Chapter 29: The Hunt Oliver, Napakabilis nang takbo ng oras at ngayon ay narating na naman ang aming pag palit sa grupo nina Darryl. Naipasa na sa akin ang simbolo ng panunungkulan kaya't pinulong ko na muna ang aking mga kasama. Matapos ng aming maikling pagpupulong ay pumunta na kami sa aming mga pwesto at naging alerto sa kapaligiran. Madilim na ang kapaligiran kaya't nakabukas ang maliliit na ilaw sa magkabilang sentido ng aking helmet upang makita ko ang aking nasa harapan. Meron ding hindi nakakasilaw na ilaw sa loob ng aking helmet upang makita parin ang aking mukha. Hawak ko ang aking baril habang nagmamasid dito sa labas ng kweba. Hindi pa namin maisasagawa ang isa sa mga pakay namin dahil nga sa wala naman kaming dahilan upang umalis dito sa b****a ng kwebang pinanatilihan na

