Chapter 15
Im here sitting in a wooden chair, habang pinagmasdan ang naglaro. May babaeng nagsigawan at nagtilian, dahil sa nakikita nilang pawisan at topless na lalaki. 50-46 ang score, lamang ang score nina Rejgid.
Kapartido nina Rejgid at Radlegh, sina kuya Joseph, Edward at di ko kilalang dalawang lalaki. At anim naman sa grupo ni Brandon. Bali anim ang bawat grupo.
Seneryuso talaga nila ang sabing labanan. Di naman ikailang magaling ang bawat grupo, kita mo talagang magaling ang bawat isa.
"Kyahhh! Ang hot niya!" Tili ng isang babaeng kasamahan ni Josephene but still di ko kilala. Tumili siya ng naka shoot si Rejgid, bali 52-46 ang score.
Pero naka shoot din si Jordan. Nag 'yay' pa ang ibang kababaihan, napatawa na lang ako dahil talagang ipinagmalaki pa iyon ni Jordan sa babaeng nililigawan niya, namula pa ang babae.
Ang alam ko ey, 70 scores lang ang kanilang pinagplanuhan. Malapit na matapos ang game.
Kita mo talagang disidido si Brandon na manalo.
Naka shoot naman si Brandon. Napailing na lang ako ng tumingin siya sa'kin at nag smirk. Gago talaga.
"Go babe!" Sigaw ni Josephene ng hawak ni kuya Edward ang bola. Nairita naman si kuya kaya,
"Ayyy!" Napa ayy ang lahat ng nabawi ang bola at nakuha iyon ni Brandon.
Natawa na lang ako, dahil nakunan ng bola si kuya Edward ng dahil lang kay Josephene. Haha. Pero kalaunan nakuha naman iyon ni Radlegh.
Dribble the ball, habang nagaasar kay Brandon, si Brandon kasi ang bantay, nainis naman si Brandon, aagawin na niya sana ang bola, nang biglang lumiko si Radlegh then shoot the ball. Napatili naman ang ibang kababaihan.
Tumingin pa si Radlengh sa akin at ngumiti. Napailing na lang ako. Napahinto lang ako ng pansin koy, sumulyap si Rejgid sa akin dahil sa ginawa ni Radlegh.
"54-48" Sigaw ng scorer. Honestly di alam ng iba kung ano ang punot dulo ng kanilang laro. Ang bawat team lang ang may alam.
Lumipas ang oras, halos pagod na ang lahat. 68-62 ang score, lamang sina Radlegh. One shoot na lang para manalo sila. Hawak na ngayon ni Brandon ang bola. Dinidrible niya iyon, habang si Radlegh ang bantay, pursegido siyang manalo, kahit may tendensi na matalo siya.
Tagaktak ang pawis. Pagod ang bumakat sa kanilang mukha.
Sa panahon na ito nakuha ni Radlegh ang bola, mula kay Brandon, i-sho-shoot na sana niya ang bola nang napatid siya ni Brandon, na out balance siya at natumba. Buti na lang nakuha agad iyon ni Rejgid.
Hawak niya ang bola, binantayan na siya ng lahat.
Dribble the ball, twist his body.
Tumingin siya muna sa akin. Namula naman ako bigla dahil sa tingin niya.
Dribble again, then Jump.
1
2
3
4
5
Shoot
Na shoot niya ang bola
Sila ang nanalo. I dont know kung dapat ba ako matuwa or what!
"Game two pare! One on one. Dito magsimula ang pusta!" Sambit ni Brandon.
Di pa ba iyon? Akala ko yon na yon.
"Daya mo naman Brandon. Nanalo na kami eh!" Kuya Edward.
"Kachamba lang kayo! Another game. Sino ang lalaban sa akin sa inyong dalawa, total kayo lang naman, ang naki pag deal sa akin kanina" Matapang na saad ni Brandon. Kapal talaga nito.
Napailing naman sina kuya Joseph at kuya Edward, dahil sa pangahas ni Brandon. Binangga pa talaga ang dalawang MPV sa basketball.
Tumingin lang si Radlegh kay Brandon na napailing, nakaupo siya sa gilid, dahil na sprain ang paa niya, dahil kanina. Habang seryuso namang nakatingin si Rejgid kay Brandon habang nakasoksok sa bulsa ang kamay. Ang hot niyang tingnan. Gigi! Please, para kang abnormal.
