Chapter 33: Familiars Eunece, "Eunece!" Napabaringkwas ako mula sa aking higaan at kaagad na iginala ang aking paningin hanggang sa tumama ito sa katauhan ni Mia. Kumurap ako ng ilang beses at tila ba panandaliang nangitim ang aking paningin at biglang sumakit ang aking ulo. "Maligo ka na, malapit ng mag alas kwatro!" dagdag pa niya, prinoseso pa iyon ng aking utak bago mapatayo mula sa aking kama at mabilis na tumakbo papunta sa aming banyo. Nilagpasan ko lamang siya habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok na sa tingin ko ay basa pa. Kaagad kong isinara ang pinto at pumasok sa paliguan, binuksan ko na ang shower at bago ako tuluyang mabasa ay itinapat ko na muna ang aking kanang palad mula sa tubig upang masigurong hindi ito malamig. Tumapat na ako sa ilalim ng shower at sinimula

