Tears

2026 Words
Chapter 16 July 27, pa byahe na kami ni ate Imelda, pauwi sa syudad. I feel sad, dahil napamahal nadin ako sa mga tao don. Umiyak pa nga si kuya Edward, dahil maiiwan daw siya, niyakap pa ako ng mahigpit, Loko yon. Sasama naman siya kay kuya Joseph papunta dito, mag- aral daw siya at don siya mag aral sa school na pinasukan ni Kuya Joseph, para makaiwas din daw kay Josephene, tinaguan pa ng gago. Pasalamat siya may nagmamahal sa kanya, siya pa yong choosy. July 30 pa sila luluwas papunta dito, kaya nauna na lang kami ni ate Imelda. Ma-miss ko ang mga tao don, lalo na ang paporito kong ulam. Hehe. Katabi ko si ate sa upuan ng bus nakatulog siya. Pagkasakay namin ng bus, nakatulog agad at humilik pa. Last sakay na namin ito, patungong syudad, and it will stop on bus terminal, doon kami papanaog at sasakay ng taksi patunging bahay. Honestly, sa loob ng dalawang buwan ko sa Paraiso, marami akong natutunan at nalalaman, kung paano kasipag ang mga tao don. Maagang gumising para magsaka, nag-igib ng tubig galing sa poso at nasubukan ko narin iyon. Napangiti na lang ako sa aking iniisip habang tiningnan ang skecth pad ko, na halos paubos na, 2 page na lang ang blanko at di ko pa naguhitan iyon. Tiningnan ko ang unang pahina ng sketch pad. Andito si Fury yong aso, ang cute nga eh. Naalala ko talaga nong una niya akong nakita, tinahulan pa ako, pero kaluanan nag fe-feeling close. I smile. I flip na second page, kita don ang dalawang manok na nag-aagawan ng earthworm. Natatawa na lang ako sa araw na iyon. Para silang tao kong nag-aagawan ng pagkain. Marami akong naiguhit, may kalabaw, andito din si kuya Joseph, nong minsang nangulit siyang iguhit ko. Madami dami nadin. May nature, andito yong poso nila, yong basketball dryer nila. At ang simbahan kong saan ko nakita ang pamilyang Martinez. Andito din ang Paraiso Water falls. Napangiti naman ako. I flip na next page, namula ako bigla na napagtanto kong si Rejgid iyon, nakaharap siya sa kalawakan, hawak ang cellphone niya habang nasa likod ang bagsak na bagsak na tubig ng falls. Naiguhit ko pala siya, sa araw na iyon. I smile. Pero nawala bigla ang ngiti ko ng naalala ang araw na kong saan pumunta sila sa bahay. Yes I will, aalagaan ko siya. Di ko siya sasaktan! I shake my head para ialis sa utak ko ang mga katagang iyon. I breath deeply. Tiniklop ko na lang ang sketch at binalik sa handbag ko. At tumingin sa labas ng bintana, kita mo ang makulimlim na kalangitan, tingin ko'y uulan dahil nangingitim ito. Nakiayon ba ang langit na'to? sa malungkot kong damdamin. Di naman siguro! Walang kinalaman ang panahon sa damdamin mo Gigi! Kaya wag kang ilusyunada! Lumipas ang oras, nakarating nadin kami sa Bus terminal, maingay na ang labas, gising nadin si ate Imelda, tapos nadin akong magbayad. Pumanaog na kami ng bus at naghintay ng taxi. Minalas pa kami dahil pumatak na talaga ang ulan. "Silong muna tayo Gigi!" Anyaya ni ate Imelda, at unang umalis, tungo sa gilid ng terminal. Sumunod naman ako sa kanya. Feeling ko, basa na ako, dahil napatakan ako ng ulan. Ilang oras kaming naghintay, at sa wakas may nakita din kaming taxi at pinara agad iyon ni ate Imelda. Sumakay kami agad at sinabi ang lugar kung saan ang bahay namin. Nakatingin lang ako sa bintana habang tiningnan ang bawat building na nadadaan ng aming sinasakyan. Iba sa Bayan ng Paraiso, sobrang tahimik doon, tulad dito na mausok at maingay. Kanya kanyamg usad ang saksakyan. Hinto, larga dahil sa traffic. Wait? Si ate ba iyon? May kasama siya, its Rejgid! Magkasama sila! Di ko alam kong bakit parang kinorot ang puso ko. Wala namang kami, seguro umasa ako sa salita niya, o baka binigyan ko ng ibang kahulugan kahit na isiping kabaligtaran ang kanyang turan. Di sasaktan? At aalagaan? As you wish Gigi. Inalis ko ang tingin sa kanila, nakakasilaw