“MISS Abelardo, you can now go to Mr. Paterson’s office,” sabi ng medyo may edad na babae na nagpakilalang sekretarya ni Mr. Paterson.
Coldly she got up from the sofa and headed to the door the woman pointed to after she thanked her for it. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago niya itinulak ang pinto na yari sa glass. Pagpasok niya ay nakita niya ang sadya na nakaupo sa swivel chair nito.
Titikhim na sana siya para ipaalam ang presensya niya nang mag-angat ng tingin sa kanya si Mr. Paterson. Katulad ng kanyang inaasahan ang hitsura nito. Matanda na ito, hindi man kalbo pero marami ng puti ang buhok nito.
Pero masasabi niyang gwapo ito sa panahon ng kabataan nito at halata sa hitsura nito na wala man lang lahing Filipino ang matanda. Sa kuwento rin naman ng kanyang Tatay Ernesto ay isang Canadian ang big boss ng kumpanyang pinagtatrabahuan nito na nakapangasawa ng isang Filipino-Japanese, at dito piniling manirahan sa bansang Pilipinas.
Nilakasan niya ang loob at binalewala ang kabang nararamdaman. Magalang siyang nagbigay-bati na tinugon naman nito. Pagkatapos ay iminuwestra nito ang upuan sa harap ng executive desk nito.
“I believe you have an important business matter to discuss with me, Miss Abelardo,” seryosong sabi ng matanda nang makaupo na siya.
“Y-Yes, Sir,” she said, stammering. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman niya. “Tungkol po sa Tatay ko, si Ernesto Abelardo.”
Umayos ng upo si Mr. Paterson at diretsong tumingin sa kanya.
"Are you here to beg me not to pursue the lawsuit against your father?" he asked in a serious tone. "I'm sorry, Miss Abelardo, but Ernesto's misappropriation was not in vain. I feel sorry for your father because I won't tolerate a thief inside my empire."
“Sir, magbabayad po kami pero makikiusap po sana ako na bigyan mo pa kami ng panahon para mabayaran ang perang naidispalko ng Tatay ko sa inyo.” Puno ng pakiusap niyang sabi kay Mr. George Paterson.
Nakita niyang tumaas ang kilay nito at patamad na sumandal sa swivel chair nito. Kagat ang pang-ibabang labing nakatingin lang siya sa matanda. Pagkuwan ay naiiyak na napayuko na lang siya nang lumipas pa ang ilang segundo na hindi man lang ito umimik.
“Miss, Abelardo, what can you do for your father?” tanong nito na nagpa-angat ng kanyang tingin sa matanda. Mariin na itong nakatitig sa kanya. Agad naman siyang kinabahan. What did he mean by that?
Bayolente siyang napalunok. "I---I will do everything to help my father, Sir," she said with determination.
Gusto talaga niyang tulungan ang kanyang ama. Seeing him yesterday made her heart in panic and fear. Hindi niya kayang nakikita ang Tatay niya na puno ng takot at pag-aalala ang mukha.
“Good,” agad siyang nabuhayan ng loob sa sinabi nito. “I’ll give you two months to pay that money, your father stole from my company.”
Bayolente siyang napalunok. Dalawang buwan? Kaya ba niyang bayaran ang dalawang milyon sa loob lamang ng dalawang buwan? Kahit pa siguro patayin niya ang sarili niya sa pagtatrabaho ay hindi siya makakalikom nang ganoon kalaking halaga sa loob lamang ng dalawang buwan.
"Pero, Sir----"
"If you still can't pay that money, then you must marry my grandson, or else I will sue your father." Mr. Paterson said, cutting her off. She gasped, and her eyes became wide.
"Mr. Paterson---"
“Take it or leave it, Miss Abelardo?” walang emosyong putol nito sa sinasabi niya. Kagat ang pang-ibabang labi na napayuko na lang siya at marahang tumango. “Good. Now, you can go.” anito sa kanya. Gusto pa sana niyang makiusap dito kaya lang narinig na niya itong tinawag ang secretary nito para sa next appointment nito.
Nag-iinit ang sulok ng kanyang mga matang tumayo na siya. Pagkalabas niya sa opisina ni Mr. Paterson ay saka lang niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas. Saan siya hahanap ng ganoong halaga sa loob laman ng dalawang buwan?
Napakalayo ng mga kamag-anak ng kaniyang Tatay Ernesto at kung manghihiram siya sa mga ito ay sigurado siyang hindi rin malaking halaga ang mahihiram niya dahil gaya nila ay hindi naman ang mga ito mayaman. Sa side naman ng kaniyang Nanay Lupe ay wala rin siyang maasahan sa mga iyon.
Wala sa sariling naglakad siya palabas nang building pero kaagad din siyang nahinto at napahiyaw nang bumangga siya sa isang pader?
“Damn!” Mura nang isang lalaki. Napangiwi siya, hindi pala isang pader ang nabangga niya kundi isang lalaki na may malapader na dibdib. “Look where you're going, Miss.” inis ang boses na sabi nito sa kanya.
