Chapter 14
Mabilis lumipas ang araw sa susunod na araw, di ko na muling nakasalamuha pa ang pamilyang Martinez, especially Rejgid.
I was about, to ask my self why?
Bat ako nasasaktan? Bat ako umiyak sa simpleng salita lang niya.
Alam ko namang masakit siyang magsalita. Bat di pa ako nasanay.
Huh
I breath deeply.
"Hello to Gigi, nakikinig ka ba?" Sagi ni kuya Joseph sa akin. Tiningnan ko naman siya.
Kanina pa pala ako tulala dito habang nagbabalat ng mais. Andito pala kami sa bukid nina kuya Edward, kasama sina tay Isko at Nay Lorna. Si ate Imelda naman ay naiwan sa bahay para magsaing, para mamayang gabi. Alas kwartro na ng hapon, but still andito pa kami.
"May problema ba?" Tanong niya muli. Alam kung nag-alala siya sahil sa tono nang kanyang pananalita.
Bumuntong hininga ako at bumaling sa kanya.
"Don't worry to me kuya, Okay lang ako. Malakas to." Saad ko sabay pakita ng braso ko na payat, pero bagay naman iyon sa katawan ko.
"Loko ka talaga!" Tawa niya sabay gulo ng buhok ko.
"Kamay mo kuya!" Sagi ko sa kamay niya, natatawa naman siya. Madumi kasi iyon dahil sa pagbabalat ng mais. Kunti palang ang nabalatan namin.
"Guys, tama na siguro iyan. Kamote na naman daw ang kunin nina itay at inay. Tayo na lang ang tatapos nito" Bungad ni Edward, sabay lagay ng puso ng mais sa lupa. At umupo sa tabi namin, at nagsimula na sa pagbalat.
Bumaling siya sa amin ng naging tahimik kami.
"Ano?" Bungad niya.
Di na namin napigilan at lumabas talaga sa aming bunganga ang malakas na halakhak.
"Bwahahahahahah" tawa namin sabay turo sa mukha niya. May dila dila kasi sa kaliwang pisngi niya. Di ba niya iyon naramdaman?
"Anong tawa tawa niyo?" Inis niyang tanong. Pero di parin kami huminto sa katatawa.
"Ano bah!" Asar niyang saad habang pinukpok ang balat ng mais kay kuya Joseph habang natatawa pa.
I bit my lower lip para pigilan ang tawa. dahil galit na talaga siya.
"Seryoso pare, di mo ba talaga naramdaman?" Pigil na tawa ni Kuya Joseph, kaya binalingan naman siya ni kuya Edward, habang di maintindihan ang sinasabi ni kuya Joseph.
" ahem!" Tighim ni kuya Joseph habang pigil parin sa pagtawa. Even me, pahilim kong tumawa, nakagat ko na lang ang labi ko ng bumaling si kuya Edward sa akin.
Ngumuso naman si kuya Joseph habang tinuro iyong dumikit na dila dila sa mukha niya. Kumunot naman ang noo ni kuya Edward.
"Yak ka Pare. Di ako pumatol sa bakla. Gusto mo lang pala ng kiss, may panguso nguso kapa jan!" Seryuso niyang saad habang nandidiri. Kaya lumagapak ang tawa ko.
"Bwahhhahaha!" Tawa ko, di ko na kasi mapigilan. Seryuso?
Natawa pa nga si kuya Edward, habang nairita naman si kuya Joseph, parang nabaliktad ata ang mundo ah?
"Loko ka din, anong akala mo sa akin? pumapatol sayo!" Joseph traced. " May dila dila naman talaga sa mukha mo pare"
Natawa pa kami. Niloko pa ni kuya Edward si Joseph.
"Weah! Bat di mo kasi aminin" Sundot niya kay kuya Joseph " Anong Dila dil- " Di niya natapos ang kanyang sinabi ng nahawakan niya iyon na di sinadya. Bigla pa kaming nagulat ng bigla siyang sumigaw.
"Wah tulong!" Sigaw niya, habang pa lundag lundag. Natatawa naman kami ni Kuya Joseph, dahil sa takot na mukha ni kuya Edward.
Seryoso takot siya don?
Napahinto lang siya sa pagsigaw at paglundag nang naramdaman niyang wala na iyon sa mukha niya.
Bumalik siya sa pag upo habang namumutla ang kanyang mukha. Pinigilan naman naming na wag tumawa, baka kasi mapaltusan kami. Haha.
"Tawa tawa nyo jan?" Namumutla parin niyang saad.
"So! sino ang bakla sa atin ngayon?" Asar ni kuya Joseph sa kanya. Pero di na siya sinagot pa ni kuya Edward.
Napa hinto ako sa pagtawa ng tumingin siya sa akin.
"Tawa tawa mo jan Gigi"
"Bakit ba? Di ko mapigilan eh!" Asar ko naman sa kanya, habang natatawa. Pinigilan naman ni kuya Joseph ang pagtawa niya.
"Ganon pala ah!" Dali daling tumayo si kuya Edward at kumuha ng kahoy. Tiningnan ko ang ginawa niya. Nagulat na lang ako ng kinuha niya ang dila dila at nilagay iyon sa kahoy.
Napatili na lang ako ng nilapit niya iyon sa akin.
" kuya Edward" Tili ko. At agad napatayo.
Natawa naman siya. Habang hinabol ako. Dinamay pa niya si kuya Joseph dahil tawang tawang ito.
Kaya heto kami naghahabulan sa kabukiran. Puno ng tawanan at tili ang buong kapaligiran Napahinto lang kami ng dumating sina tay Isko at Nay Lorna dala ang Kamote. Napagalitan pa kami dahil sa ingay namin.
Pero di parin namin mapigilan ang pagtawa kaya napuno ng tawanan sa oras na iyon.
Alas singko ng hapon ay umuwi na kami, habang bitbit ang kamote at mais. Di parin maalis ngiti sa aming labi, dahil sa kagaguhan namin. Di pa nga namin natapos ang pagbalat, buti na lang dumating sina tay Isko at nay Lorna.
"Takot ka pala sa dila dila kuya!" Asar ko sa kanya, habang dumaan sa masikip na daan, matalahib iyon buti na lang di basa ang lupa.
"Takot ka naman ah!" Balik niyang asar sa akin. Nasa Unahan si Kuya Joseph nasa gitna ako at nasa ulihan naman si kuya Edward. Habang sina Tay Isko at Nay Norna, nauna na sa'min. Ang lamya kasi daw naming maglakad.
Treasure the moment lang kasi ang ginawa namin.
"Pero di tulad mo kuya, na para kang nabudburan ng asin" Saad ko habang pigil sa pagtawa. Dinig ko pang natawa si kuya Joseph na nauna sa akin.
"Nye nye nye!" Busangot niyang sambit. Kaya natawa na lang kami sa kanya.
Malapit na kaming makarating, ilang hakbang na lang para masumpungan ang bahay nina kuya Joseph. Nalagpasan na namin ang poso.
"Inom muna ako, uhaw na uhaw na kasi ako!" Hingal na sambit ni kuya Edward at lumapit sa puso at uminon. Habang kami, tumayo lang at tiningnan siya.
"Di kasi makapigil! Malapit na tayo sa inyo hoy!" Sambit ni kuya Joseph.
"Pake mo!" Natawa pa kami ng nabulunan siya dahil sa paginom ng tubig.
Para namang kumain ito ng karne't nabulunan pa.
"Wag mo kasing isipin si Josephene Pre Edward! Sarap na sarap ka jan eh! At nabulunan pa" Dahil don, nabulunan muli si kuya Edward at napaubo.
Ubong ubo siya, habang kami nagtawanan. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, habang tinawanan siya.
Pero nawala ang tawa ko ng nakita ang taong di ko inaasahang makita. Nabanbga pa nga si kuya Edward sa likod ko ng huminto ako sa paglakad.
"Hey! Gigi, bat ka huminto?" Sambit ni kuya Edward habang umubo parin
Lumingon naman si kuya Joseph sa akin ng namalayan niyang huminto ako. Ng nakita niya ang mukha kong gulat na gulat, sinundan agad niya ang aking tingin at natagpuan ng kanyang mga mata ang dalawang lalaki, nakaupo lang si Rejgid habang seryusong nakatingin, habang si Radlegh ay nakangiting nakatingin sa akin.
Kita ko pang maraming babaeng nakasilip sa kanila. Kinikilig pa, parang inaasam ang panahong makakita ng mala adonis na mukha, at binayayaan sila sa oras na ito.
Bakit sila nandito?
"Gigi!" Bungad ni Radlegh sa akin at yumakap. Nagulat ako sa ginawa niya.
Seriously? Im sweat at mabaho, dahil sa pawis.
Kumalas naman siya ng di ako makahinga. Tiningnan naman niya ang dalawa kong kasama. At binalingan ako, tiningnan pa niya ang damit kong pang julaylay na purma, malaking jacket, maluwag na pants at itim na butas 'boots'. Para akong pulubi kong tingnan.
Napangiti naman siyang nakatingin sa hitsura ko.
"Bagay pala sa iyo!" Asar niyang saad, kaya nasiko ko siya. Natawa naman siya.
"Una na ako Gigi, bihis muna ako!" Paalam ni kuya Edward, binalingan muna niya si Rejgid na seryuso lang nakaupo sa malapit sa makupa tree, bago pumasok sa bahay.
"Ako din Bunso! Bihis muna ako. Baho ko na!" Ngiting sambit din ni kuya Joseph, at ginulo ang buhok ko. Umalis naman siya at pumunta sa kanilang bahay.
Kita ko pang kumunot ang noo ni Radlegh.
"Bunso? Ano yon?" Kunot na tanong ni Radlegh habang tumingin sa akin.
"Bihis muna ako!"
"Wag na! Bagay naman sa iyo eh!" Asar niya.
"Che!!" Inis kong sambit at iniwan siya. Nagkatinginan naman kami ni Rejgid pagdaan ko sa kanyang harapan. Seryuso lang siyang nakatingin sa akin. Pero ako na ang umiwas dahil ang lakas ng kabog ng puso ko.
"So! Bat kayo nandito?" Tanong ko kay Radlegh habang sinipat ng tingin si Rejgid na nakatayo habang may kausap sa cellphone niya. Binalik ko naman agad iyon kay Radlegh ng bahagyang bumaling si Rejgid sa pwesto namin.
At nabuko niya ako. O my God!!
"P-a-ano mo nahanap ang bahay nina ate Imelda?" Utal kong tanong. Bahagya naman siyang natawa dahil sa pagkautal-utal ko.
"Easy easy! Di naman kita aanuhin" Tawa niya, pero agad niya muling tinikom ang kanyang bibig galing sa pagtawa ng pinaliitan ko siya ng mata.
"Bakit nga?" Inis kong sambit. Naging seryuso naman siya. Tumighin. Inayos ang upo at bumaling sa akin.
"Hinanap namin ang Galando. Buti nalang at ng nahanap namin iyon. Pupunta na sana kami diyan sa likod ng bahay na ito at ng nakita namin si ate Imelda" Paliwanag niya "Di pala Galando ang apelyedo ni ate Imelda. Don kasi ako bumabasi sa suot mong Jersy. Kanino pala iyon?" Chismis niyang tanong.
" Kay kuya Joseph, yong lalaking nasa unahan ko. Pinahiram niya ako, dahil wala na akong ibang masuot"
"I see!"
Silence.
"Mag meryenda muna kayo" Saad ni ate Imelda, sabay lapag ng puto, kamote, mais at juice sa mesa. Loto na pala?
"Salamat ate Imelda!" Pasalamat ni Radlegh. Tumango naman si ate Imelda. Bumaling pa siya sa akin at ngumiti. Tiningnan naman niya sandali si Rejgid bago nagpaalam at bumalik sa loob ng bahay.
Batid kong maraming nakatingin sa amin. Kahit na ang grupo ni Brandon, nakita ko ,naglaro kasi sila ng basketball. Pati grupo nina Josephene andito din, kinikilig pa habang nakatingin sa dalawang lalaking kasama ko.
Kita ko pang umupo si Rejgid sa harap namin at kumuha ng juice at nilagok iyon sa isang inom. Uhaw siguro?
"Anong sadya niyo? Mo dito?" Tanong ko. Ramdam ko pang tumingin siya sa akin habang tinanong ko iyon kay Radlegh. Curious naman ako.
Tumighim naman siya.
"Kailan pala ang balik mo sa syudad?" Tanong ni Radlegh, habang kuha ng juice sa pitsel at ininom iyon.
