo, naabutan na niyang naroon si Diane at masayang nagtatawanan at kwentuhan ang dalawa. Natutuwa raw ang kapatid na pakiramdam nita ay nakahanap ng kapatid na babae sa kataohan ni Elish. "Kuya, may dumating palang package kanina." Imporma ni Diane nang sumilip sa mini office ni Dean kung saan ay may tinatapos siya trabaho. Apat na beses yata sa isang linggo kung dumalaw si Diane kulang na lang dalhin nito ang mga gamit at damit at doon na tumira kasama sila ni Elish. Kumunot ang noo ni Dean. "Anong package? Nasaan?" Iniabot sa kanya ni Diane ang maliit na kahon. Binuksan niya iyon. Nanlaki ang mata nito ng makita ang laman niyon. "Whoa!! Engagement ring!!" Bulaslas nito. Muntik na niyang mabatukan ang kapatid dahil sa lakas ng boses nito. "Ssshhh!! Ingay mo!" Angil niya't sinamaan ito ng tingin. Nasa kabilang kwarto lang kasi si Elish. "Oh my god! Kuya magpopropose ka na kay Elish!" Halos patiling sabi nito. Daig pa ang bibigyan rin ng engagement ring. Gusto niyang mailing palibhasa ay walang lovelife kaya silang mga Kuya nito ang pinapakialaman. "Yes. Kaya please lang wag kang maingay." at binalik sa kahon ang singsing. "Gossssh! Ako mag-oorganize ng lahat! Leave it to me!" Kinikilig na sabi nito. Hia brow furrowed. "No, thanks. Kaya ko na 'to" He wanted it to be simple. Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang sagot ni Elish na "oo". Tumaas ang kilay ni Diane, humalukipkip pa. "No! Bahala ka diyan.. sige sasabihin ko kay Elish." Pananakot nito pagkatapos ay sumigaw ng, "Elish! Kuya, got a surprise—" Kaagad tumayo si Dean at tinakpan ang bibig ng kapatid! Ang spoiled talaga! Nagsukatan sila ng tingin. Nang makita niyang di papatalo ang kapatid, malakas na bumuntong hininga si Dean. Tumitiling tumalon si Diane saka yumakap sa leeg niya. "LEAVE IT TO ME, BIG BROTHER!" Iyon lang at ngiting ngiti na itong lumabas ng kwarto. Naiiling na naiwan nalang si Dean sa silid. Sana pumayag ang dalaga sa proposal niya, he will be the happiest man on earth..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD