Chapter 32: They're Back Eunece, Sa huling pagkakataon ay kinunan ako ng dugo sa dulo ng aking daliri. Sa sobrang daming bese na kailangan nila iyong gawin ay halos hindi na naghilom ang maliit na sugat sa magkabila kong hintuturo. Tahimik lamang kami rito habang kumakain ng isang lugaw habang hinihintay ang magiging resulta ng test na kanilang isasagawa. Matapos kasing kumalma ng kapaligiran ay nagsidagsaan na ang mga nurse dito sa laboratpryo. Kaagad din nilang ipinaliwanag ang bisa ng vaccine na kanilang nagawa. Naiturok na nila ito sa amin bago pa man nila ipaliwanag ito, kung siguro'y may side effects ay wala na kaming ibang choice kundi damhin na lamang ito. Mabuti na lamang at wala akong naramdamang kakaiba sa aking katawan kaya't naka hinga ako ng lapayapa, maging sa aking mga