"Last July" Iksi kong sagot. Nagulat pa ako ng natalsikan niya ako ng juice. Dahil naibuga niya iyon.
"Sorry Gigi!Nagulat lang ako. Ang tagal naman kasi!" Paumanhin ni Radlegh sabay punas ng panyo niya sa damit ko. Narinig ko namang may nahulog na baso, buti nalang at plastik iyon, tiningnan ko naman iyon, its Rejgid Cup. Anong nangyari?
"Okay lang! Ako na" Sabay kuha ng panyo niya at ako na ang tumapos sa pagpunas.
"Labhan ko muna ito. Bago ko ibalik sayo. Nakakahiya naman pag di ko nilabhan"
"Nako okay lang! Pwede namang di mo labhan. Hmm cute mo talaga" Pisil niya sa ilong ko. May narinig namang akong umubo. Pero di ko na iyon pinansin pa.
"Bat mo pala natanong?" Tanong ko ng nahismasmasan ako. Umupo ako muli sa upuan. Kita ko pang kumain ng puto si Rejgid.
"Birthday ko kasi July 30. Gusto ko sana kitang imbitahan"
"Punta ka ah! Kong di magtatampo talaga ako sayo" Bata niyang sambit. Sus! Para talagang bata. Di tulad iyang pinsan niyang bato. Tumango naman ako bilang tugon na makakarating ako.
"Syaka, sa resort pala namin gaganapin ang kaarawan, dapat, July 29, andon ka na para mapuntahan kita agad sa bahay niyo" dagdag niya. Tango lang ang naisagot ko.
"Mga pare Basketball tayo" Gulat ako ng nagsalita si Brandon. Andon pato sa dryer kanina, nagulat na lang ako ng nandito ito ngayon.
Tiningnan naman niya si Radlegh na parang nagsukatan ng tingin, at tumingin din kay Rejgid ngunit bumaling siya agad sa amin, kita kong takot siya kay Rejgid dahil sa nakakatakot na tingin nito.
"Ikaw ba yong sabi nilang Syota nitong si Gigi?" Tanong niya kay Radlegh. Kumonot naman ang noo ni Radlegh ngunit kalaunan ngumiti ito ng bahagya.
Kumonot naman ang noo ni Rejgid bahagyang di alam ang ibig sabihin ng salitang 'syota'. Tumingin naman siya kay Brandon.
"Laban tayo. Kasama ang grupo ko at grupo mo!" Hamon niya. Napa face palm nalang ako. Tumawa naman si Radlegh habang tumikhim naman si Rejgid.
Naghahamon pa talaga itong adik na'to.
" Pag nanalo kami sa laban, akin na si Gigi. Alam mo namang gusto ko iyan" Nagitla ako sa pagka honest na lantad ni Brandon. Kita ko pang nabulonan si Rejgid, nagulat pa ako na ang baso ko ang ginamit niya na may laman pa. Di ko pa kasi iyon na ubos.
Hala
Indirect kiss iyon!
Napatigil naman siya at napatingin sa baso. Tila natauhan na di kanya iyon. Nahulog kasi ang baso niya. Tumingin siya sa akin ng napansing nakatingin ako sa kanya na gulat na gulat.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, at bumaling sa dalawang nagsukatan ng tingin. Seryuso lang si Brandon na parang natatae, at nakangisi lang si Radlegh na feel na feel na kayang kaya niya.
Nagulat na lang ako ng may nagsalita. Its Rejgid nakatayo siya sa harap namin na malapit sa akin. Amoy ko na ang pabango niyang masarap sa ilong. Parang gusto kong langhapin iyon araw araw. Stop it Gigi. Ang adik mo!
"What if, you lose?" Malamig at serysuso niyang sambit. Napatingin naman sa kanya si Brandon at Radlegh even me, nakatingin sa kanya dahil sa kanyang awra.
Nagitla naman si Brandon.
"Sayo na si Gigi. Sayong sayo!"
Im froze.
Di alam kong hihinga pa ba ako.
Ang init ng athmosphere.
Ako pa talga ang price. Tsk.
"Ok then!"
Im froze. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatulala, di makagalaw. Tama ba ang narinig ko?
No!
Yes!