Chapter 37: Out of this World Oliver, "Anong nangyayari?" tanong ko sa dalawang Variant na nasa aking tabi. Naririto kami ngayong tatlo sa labas ng silid kung saan nagpapahinga ang mga recruit na kasama namin. "Hindi ko rin alam pero sa tingin ko'y dadalhin nila tayo sa isang malaking pagpupulong." Sabi naman ng isa sa kanila at itinuro ang iba pang mga Variant na mula sa ibang organisasyon. "Kung ganoon, nasaan ang iba?" tanong ko ulit kaya napaisip naman sila. "Is there something I can help?" tanong ng isang opisyal ng ETHER kaya napalingon sa kanilang likuran ang dalawang Variant na nakausap ko. "Can you enlighten us, why are we here?" tanong ko, ako na ang naglakas loob na magsalita dahil para bang nalunok g dalawa ang kanilang mga dila. Ngumiti naman ang babae bago niya ibinuka an