"Ikaw pare! Hali na one on one!" Turo niya kay Radlegh na nakaupo lamang. Tatayo na sana siya ng bigla siyang natumba, bigla naman siyang inaalayan ni kuya Edward at pinaupo muli.
"Paano bayan, parang di kaya ng isa. So? ako na ang nanalo sa deal!" Hambog na saad ni Brandon. Napangisi naman ang kanyang kagrupo, habang nakatingin sa akin. Habang ang ibang nanonood tila naguguluhan.
Tiningnan ko si Rejgid. Seryuso lang siya.
Lalaban ba siya?
No he can't, ni ayaw niyang mapalapit sayo si Radlegh diba? Remember?
Pero ang nagpapagulat sa akin ng biglang nagsalita si Rejgid. Seryuso at malamig iyon.
"Ako na, ako ang lalaban sayo!"
*---*
"I heard na ikaw ang premyo!" Bulong ni kuya Joseph sa akin. Habang nakatuon padin ang aming tingin sa dalawang naglalaro. Puro na sila pawisan.
Nag che-cheer ang lahat dahil halos dikit ang laban, halos lahat ng nanonood ay di na makahinga. 16-18 lamang si Rejgid.
Tiningnan ko si kuya Joseph at nagbikit balikat lamang ako sa kanya. Di naman ako sigurado sa deal nila.
Seryuso ang mukha ni Rejgid habang nag dribble ng bola. Bantay sarado naman siya ni Brandon.
Buti na lang na shoot niya iyon. Napasigaw ang lahat kahit nga si Edward at Radlegh bakat sa kanilang mukha ang galak.
"Ano ba ang dahilan, bat ganon ang deal nila?" Kuya Joseph asked.
"Iwan ko sa mga lokong iyan? Alam mo namang loko tong si Brandon!" I blutered. At balik tanaw ulit sa naglalaro.
Hanggang 30 lang ang scores. Kung sino ang unang maka 30 scores ang siyang mananalo.
Dapit hapon na at malapit nang mag alas sais ng gabi. Heto parin sila nag patuloy sa paglalaro.
Lumipas ang minuto. Shoot at sigawan lang ang napapansin ko. Nakatingin lang kasi ako kay Rejgid na seryuso.
Sa oras na ito, pantay ang scores. 28-28, hawak ni Brandon ang bola.
"Sa tingin mo ba ipanalo niya iyan? Para sayo" Kuya Joseph said. Napahinto naman ako at tumingin uli kay Rejgid na seryuso.
"Sabi mo nga diba galit siya sayo?" Dagdag pa niya. Sa oras na ito ay natauhan ako. Oo nga naman may pagkakataon na di niya iyan ipanalo. Na kay Brandon ang bola, eh! Siguradong hahayaan niya na lang iyon!
Bigla na lang kumirot ang aking puso.
Ayaw niya akong ipalapit kay Radlegh dahil nga kay ate. Concern na concern siya doon.
Kung manalo sila, I stick to Radlegh at mas lalong mainis siya sa akin.
Pag manalo si Brandon, sa kanya ako, at matutuwa pa si Rejgid, dahil lalayo na ako kay Radlegh.
Di ko alam bat ako nasasaktan. Parang pinipiga ang puso ko.
Di ko alam bakit ako na pressure!
"Inom muna ako nang tubig!" Wala sa tono kong sambit syaka tumayo. Wala naman siyang kibo.
Tumayo ako na dala ang sakit.
Pumatak ang luha ko.
Hiling na sana, sa oras na ito, ang hiling ko naman sana ang pagbigyan.
Sabay nang pag alis at patak ng luha ang siyang sigawan at hiyawan ng manonood.
"Nanalo tayo!" Hiyaw ni kuya Edward. Kaya napalingon ako. Kita ko ang masayang mukha ni Radlegh, di maawat ang ngiti. Bakat naman ang disapointment sa mukha ni Brandon.
Napahinto ako ng nabaling ko ang aking paningin sa taong humihingal habang nakatukod ang kamay sa kanyang tuhod bilang supporta.
Nagulat na lang ako ng natagpuan niya ang aking mga mata. Nangungusap, tila may sinasabi.
Ngumiti lang ako sa kanya at tuluyan ng umalis.
*---*
Andito kami sa hapag kainan at kumakain. Ulam namin ngayon ang sinabawang manok at pritong isda.
Nagulat pa ako kanina ng nakita sina Radlegh at Rejgid na nasa sala, at nakipag kwentuha kay Kuya Joseph, kuya Edward at Tay Isko. Di mo lubos maisip na close na close na sila.
