Chapter 36: ETHER Part Two Eunece, Ibinalik ko na muna ang aking katana sa baina nito matapos itong bumalik sa dati nitong anyo. Kaagad kasi kaming sumakay sa isang rover na tumigil sa aming tapat. Bigla na lamang nagsidatingan ang mga device na naglalabas ng mga laser beam na siyang tumapos sa buhay ng mga Leemur. Napakabilis parin ng t***k ng aking puso habang ako'y naka upo rito sa loob ng sasakyan at nakapalibot sa aking katawan ang isang seatbelt. Hindi ko inasahan na si Oliver ang mamumuno sa aming grupo, mabuti nalang at kaya naman niya kaming pamunuan. Isa pala siyang sniper, isang mahusay na sniper. Nakakakaba lamang ang aking tungkulin dahil nga sa ang hawak kong sandata ay pang malapitan lamang. Tiwala naman ako sa aking mga kasama na hindi nila pababayaan ang mga blind spo