kasi ang kasweetan. Tsk! Inanalayan lang naman niya si ate papasok sa mall. Nakauwi na pala iyon galing sa Italy, kasama ang mapagmahal niyang ama. Tsk! Buti nalang di napansin ni ate Imelda ang asar kung mukha, busy kasi siya sa kanyang ginawa, sabihin na lang natin na may ka text siya, at ngingiti kong minsan eh! Parang baliw. Simula nong sa simbahan, ganyan na iyan, ngingiti na parang iwan. Siguro may kinalaman ito sa ex niya? O my God. Wag sabihing may second chance na nangyari. Tiningnan ko siya, napansin naman niya iyon. Nginitian ko siya nang nakakaloko. Kumunot naman ang noo niya. Kaya natawa ako. "Tuloy mo lang yan!" Ngiti kong sambit at binaling muli ang tanaw sa labas ng bintana. Wala naman akong narinig kay ate. Kaya hinayaan ko na. After an hours, nakarating kami agad sa bahay. This is it. Nakarating naba talaga ako? Si ate Imelda naman nauna nasa loob, at ako naman nasa labas pa, tiningnan ang kabuuan ng bahay. Did I miss this House? Literally ang kwarto ko lang naman ang na miss ko at ang harden. Ang iba? Not, I didn't miss it at all. Peep peep Napaigtad nalang ako ng may busina sa likod ko. Nasa harap pala ako ng gate. Para kasi akong naghahap ng trabaho sa inasta ko, nakatingala sa bahay habang naghihintay na ma hire ng may ari. Haha. Tawa ko sa sariling iniisip. Tiningnan ko ang sasakyan. Its Rejgid car, kita ko pang lulan niya si ate. Gulat na gulat ang mukha nila. Bakit ba? Umusog naman ako, kasabay non ang pagbukas ng gate. Nagulat pa si Aleng Siti ng nakita ako. "Gigi, iha pasok na. Kanina kapa jan!" Tawag ni aleng Siti. Ngumiti naman ako sa kanya, nagmano at tuluyan ng pumasok sa bahay. Batid ko din na naka park na ang sinasakyan nina Rejgid sa parking area. Hinatid pa talaga ang prinsesa. Naging masama na ba ako? Inisip ko kasi, na kung mabait ka sa tao, masama ang matanggap mo. Kaya balance the nature tayo kung baga, kung masama ang tao sayo, then batuhin mo din ng bato. Chak lang. Umakyat na ako sa taas gamit ang hagdan. Dinig ko pang binati sina ate ng ibang katulong pagpasok nila sa loob. "Wheres dad!" Dinig kong tanong ni ate, di ko na sila pinansin at patuloy lang sa pag-akyat. Ramdam ko naman na nakatingin lang sa likod ko si Rejgid. Di ako feeling, sadyang may sence lang ako. "Nasa office niya maam Rosan!" Sagot ng katulong sa tanong ni ate. "Ganon bah! Sige Rejgid. Upo ka lang muna habang hinintay natin ang iba!" Ani ni ate. So may plano silang mag party ngayon? Ganun! Paki mo Gigi, hayaan mo silang magsaya. Bubuksan ko sana ang pinto ng nakita kong lumabas sa pinto nang office niya si papa, naglakad siya patungo sa hagdan para pumanaog, di niya ako nakita. Nilagpasan niya lang ako. Its damn hurt nang nakita kong niyakap at hinalikan niya sa noo si ate, nang nakita niya ito, ate is smiling habang niyakap siya ni papa. Tumulo ang luha ko. Napapunas lang ako ng luha nang napansin kong tumingin si Rejgid sa akin. Kunot ang noo niyang nakatingin. Pero ako na ang nag iwas ng tingin. I breath deeply! Smile bitterly. Bago binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay siyang pagbagsak ng luha kong nababadyang lumabas ni parang tubig galing sa poso ni walang wakas na bumagsak. Ilang oras na ang lumipas, alas kwatro na ng hapon. Andito padin ako nakasandal sa dingding malapit sa bintana ng study table ko. Kanina pa ako umiiyak, nasasaktan ako ng sobra. Bat ba laging pinadama ni papa na di niya ako mahal! Parang nais niyang pinahiwatig na di ako nag e-exist sa mundo. Na! Im nothing with, na para lang akong hangin na di niya tingnan. Ni para ako isang pulubing, nakakadiring pagmasdam, yon ang naramdaman ko. Dinig ko ang ingay sa labas, may sasakyang dumating, alam kong bisita iyon ni ate. Dinig ko rin na may naglaro sa golf field, alam kong mga kumpare iyon ni papa. Habang ako dito, luha ang