Chapter 34: Worm Hole Oliver, Naglalakad ako ngayon patungo sa aming opisina upang makipagkita sa aking mga kasama. Kaunti lamang ang aking naging pagtulog kagabi dahil sa abala kaming lahat at nakabatay sa pagkilos n gaming mga kalaban. “Kung gusto mo, ayus lang sa amin at hindi ka naming titigilan.” Sabi sa akin ni Henry habang kami’y nakaupo sa palibot n gaming parihabang mesa. Napatitig naman ako sa kaniya at binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin. “Kaya pa naman naming ang aming sarili kaya pwede mo nang tanggapin ang posisyon.” Sabi naman ni Darryl, mas lalong naguluhan ang aking isipan kaya tiningnan ko silang apat. Tumango ang dalawang babae na para bang sumasang-ayon sila sa sinabi ng dalawa. “Anong pinagsasabi niyo?” nagpalipat-lipat ang aking paningin sa kanila. “Diba