Agad siyang napatingala sa lalaking nabangga niya para humingi rito ng paumanhin. But her breathed hitched when she saw a pair of forest green eyes whose looking at her intently. Ang singkit nitong mga mata ay mas lalo pang naniningkit. His crew haircut style really suits his very handsome face.
“Miss are you, okay?” Narinig niyang tanong nito pero wala naman doon ang kanyang isip dahil nasa mukha pa rin nito iyon na pilit niyang inirehestro sa utak niya kung gaano ito ka-gwapo. Sa palagay nga niya na kahit may makasasalamuha pa siyang mga lalaki ay hindi talaga niya ito malilimutan.
Wala pa rin sa sariling marahan siyang tumango. Nakita naman niyang kumunot ang noo nito pero hindi man lang iyon nakabawas sa ka-gwapuhan nito. Nag-isang linya pa ang makakapal nitong mga kilay.
“Damn, you wasted my time!” Dismayadong sabi ng lalaki. Mabilis din itong tumalikod kaya sinundan na lang niya ito ng tingin.
She sighed and shook her head. Napangiwi pa siya nang mapatingin siya sa gawi kung saan nakatayo ang guard sa may exit ng building. Nakataas ang kilay nito at may nakakalokong ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. Mukhang nakita yata nito ang pagkatanga niya roon sa lalaking nabangga niya.
Napaismid siya. “What?” Sikmat niya para pagtakpan ang nakakahiyang reaksyon niya, pero umiling lang ito at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya pero kita pa rin niya sa mukha nito ang pagkaaliw sa kahihiyan niyang ginawa.
She tsked and walked outside the Paterson Winery building.
But thinking back about that man, sobrang gwapo talaga nito. Baka artista iyon na magpo-promote ng mga wine pero kung artista iyon, hindi ba dapat may kasama itong mga camera man? Napailing-iling na lang siya. Hindi dapat ang lalaking iyon ang iisipin niya kung anong propesyon nito sa buhay. Ang dapat na iniisip niya ay ang problema ng kaniyang Tatay Ernesto at kung saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera sa loob lamang ng dalawang buwan or else---no. Hindi siya aabot sa puntong magpapakasal sa apo ng matandang iyon.
Who knows kung ang apo nito ay isang ugly at masama ang ugali? At isa pa hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi naman niya mahal. Ayaw niyang gumaya sa kaniyang ina, at sa bandang huli, magsisisi lang din.
“Anak, mabuti at dumating ka na.” Salubong sa kanya ng kanyang Tatay Ernesto. Kakababa pa lang niya sa traysikel na naghatid sa kanya galing sa Paterson Winery, Cebu branch.
"Bakit po, Tay?"
“Nandito kanina si Chona para ibigay sa’yo ito,” anito sabay abot sa kanya ng isang kulay long brown envelope na hindi man lang niya napansing hawak-hawak nito kanina. Nanginginig ang kamay na agad niyang kinuha rito ang envelope.
“N-Nasaan po pala siya?” tanong niya nang tumalikod na ito at pumasok na ng kanilang bahay.
“Pupunta ka pala ng Japan…” wika nito na may pagtatampo sa boses. Nakita niya itong naupo sa lumang sofa. Kinakabahan man ay agad siyang lumapit dito. “At wala ka man lang balak na sabihin sa akin.”
"Tay…"
“Kunsabagay, paano ko ba malalaman kung isang linggo akong nawala at pagbalik ko ay problema lang ang dala ko sa inyo ng Nanay Lupe mo.” Puno ng lungkot at pagsisising wika nito. Agad naman niya itong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
“Tay, gagawa po tayo ng paraan. Hindi po ako makakapayag na makukulong kayo, at kung kinakailangang aalis ako ng bansa ay gagawin ko,” aniya.
“Anak, I’m sorry.” Hingi nito ng paumanhin at gumanti ng yakap sa kanya. Mas close sila ng kanyang ama kaysa sa kanyang ina. Mas madali kasing kausap ang Tatay niya kaysa sa Nanay Lupe niya.
Nang dumating ang kanyang Nanay Lupe ay agad siyang tumayo at lumapit dito para magmano. Pagkuwan ay wala itong imik na pumasok sa kwarto. Hindi man lang nito binati ang Tatay niya na nakatingin lang dito.
“Hayaan mo muna si Nanay, Tay. Mapapatawad ka rin noon,” aniya na ikinatango lang nito. Pagkuwan ay nagpaalam na aalis na muna ito.
Napabuntonghininga na lang siya at naglakad na papasok sa kaniyang kwarto. Saka na lang niya ipapaalam sa Nanay niya ang pag-alis niya ng bansa. Alam din naman nito iyon ang hindi lang naman nito alam ay kung kailan siya aalis.
Pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay agad na tumulo ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Anong nangyari? Bakit ganito kakomplikado ang buhay nilang pamilya?