CHAPTER 31

2003 Words

Chapter 31: Galactic War Oliver, "Dumiretso na kaagad kayo sa bulwagan!" utos ni Zeid Quias matapos niyang bumaba mula sa isa sa mga rover, mukhang hindi na siya nakaabot pa sa rover 2.0. Kaagad naman kaming kumilos at nagpalit kaagad ng suot na uniporme. Habang patakbo kami palabas ay umalingawngaw ang napakalakas na emergency alarm at naging kulay pula ang mga ilaw. Simbolo lamang na nasa emergency ang buong organisasyon, nasalubong din namin ang ilang mga nurse na nakasuot ng mga personal protective equipment. May tulaktulak silang mga stretcher at kaagad na dumiretso sa rover 2.0. Humalo na kami sa iba pang mga kasama naming mga Variant at mabilis na dumiretso sa isa sa pinakamalawak na silid dito sa itaas na palapag. Magkakatabi kami ngayong lima dito sa isang bench at natahimik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD