Chapter 7
Ilang minuto na ang nakalipas simula kanina. Andito ako ngayon sa secret room ko, nagmuni muni. Galit ako! Pero may bahid na takot din akong nadarama.
Nakatingala lang ako sa siling kung saan may glow star akong dinikit doon. Mag go-glow siya pag madilim ang paligid. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti gaya ng pagmasid ko sa totoong bituin sa kalangitan.
"Bat ko ba nagawa iyon?" I asked myself. Alam kong magalit si ate sa akin. Pero di ko namang pinakita na naiinis ako sa inasta ko kanina, pero kita ko naman kong paano siya nagalit sa akin dahil kita ko iyon sa kanyang mata. I hate for being like this. Alone and hopeless.
Nasabunot ko nalang ang sarili kong buhok dahil sa frustration. Frustration? Curious? And doubt? Oo yon ang naramdaman ko lalo na yong makakapatay tingin niya sa akin. Sa titig niya kasi ay gusto niya na akong patayin, dahil sa kanyang galit.
Galing sa katingala ay yumuko ako at pumikit para maibsan ang aking pagkainis sa sarili. Mayamaya'y humarap sa dingding, kahit na lagpas ang aking tingin. Wala kasi ako sa isip. Gulong gulo ako.
Dahil sa aking pagkainip nahagip ko ang pinakamamahal kong instrument. Gusto kong tumogtog para maibsan ang kalungkutan ko. Tumayo ako at pumunta doon sa kong saan nakahalera ang mga instrumento ko.
Nalilito pa ako kong ano ang gagamitin ko. Guitar ba? Violen? Piano? Binaybay ko muna ang aking kamay sa bawat instrumentong nahawakan ko at nilalasap iyon.
Tinitimbang pa ang sarili kung ano ang gagamitin. Hmmf. Seguro violen na lang, matagal ko na kasi itong di nagamit. Kinuha ko ang violen sa kanyang lalagyan at umupo sa upuan na kaharap ang baby piano ko.
"Sa susunod kana muna kita gagamitin huh" Saad ko sabay haplos sa isang violen katabi ng kinuha ko. Magtatampo siguro to dahil nakalimutan ko na siyang gamitin.
Niyakap ko muna ang violen at nilalasap iyon, para bang naglalambing na magina. Feel ko kasi na ako ang mama niya.
Napatawa nalang ako sa sarili kong iniisip. I place my baby violen on my neck but the problem is... di ko alam kung ano ang aking tugtugin .
Bahala na nga.
Pinikit ko ang aking mga mata at sinimulan ang pagtugtug, bawat hagip ng string mula sa stick nito ay nagdudulot ng sakit.
Its my own piece pero di ko pa to natapos. Nagawa ko to noong lungkot na lungkot ako. Yong feeling na di ako naintindihan ng mga tao, even my dad.
Bawat lyrico ay nagsasaad ng gaano ako kalungkot ngayon . Tagos sa puso. Bawat hagud ko ay siyang patak ng luha, di ko matigilan ang agos niyon.
I wish youre here ma.
Bulong ko sa kawalan habang nakapikit ang mga mata, at habang patuloy ang hila sa musika.
Di pa to tapos pero, ayaw huminto ang aking daliri, para bang nakisabay siya kung paano kalungkot ang aking damdamin.
Di ko pa alam kong ano ang pamagat sa lyricong ito, siguro pag tapos na don ko na mabigyan ng pamagat. Pinagpatuloy ko ang pagtogtog, ngunit napahinto lang ako ng may narinig akong nahulog.
Binuka ko ang aking mga mata para tingnan kung ano ang nahulog na iyon. Nagulat pa ako sa aking nakita.
Anong ginawa niya dito? Kita ko pa ang basag na picture frame. Picture ko iyon noong grade 6 ako. At dinikit ko doon ang picture ni mama kahit na di ko siya masyadong namalayan noon. I was 4 that time ng nawala siya.
Dali dali kong pinahid ang aking luha at humarap sa kanya muli. At nilagay ang violen na ginamit ko sa ibabaw ng piano.
Kita ko pang pinagmasdan niya ang buong kwarto at sinuri ng kanyang mga mata ang bawat medalya, certifico at trope na nakaherera sa dingding o cabinet, di din nakaligtas sa kanyang paningin ang artwork piece ko .
Pinulot ko din ang basag na picture frame, napaiyak na ako ng subra.
Mama
Tawag ko sa kanya. Kahit na sa isip ko lang. Gusto ko siyang sigawan. Ngunit di ko magawa.
"Anong ginawa mo dito?" Tanong ko ng nahanap ko ang aking boses. I breath deeply habang tiningnan siya ng mabuti. Yon lang ang nasabi ko sa kabila ng ginawa niyang pangbasag ng picture frame ko.
"Alam mo bang tresspassing ang ginawa mo? At nanira kapa ng gamit na di mo gamit?" Tanong ko muli. Akala ko ba nakauwi na sila? Bat andito pa to?
Nilagpasan ko siya, amoy na amoy ko pa ang nakalasing niyang pabango, pero gustong gusto iyon ng ilong ko, at syaka lumabas at iniwan siya doon. Paano siya nakapasok? Di ko ba na lock ang pinto?
Bahagya pa akong nagulat ng di ko pala natago iyong skecth na nasa study table ko, dali dali ko iyong tinago at sinukbit sa libro. Alam kong nakatingin siya sa akin. I wish di pa niya ito nakita.
"What will you do? Diba sabi ko lumayo ka sa kanya?" Nagitla ako sa sinabi niya. I breath deeply at tumingala sa kisame, at binalingan siya muli. He look at me like a blank page.
"He want help" I lied " For ate Rosan, he like her also" I lied again. Alam ko namang di nagpapatulong iyon ako lang talaga ang nag offer. Kita ko pang kumonot ang noo niya.
"Help?" He traced " Or sirain?" He added. " I know you like him" Lalim niyang saad. Umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya. Okay di niya nakita ang sketch ko na kamukha niya, buti naman kung ganon.
" Pumasok ka lang ba dito para sabihin iyan? Kung wala ka nang sasabihin pwede ka ng lumabas!" Pagtitimpi kung saad.
"Bumalik ka na doon sa baba! Kung saan ka nabibilang! Total pareho naman kayong lahat! Mapanghusga!!" Mahinahon kong bulyaw sa kanya. Umigting ang panga niya. He control his temper.
Tumingin siya sa akin, na di lubos maintindihan ang emotion niya.
"Tsk!" Asik niyang saad
" Impossible!!" Dagdag pa niya. I look at him, kita ko talaga sa kanyang mga mata ang galit. Mahal niya talga si ate. Nasasaktan ako. Subra! Tumalikod ako sa kanya ng tumulo ang luha ko.
Pinigilan ko ang luha ko habang kaya ko pa itong pigilan. Pinunasan ko iyon muli at humarap sa kanya.
"Wag kang mag alala. Tutulong lang ako. Wala akong balak manira, gaya ng ginawa ng iba sa akin" dagdag ko, at binuksan ang pinto para palabasin siya.
Kanina pa siya di umimik. Tiningnan ko siya ng blanko habang hawak ang pinto ng kwarto ko.
Humakbang na siya para lumabas. Huminto pa siya ng nagkatapat na kami at tumingin sa akin. Blanko ang mukha niya. Bago siya lumabas ay may huli akong salita.
"Wag ka ring magalala! Kung masaktan man si ate ng dahil sa akin, dahil nga ayaw mo nga siyang masaktan because of -me!" Piyok kung saad habang tumulo ang luha ko.
"Wag kang mag alala free kang pumunta sa akin para bulyawan, saktan or even iuntog ang ulo ko sa pader. I'll accept that, without any words" Dahil nga , Gusto kita.
Di ko na iyon naiusal pa sa kanya. Nakatalikod lang siya at di na lumingon pa. At sandali'y tumalikod na siya at di na nag-abala pang tumingin pa muli sa akin. Sinarado ko na ang pinto. At doon ko na binuhos ang luha ko na kanina pa gustong lumabas.
Im just a broken piece.
My Life is like a Broken piece of a music.