Kalalabas ko lang galing kwarto pagkauwi ko. Yon agad ang nadatnan ko, tawanan at halakhak.
Sabay namin silang kumain ngayong gabi at kaharap ko pa. Katabi ko si Nay Lorna at ate Imelda. Tahimik lang silang kumain.
Habang si kuya Edward, kanina pa putak na putak, di na nahiya sa dalawang lalaking ito. Feeling close agad? Habang si kuya Joseph at tay Isko palihim na natawa.
Napayuko na lang ako, ng napansin kong tiningnan ako ni Rejgid dahil sa palihim kong pag tawa. Binalik ko nalang ang tuon ko sa pagkain.
"Grabi Gigi! Bat kaba umalis kaagad kanina, huh? Di mo tuloy nakita kung gaano nakuha ni pareng Rejgid ang bola sa lokong Brandon na'yon" Palatak ni Edward habang puno ang bunganga nang pagkain
"Lunukin mo muna iyan Edward" Saway sa kanya ni nay Lorna.
Nilunok naman niya iyon, uminon ng tubig at tumalak ulit.
"Astig talaga!" Sambit pa niya. Sabay sagi kay Rejgid na nasa tabi niya.
"Tumigil ka nga Edward! Nakakahiya sa bisita!" Saway ni ate Imelda.
Napatawa naman sila. Habang ako tahimik lang.
"Bakit ba. Masaya lang ako ate!" He traced
"Syaka Gigi, sa pag kakaalam ko na ikaw ang pusta!" Nabulunan ako dahil sa sinabi ni Edward. Agad naman akong inabutan ng tubig ni kuya Joseph at tinapik ang likod ko. Kita ko rin na tumingin si Rejgid at Radlegh kay Joseph dahil sa pagaalaga sa akin.
"Hinayhinay lang Gi!" He traced. " Preno din minsan Edward!" Saad niya kay Edward, na natatawa na ngayon. Bumalik naman si kuya Joseph sa kinauupuan niya.
"Bakit bah? Buti nga di nanalo iyong lokong Brandon na iyon, kundi, magiging putchacha itong Gigi natin" Sambit muli ni Edward.
He has a point.
"Buti nalang si Rejgid ang nanalo. Atleast nasa mabuting kamay itong baby Bunso natin!" Seryuso niyang saad.
Namula naman ako. Di alam ang e-rereact.
Seryuso naman silang lahat. Pati siya. Tumingin siya sa akin.
Tumingin din ako kay Radlegh. Kita ko sa kanyang mata ang paghihinayang.
Bakit?
"Alagaan mo itong bunso'bunso namin pareng Rejgid ah! Wag na wag mong saktan!" Sambit ni Edward, habang lumamon parin ng manok. Seryuso siyang sinambit iyon.
Tahimik silang lahat, hinintay ang sagot.
Imposibling mangyari ang hiling mo kuya Edward.
Tiningnan pa ako ni ate Imelda, taimtim iyon, she know's everything. Alam din niyang may gusto ako kay Rejgid.
Parang ayaw kong marinig ang sagot niya. Masasaktan lang ako.
"Tapos na pala ako. Salamat sa pagkain" Tayo ko at dala ng plato sa sink.
Kita kong nanonood lang sila sa akin. Inaabangan ang bawat kilos ko.
"Tapos na din ako! Salamat nay Lorna at Tay Isko" sambit ni kuya Joseph, at sabay lagay ng plato niya sa sink.
"Tara Gigi" Anyaya niya sa akin.
Tahimik ang lahat.
Plato at kumbyertos lang ang maingay.
Batid ni kuya Joseph, na ayaw kong marinig ang sagot niya. Walang hiya kasing itong Edward, eh ano! sana, di na niya sinambit pa.
Hahakbang na sana kami ng marinig ko ang kanyang sagot, na naghahatid sa akin ng panginginig.
"Yes I well. Aalagaan ko siya, di ko siya sasaktan!"
Yes I well. Aalagaan ko siya, di ko siya sasaktan.
Napasinghap ang lahat.
Di ako makahinga.
Kinikiliti ang tiyan ko.
Parang may paro parong kumiliti doon.
Lumingon ako muli. Seryuso siyang nakatingin.
Totoo ba ang narinig ko? O kabaliktaran ang salitang iyon?
Di ko alam kong bakit ang isipang iyon ay naghahatid sa akin ng libo libong sakit na para bang isang punyal na paulit ulit na tumarak sa aking dibdib.
I smile bitterly.