Chapter 30: Thoughts Eunece, Grabe ang kaba na aking nadarama habang nagkakaputukan sa labas. Nagkumpulan kaming lahat rito sa dulo ng rover 2.0 malapit sa aming driver. May screen siya sa kaniyang harapan at nakapisil lamang ang kaniyang hinlalaki sa isang buton na kaniyang hawak. "Anong nangyayari?!" tanong ng isa sa aking mga kasama, kaagad naman akong napatingin sa kaniya. "May umaatake sa atin, hindi ba obvious?!" nagawa pang mag maldita ni Alea. "Leemur ba?' tanong na naman ng isang lalaki at napunta sa kaniya ang aming atensyon. "I don't think so." Sagot ko, base kasi sa nangyayari ngayon ay may kapalitan sila ng mga bala, alangan namang Leemur iyon ni hindi nga nila kayang tumayo sa dalawang mga paa nila sa likuran ng mahigit sa isang minuto! Napatango naman siya at bigla kam