karamay, nag iisa at umiiyak. Nanaisin ko na lang na sa Paraiso tumira, dahil doon, ramdam kong may karamay ako at di nag-iisa. Tumayo ako't sumilip sa bintana kahit nanginginig pero di ko na iyon pinansin pa. Kita ko don si ate, kasama ang mga kaibigan niya, masaya at nagtawanan sila. Kilala naman siguro ninyo kong sino sila diba? Kita ko don si Radlegh, habang nag swimming. Nakatingin lang si ate sa kanya ng may ngiti sa labi. Habang si Rejgid naman ay nakatingin sa kanya. Tumingala si Rejgid sa taas at tinanaw ang bintana. Nagitla ako, buti na lang tented ang bintana, di makita ang tao sa loob, kundi ako lang ang makakita sa kanila. But pwede naman itong buksan. Sa totoo lang, Siya lang ang nakapansin sa akin kanina habang nakatingin sa mag-amang nagyakapan, habang may-isang nakamasid na anak sa taas na nasasaktan. Inalis ko ang aking tingin sa bintana at umupo sa lamesa. Kinuha ko agad ang special notebook ko, kung saan naglalaman iyon ng aking damdamin. Kimuha ko ang ballpen na nasa lalagyan at nag simula ng mag sulat. Dear hope Kailan mo ba ako bigyan ng pag-asa? Pag-asa kung saan, kaligayan at kasiyahan ang aking matatamasa. Kasiyahan na walang katapusan. Yong happy forever, no hurtaches no pain and unequal treat. I hope, you lead me all this way. Gigi Napaiyak na lang ako sa hangal kong hangad. Forever? no pain? Impossible iyon Gigi. Bzz bzz. Napapunas ako bigla ng may nag bell. Tumayo ako at tinangnan iyon sa marble ball (Peephole) nakita ko si ate Imelda, na may bitbit na tray. Inayos ko muna ang mukha ko bago siya buksan. Ngumiti ako sa kanya. Pero seryuso lang siyang nakatingin sa akin. Pumasok siya sa loob at nilapag ang dala niyang pagkain sa study table ko. Sinarado ko naman agad ang pinto. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap pagkaharap niya. "I saw everything Gigi" Nakita niya? Napaiyak naman ako muli. Tumulo ang luha ko habang yakap siya. Hinimas himas naman niya ang likod ko, habang heto parin ako humahagulhol sa pag-iyak. "Ilang beses na kitang nakitang umiyak? Shh, tahan na, andito lang ako, remember, ate mo na ako, diba?" Sambit niya. Kaya napahagulhol uli ako. Ang sakit sobra. Umalis lang ako sa kanyang yakap ng nahimasmasan na ako. "Salamat ate Imelda, huh! Kung wala ka, di ko alam ang gagawin ko!" Pasamat ko sa kanya. Namumugto na ang mata ko dahil sa kakaiyak. "Sege, pag may problema ka sabihin mo lang sa akin, Okay?" She traced, tumango naman ako " Sige na labas muna ako Gigi, baka hinanap na ako ni aleng Siti, eh! Maiwan na kita dito" Paalam niya. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Niyakap niya ako muli bago kumalas at lumabas sa kwarto ko. I breath deeply. Lumipas ang oras, hito ako nakahiga sa kama. Natawagan ko nadin si lola at nangumusta, hayon, nasa Boracay pa, na extend daw ang happy happy moment nila, kaya nag paalam na lang ako bago makaistorbo, naglaro kasi sila ng Majong ng mga kibigan niya. Tumawag din sina kuya Edward at kuya Joseph nangumusta kong nakarating ba kami ng maayos. Natawa pa nga ako eh, dahil sa kakulitan ni kuya Edward, miss na daw niya ako agad. Loko diba? Pagkatapos non, wala na akong kausap. Di narin ako lumabas pa, yon na lang kinain ko, yong dala ni ate Imelda na pagkain, binalikan lang niya kanina ang tray para hugasan. Di ko narin pinansin ang nagkakasiyahan sa labas. Gusto ko ng matulog para makalimutan ang araw na ito. I close my eyes. Inaantok na ako. Bago ako nilamon ng antok, may narinig akong bumukas ng pinto. Ni lock ko iyon ah? Naamoy ko ang pabango niya, na lalong nagpaantok sa akin. Kilala ko ang pabango na iyon. At kilalang kilala ang may ari non. Then, I feel his hand on my head, brashing my hair. May mga sinabi pa siya, pero di ko na iyon madinig pa. Because everything went black
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD